Eunica's POV
"I'm so glad you're here hija!" masayang bati sa akin nung mommy ni Ivan. Ngumiti naman ako dito at nagulat ako nung bineso ako nito pati na din si Ivan.
"G-Good Evening po Ma'am" magalang na bati ko dito.
Tumingin ito sa akin. "Just call me Tita Celine or you can call me Mom" magiliw na sabi nito at kinindatan pa ako.
"Ma!" suway ni Ivan sa mommy niya pero di siya pinansin nito.
"Hehe. Sige po T-Tita." sabi ko nalang
"Come! Pasok na kayo." aya nito sa amin kaya pumasok na kami.
Nakakamangha talaga yung loob ng bahay nila Ivan. Para akong nasa Mt. Olympus. Yung tahanan ng mga Gods and Goddesses. Ang ganda talaga.
Naupo kami sa may sofa at doon nagsimula magkuwento si Tita Celine about kay Ivan at ako naman ay walang katapusang tumatawa habang nagkukuwento si Tita. Napatingin ako kay Ivan at halata mong naiinis na siya. Hahaha.
Binalik ko ang tingin ko kay Tita Celine at tawa nanaman ako ng tawa. Eh kasi naman hindi ko akalaing ganun kakulit at kapasaway si Ivan!
Tinitigan ko si Ivan, from his looks, malalaman mong isa siyang seryoso, masungit, hindi ngumingiti, cold, arogante, lahat na ata! Pero kapag nakilala mo na siya, dun mo makikita yung totoong siya at mararamdaman mong mahalaga ka sa kanya. Mararamdaman mo din na isa kang napaka-espesyal na tao sa buhay niya. You'll feel like his own precious stone na siya lamang dapat ang magmay-ari sa iyo. Hindi ka niya papabayaan at lagi siyang totoo sa mga nararamdaman niya. Nalaman at naramdaman ko iyan nung umamin siya sa akin. At sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman na special ako sa isang tao. Masasabi kong maswerte ako at nagkagusto sa akin ang isang Ivan Matheo Clarkson.
Nagbalik lang ako ng tumingin ito sa akin ng nagtataka at hindi ko alam kung bakit ngumiti siya sa akin kaya napa-iwas agad ako ng tingin at binaling ulit kay Tita Celine.
"By the way Eunica! I've tasted your chicken curry, can you teach me how you do it? I fell inlove with your dish." sabi ni Tita Celine sa akin na may kinang pa sa kanyang mga mata.
Nagtaka ako. Paano? Pero bago pa ako makatanong kay Tita ay sumagot na si Ivan.
"I gave her some nung nagluto ka sa condo ko babe" sabi niya at kinindatan ako.
Namula ata ako. "S-Sure po Tita."
Pumalakpak pa siya na parang bata. Nakakatuwa naman si Tita Celine. Ngayon alam ko na kung saan namana ni Ivan yung pagka-isip bata niya. Hahaha.
"I'm so excited! Hmmm,, when are you free naman hija?"
"Ahmm,, kayo po. Anytime po Tita" sabi ko nalang kahit hindi ako sigurado kasi may trabaho din ako. Ayoko naman kasi ma-disappoint siya eh.
"Okay. I'll just let Ivan know it para masabi niya saiyo. C'mon let's eat dinner!"
Ngumiti ako at tumango nalang. Nakaramdam na din kasi ako ng gutom. Naunang lumakad si Tita kaya naabutan ako ni Ivan at hinawakan sa kamay.
"Hey. Pasensya ka na kay Mom, ganyan lang talaga yan." sabi nito.
"Ano ka ba, ok lang ano. Nakakatuwa nga si Tita eh. Hindi ko akalain na ganyan pala siya." at napahagikgik ako. Hala nahawa na ata ako.
He pinched my nose. "Thank you Eunica."
Pumasok kami sa isang hall na siguro ay yun ang dining table nila at sumalubong sa mga mata ko ang pagkahaba-habang lamesa at punong puno ito ng pagkain. Bigla naman ako nakaramdam ng gutom at nakakapang-laway talaga.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)
Fiksyen UmumHe's the boss, and she's just the secretary. They fell hard for each other and everything was perfect until fate turned their world upside down. Shall they fight or give up?
