TLH: Chapter 15

8.1K 150 1
                                        

Eunica's POV

1 month na ang nakalipas after nung nangyari sa elevator. At 1 month na din na napaka-cold ng treatment sa akin ni sir Ivan. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa inaasta niya sa akin kahit hindi naman dapat. May parte sa isip ko na kailangan ko siyang kausapin at may parte naman na dapat ko nalang hayaan. AHHHHH! Hindi ko na talaga alam! Napasabunot nalang ako sa buhok ko out of frustration. Eunica bakit ka ba nagkakaganyan?

Sa loob ng isang 1 buwan, para akong nakikipag-usap sa hangin tuwing may mga appointments akong sinsabi kay Sir. At ang tanging sagot niya lang sakin ay "Yes", "No", kung hindi ganun, tango lang at kung minsan hindi siya sumasagot. Hindi ko na talaga maintindihan si Sir eh. I mean, ano bang nagawa ko? Psh!

"Eunica, hindi ka pa kakain?"

Nagbalik lang ako sa realidad nung tinawag ako ni Veron. Tumingala ako dito at ngumiti. "Hindi pa eh."

Tinaasan naman ako ng kilay nito. "Haynaku ka talagang babae ka! Tara na nga. Sabay na tayo!"

"W-Wal--"

Sasagot palang sana ako pero nahila na ako ng bruha kong kaibigan at wala na akong nagawa kundi sumunod nalang din. Mamaya maging baliw na ako kakaisip dun kay Sir Ivan.

Nakakastress siya!

"Ganito kasi 'yan pre. Ayain mo na kasi siyang lumabas!" pagkadating ko palang ng break room, iyan na agad yung narinig ko. Nag-cr pa kasi si Veron eh. At sa palagay ko si Dave iyon.

"Oo nga! Totorpe-torpe ka nanaman kasi eh!" si Jem

"Eh paano ba? Nahihiya ako kay Eu---"

Nagulat ako ng bigla nalang basta basta tong pumasok si Veron sa loob kaya natigil sila sa pag-uusap.

"Hey everybo--- oh bakit ganyan mga mukha niyo?" si Veron

Napatingin ako sakanila at sabay sabay silang nagsi-iwas ng tingin at parang walang narinig. Nagkatinginan kami ni Veron but I just shrugged at naupo na. Pagka-upo ko, naramdaman kong may nakatingin sa akin at nung inangat ko yung ulo ko, napatingin ako kay Ricky, at bakit parang namumula siya? Nakita ko namang siniko siya ni Dave at ngumisi, binatukan naman ni Ricky si Dave at nagpatuloy ng kumain.

I shake my head at kumain nalang ng tahimik. Ewan ko, pero wala ako sa mood.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko ng may naramdaman akong may kumakalabit sa akin. Nilingon ko ito and it's Jem. "Pst! Euni, are you okay?'' nag-aalalang tanong nito bago ngumiti.

Ngumiti ako dito bago sumagot. "Oo naman."

"Sure ka? Bakit parang namumutla ka? " paninigurado nito. Napatingin na din silang lahat sa akin.

Pinakiramdaman ko yung sarili ko, medyo nilalamig pala ako tsaka masakit yung ulo ko.

"Hindi. Okay lang ako, Jem. Salamat" sabi ko

"Okay?" Tanging nasabi nito.

Tumango nalang ako kay Jem at ngumiti para hindi na siya mag-alala at pinagpatuloy yung kinakain.

"GUYS!"

Napalingon kaming lahat kay Veron na bigla bigla nalang binabagsak yung kamay sa lamesa.

"Why so serious guys? Ang tatahimik niyo!" Maktol ni Veron sa amin.

Napailing nalang ako, isip bata nanaman tong babaeng to.

"Ano ka ba V. Bakit anong masama sa tahimik na kumakain?" Tanong ni Dave

Veron pouted and rolled her eyes at hinarap si Dave. "Tss. Can't you see? Hindi naman tayo ganito. I mean ganito katahimik."

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon