Eunica's POV
"Anak, nandiyan na yung sundo mo"
Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko ng marinig ko si Mama sa may pinto ng kwarto ko. Tumingin ako sa wrist watch ko at nangunot naman yung noo ko. Ang aga naman ata ni Ivan? Mabilis ako nagtapos mag-ayos ng sarili ko at kinuha na yung mga gamit ko bago ako lumabas ng kwarto ko.
Parati na din akong hatid-sundo ni Ivan dito sa bahay dahil nung last time na pumunta ako sa condo niya, du'n na din namin tinapos yung kontrata na ginawa namin nung una palang. Ginawa ko lang naman kasi 'yun dahil iniisip ko pa din naman yung napag-usapan namin nung una pero hindi ko akalain na mag-iiba na pala at siya na din pala tatapos ng kontrata namin. A part of me became happy at nabawasan yung pag-aalala ko. Ngayon alam ko na, na seryoso na talaga ito. Lalo na ngayon at magkaka-anak na kami.
Naabutan ko pang nag-aalmusal si Alice sa kusina habang si Mama naghuhugas ng mga pinag-kainan. Maaga umalis si Papa kaya 'di ko na naabutan. Nagtungo ako sa sala at nagtaka naman ako na wala dun si Ivan. So, baka nasa labas siya.
"Ma, alis na po ako."
"Mag-ingat kayo, ha?"
Tumango ako kay mama at nagmano na ako. Napadako yung tingin ko kay Alice at nginitian niya ako. Lumapit ako dito at ginulo yung buhok niya. Parang ang cute cute ngayon ni Alice. Hihihi
"Ate naman eh!"
"Oh bakit?" takang tanong ko
"Bakit ginulo mo yung buhok ko?" maktol nito
"Wala lang. Bye, bunso!" sabi ko dito at humalik pa ako sa pisngi niya.
"Aray!" gulat na sigaw ni Alice.
"Oopss! Sorry." sabi ko at mabilis akong lumabas ng bahay. Kinagat ko lang naman kasi siya sa pisngi niya. Ang cute cute kasi ni Alice ngayon.
Pagkalabas ko ng bahay, naabutan ko si Ivan sa tabi ng kotse niya.
"Good morning" bati niya.
Ngumiti ako dito. "Bakit ang aga mo?"
Lumapit siya sa akin at nagulat naman ako ng halikan niya ako sa pisngi ko. "Alam mo, ang saya saya ko na."
Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ha? Bakit?"
Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis na prang matutunaw ka sa sobrang kilig. "Kasi nakita na kita, buo na yung araw ko."
Ilang minuto ata akong napatutula bago napahagalpak ng tawa. Tama ba yung narinig ko? Si I-Ivan, bumabanat?
"What's funny? I was trying to make some pick up line with you"
Napatingin ako sa kanya at lalong lang ako natawa nung makitang nakasimangot na ito. Bakit ang cute cute niya kahit nakabusangot?!
Tinusok ko siya sa tagiliran. "Jesus, Eunica!"
"Ikaw ah! May ganu'n ka pang nalalaman ah."
Lalo akong natawa at tinuloy tuloy yung pinaggagawa ko sa kanya. Halos mapatalon na siya sa kinatatayuan niya. Akalain mo ang isang Ivan Matheo Clarkson, malakas ang kiliti sa tagiliran?
"I said stop!''
Hindi ko siya pinansin at lalo kong pinagpatuloy yung ginagawa ko. Ang cute talaga nito ni Ivan.
"AY!"
Napatili naman ako ng bigla niya ako higitin sa bewang at dahan dahang dinikit sa kotse niya. Sobrang lapit din namin sa isa't isa at parang anytime pwede kaming magtama ng mga labi pero maingat pa din siya para hindi maipit yung tyan ko . Ang lalim ng tingin ni Ivan sa akin. Hala, nagalit ko ata.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)
Ficción GeneralHe's the boss, and she's just the secretary. They fell hard for each other and everything was perfect until fate turned their world upside down. Shall they fight or give up?
