TLH: Chapter 9

8K 152 1
                                    

Ivan's POV

Why can't I sleep?

Laging nagfla-flashback sa utak ko nung nangyari kanina sa kotse nung hinatid ko si Eunica sa bahay nila.

I-aabot ko lang naman yung yung tapos hindi ko naman sinasadyang na mahali----tangina! Bakit kasi napaka-clumsy ng babaeng yun eh!

I got up from bed and went to my mini bar. Kumuha ako ng isang brandy glass at nilagyan ito ng alak.

I drank it straight at gumuhit sa lalamunan ko ang mapait na likido.

Bakit nagkakaganito ako? I mean for Pete's sake! I'm a Clarkson! Tinitingala ng lahat at inaasam-asam ng bawat babae mundo at isang hamak na sekretarya ko lang ang nakakapagramdam sa akin ng ganito?

Biglang pumasok sa utak ko yung sinabi ni Mike.

"Dude, if you're falling for her, be sure about it because she's different from the others."

A-Am I falling for her?

Fuck.

Eunica's POV

Maaga akong nagising dahil kailangan maaga din akong matapos sa paglilinis ng condo ni Sir Dragon este sir Ivan. Ala-sais na sa orasan ko kaya gumora na ako palabas ng bahay. Hindi ko na ginising sila mama nag-iwan na lang ako ng sulat. Chos, kala mo maglalayas.

Pagkadating ko sa kanto namin, nagpara ako ng taxi. Kahit labag sa loob ko mag-taxi kailangan dahil sa may BGC pa yung condo ni Sir. Malayo sa amin kaya pag nag-jeep ako eh baka maligaw pa ako at mamali ng daan. Kaya kahit nag-hihikab hikab pa ako dito eh, pinilit kong gising ang diwa ko para matandaan ko na yung dadaanan ko.

30 minutes na kaming bumabyahe at nakita ko yung metro ng taxi.

Jusko! Mag-dadalawang daan na yung metro! Tinignan ko yung wallet ko, 300 lang nadala ko. Naiwan ko kasi yung pera ko sa bahay. Tinignan ko yung kontrata para malaman yung condo ni Sir.

Ayun! Clarkson Heights Condominium. Agad ko naman nilinga-linga yung mga building dito at hinanap yung Clarkson churva na yun. Buti nalang nag-stop kaya feel free ako lumingon-lingon. Nang may matanaw akong kakaibang building, nagning-ning ang mga mata. Pero kahit malayo pa eh, nagpasya na akong lakadin nlang.

"Manong, sa tabi nalang po"

Agad namang tinabi nung taxi driver at nagbayad na ako. Umiiyak na yung wallet ko. 100 na lang yung natira sa pera ko

Nagsimula na akong maglakad. Lakad dito, dito, dito tapos liko tapos diresto tapos BOOM! Andito na ako sa tapat ng Clarkson Heights Condominium. Pumasok na ako sa loob. Haggard na ang lola nyo.

Pumunta na ako ng elevator at pinindot ang pinaka-last floor which I think penthouse ata yun?

Ayan na nasa 50th floor?! Grabeeeee! Ang taas naman pala nitong building na to. Ngayon ko lang napansin.

Pinuntahan ko na yung unit ni Sir. Wow! May passcode. Sosyal. Tutal hindi ko naman alam yung passcode eh, nag-doorbell nalang ako.

Ang tagal namang buksan. Tulog pa siguro. Kakatok na sana ako pero bigla naman bumukas na yung pinto. Ang tumambad sa akin ang isang napakagwapong adonis na halata mong bagong gising. Feeling ko tuloy nasa langit ako at nagkaroon ng mistulang liwanag sa likod nito.

Nagbalik lang ako sa realidad ng may pumitik sa noo ko. Psh. Panira naman ng moment tong si Sir eh.

''Are you just gonna stand there?" si Sir with his bedroom voice. OMG! 'Wag kang ganyan sir, baka ma-rape kita at gawing almusal. Chos!

Agad namang ako pumasok sa loob at wow lang sa wow ang ganda ng condo ni Sir at ang linis. Ano lilinisin ko dito?!

"Start cleaning, Eunica, you don't want to be late for work"

Na-alarma naman ako sa oras. Grabe ang tagal ko pala nag-byahe. Psh.

"Agad agad, sir?"

Nangunot naman yung noo niya.

"Bakit may problema ka?" Masungit na sagot nito.

Sasagutin ko na sana si Sir kaso pagtingin ko wala na siya. Nagkibit balikat nalang ako.

Ipinatong ko yung black coat ko sa isang silya at tinupi ang suot kong khaki satin long sleeves hanggang siko, itinali ko ang buhok ko na parang naka-bun at hinayaan na may ilang hibla ng buhok ang malaglag bago nagpunta na ako ng kusina ni Sir. Mag-luluto nalang muna ako bago maglinis. Nagluto lang ako ng sinangag, hotdog, itlog, bacon at naghanda na din ako ng kape.

Hinugasan ko muna yung mga pinaglutuan ko at nagsimula ng maglinis. Habang ako ay nagpupunas-punas ng mga istante ay nakarinig na ako ng mga yabag pababa ng hagdan.

Nakita ko si sir na nakabihis na ng pang-opisina. Wow. Napapa-wow nanaman ako. Bakit ba ang gwapo ng boss ko? Napatinign siya sa akin kaya nag-iwas na ako ng tingin. Pinagpatuloy ko na yung paglilinis.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagwawalis  habang kumakanta ng matapos kumain si sir. Akala ko nga aalis na siya pero naupo pa siya dun sa couch. Nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

Ok. Bakit parang pakiramdam ko may nakatingin sa akin?

Dahil curiosity kills the cat, pasimple akong lumingon-lingon sa paligid.

At sa hindi ko inaasahan, nagtama yung mga mata namin ni Sir. Pareho kaming nagulat pero nauna siyang umiwas ng tingin.

May binulong bulong pa si Sir sa sarili pero hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Laking tuwa ko nung natapos na ako sa ginagawa ko! Yes! Napagod ako dun ah! Wala na si Sir sa sala kaya baka nasa kwarto niya ito kaya napagdesisyunan ko na akyatin yung kwarto niya.

Nang mahanap ko yung kwarto niya, kumatok muna ako.

"Sir, tapos na po ako maglinis." Sabi ko.

Pero walang nasagot kaya tinapat ko yung tenga ko sa pinto.

"Sir?" Tawag ko ulit pero wala talaga.

Okay I give up. Bumaba na lang ako sa naghintay sa may salas, naupo sa couch at binusog yung mga mata ko kakalibot ng tingin sa paligid.

Napasandal ako sa couch at ang lambot! Ang sarap matulog dito.

Ang tagal naman ni Sir bumaba. Ano kaya ginagawa nun? Tss.

Dahil mukhang matatagalan pa si Sir, pumikit muna ako. Medyo maaga kasi ako nagising pero hindi naman ako matutulog.

Isang minuto palang akong nakapikit ng may naramdaman akong may nakatingin ulit sa akin. 

Nanaman?

Pagdilat ko, nagulat ako at biglang umayos ng upo pero ....

"Ouch!/Aray!" Sabay na sabi namin ni Sir dahil nauntog kami sa noo ng isa't isa.

"S-Sorry/Sorry" Sabay ulit naming sabi ni Sir. Ano to? Sabayang pagbigkas?

It took some minutes at nagkatitigan kami ni Sir. Eye to eye. And I can't take my eyes off of him.

I'm locked to his dark grey eyes that it feels like it's calling out my name.

It's like flash came into the scene and I was stunned.

H-HE KISSED ME?!




The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon