TLH: Chapter 7

9.1K 166 2
                                        

Halos maghahapon na nung natapos ako sa mga gawain ko. Nakaramdam na din ako ng pagkalam ng tyan kaya nagbreak na muna ako. Ako lang mag-isang kumakain dahil lahat sila nakakain na. Sanay nanaman akong mag-isang kumain dahil madami nga akong ginagawa at padami ng padami yung pinapagawa ng magaling kong boss.

Minsan ko na nga lang makasabay yung mga kaibigan ko dito sa opisina. Habang kumakain ako may kumulubit sa likod ko. Tinignan ko ito.

"Hey" Bati nito

"Hi, s-sir Mike" Bati ko din dito.

Si sir Mike. Minsan siya ung nakakasabay kong kumain dito at crush ko na nga ata siya eh. Hihi. Ay, malandi. Eh kasi naman ang bait-bait niya tapos ang pogi pa. Saan ka pa? Kay Sir Mike ka na!

"So how's your day, Ms. Valdez?'' Tanong nito

"Ah eh Sir, Eunica na lang po." Nahihiyang sabi ko dito.

"Haha. Well then, Eunica. Kumusta ka naman? Ilang araw na kitang hindi nakakasabay kumain ah?" Sabi nito na may pagkatampo?

"Ok lang po ako, sir. Ganun pa din. Tao pa din po. Nagtatrabaho para sa pamilya. Oo nga po sir, eh sa dami pa naman po ng pinapagawa sa akin baka makakain pa ako ng tama. Haha"

"Hahahahahahahahahahahahahaha! You're really funny Eunica that's why I like you"

Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sir. Like daw! Yie! Kinilig naman daw ako. Like din kita sir! Like na like! Charot.

"Eh hehe" Yun nalang ang nasabi ko. Nasapak ko tuloy yung sarili ko. Umayos ka nga Eunica!

"I like you for a friend. Also reminds me of my little sis. Haha"

BANG! Ayan! Assuming ka masyado, Eunica! Tss. Like like ka pa dyan! Sapul ka tuloy. Aruuuuy

"Ah ganun po ba? Hehe. I like you too, sir." sabi ko din dito. Napatingin naman ito sa akin.

Ngumiti ako bago sumagot ulit.

"As a friend din po" Sabay peace sign ko dito. Akala mo sir! Sinaktan mo ako kaya ayan quits na tayo!

"Haha. I see. "

At pinagpatuloy namin yung pagkain namin. Ang sarap talga ng luto ni mama. Walang kupas!

"Hindi ka talaga nataba ano?" Biglang tanong nito.

"Kahit anong kain ko nga po hindi ako tumataba. Ewan ko po. Masyadong mabait talaga si Lord sa akin. Hehe"

At tumawa nanaman siya na parang walang bukas. Yung totoo? Joker ako? Sa gandang kong 'to joker ako? Psh. Ay charot.

"I'm sorry. Can't help it, you're really funny"

Sinasabi ko na nga ba eh! Psh. Nako sir kung hindi ka lang gwapo na pektusan na kita! Joke. Nagulat naman daw ako sa ginawa niyang sunod. Kinurot niya lang naman yung pisngi ko!

"And cute" Dugtong nito.

Namula naman daw ako dito. Hanubayan sir! 'wag kang ganyan baka mainlababo ako sa'yo niyan crush pa naman kita!

Panandalian kaming natahimik nang magsalita nanaman ito.

"You know, ikaw pa lang ang nakakatagal na secretary ni Ivan. Usually yung mga nagiging secretary niya eh, 2 weeks pa lang nagreresign na. Ewan ko ba dun sa lalakeng 'yun. Napakarude sa mga secretary tinatakot pa ata. Haha."

Seriously? 2 weeks? Wala pa kayang sweldo yun tapos mag-reresign na si ateng. Tss.

"Merong nag-apply din sa kanya and you know what? 1 day palang nagresign na at nagtataktakbo palabas ng biulding na 'to. Napapailing na lang ako dahil kahit kalan talaga yung lalaking yun walang pinipili."

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon