Eunica's POV
"Ricky?"
Matagal siyang nakatitig sa akin kaya napayuko ako. Ano bang mali sa suot ko? O may mali? Nakakahiya ba yung suot ko? Pagka-angat ko ng ulo ko, nakatingin pa din siya sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya yung sobrang pagkamangha ba yun? Ah hindi ko alam! Nakakahiya naman.
"Ricky" tawag kong muli.
Tsaka lamang ito parang natauhan nung may mga limang hakbang nalang yung layo namin sa isa't isa.
"Ok ka lang?"
"A-Ah h-hindi e-este o-oo! Oo okay lang ako Eunica" natatarantang sabi nito. Mataman ko itong tinignan.
"Sigurado ka?"
Nagulat siya sa ginawa ko kaya bigla siyang napa-atras. Nangunot na yung noo ko.
"Oo okay lang ako. H-Hehe" sabi niya at napahawak pa siya sa batok niya.
Tinitigan ko si Ricky. Bagay sakanya yung black and silver tux na suot niya. Nagmukha lalo siyang professional. At mag-sisinungaling ako kung sabihin kong hindi ito gwapo. Dahil sa suot niya, ang gwapo niya ngayon. May itsura naman si Ricky pero na-enhance lalo ang itsura nito sa suot.
"Ah b-bakit E-Eunica?" tanong niya kaya ako naman yung natauhan
"W-Wala naman. Hehe" sabi ko at napa-iwas ako ng tingin.
"So..."
Napatingin na ako sakanya at naghihintay ng sasabihin.
"Y-You look beautiful tonight." sabi niya na ikinagulat ko.
Pakiramdam ko ang pula ng pisngi ko sa sinabi niya.
"S-Salamat." sabi ko at nginitian siya at nakita ko namang namula ata yung mukha niya? Hindi ko kasi masyadong nakita dahil bigla siyang nag-iwas ng tingin.
"Rick! Andito ka lang pala! Tara na bro. Ano pang hini--- Eunica?!"
Hindi natapos ni Patrick yung sinabi niya ng bigla siyang napatingin sa akin ng may nanlalaking mga mata. Natawa ako sa itsura niya.
"Hello" nahihiyang sabi ko.
Martin blinked his eyes twice, thrice bago napatulala ito sa akin. "Patrick?"
"Euni ikaw ba yan?" tanong nito
"Haha oo nga." natatawang sabi ko.
Nagulat naman ako ng may bumatok kay Patrick kaya nawala na yung pagkatitig niya sa akin. Medyo naiilang na kasi ako. Lahat nalang sila napapatulala.
"Masyado naman kayong namangha kay Eunica. " natatawang sabi ni Amber at lumapit sa akin.
"Eunica!!! Ang ganda ganda mo naman ngayon! Buti at pumunta ka!" Amber
Nginitian ko ito. "Salamat Amber. At ikaw din ang ganda mo."
Biglang pinamulahan ng mukha si Amber kaya natawa ako. She's wearing a black off-shoulder gown na bagsak lamang at may gold accent ito. Bagay na bagay kay Amber dahil lalo lumalabas ang kaputian nito.
Nakita ko na din sila Jem, Veron at Dave na papunta sa amin kaya nilapitan na namin sila at sabay sabay kaming pumasok sa hall na pagdadaluhan ng Annual Ball.
Nasaan na kaya si Ivan?
******
"Good Evening Ladies and Gentlemen! Welcome to the 25th Annual Clarkson Group of Companies- Employees Ball"
Lahat nagpalakpakan nung bumati yung emcee. Halos lahat ng mga employees ng CLS ay narito. Puno din ang hall at mukang wala nga yatang empleyado ang hindi pumupunta.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)
Aktuelle LiteraturHe's the boss, and she's just the secretary. They fell hard for each other and everything was perfect until fate turned their world upside down. Shall they fight or give up?
