TLH: Chapter 28

7.9K 210 1
                                        

Pinaglagyan ako ni Ivan ng mga pagkain sa plato ko. Halos mapuno na ata yung plato ko sa dami ng nilalagay niya. Hindi ko ineexpect na mangyayari ito. Yung mararamdaman mong may nag-aalaga sayo bukod sa mga magulang mo. Ang sarap lang sa pakiramdam. Para bang wala ka nang hihilingin pa sa mundong ito. Napaka-suwerte ko talaga.

"Why are you smiling?"

Napatingin ako sakanya at may ngisi sa mukha nito. "Wala naman. Kain na tayo!" sabi ko nalang at nagsimula ng sumubo.

Pero nakaka-isang subo palang ako, nakaramdam na ako ng parang may kulang sa pagkain ko. Nakukulangan ako. Gusto ko ng matamis. Nilinga-linga ko yung mga mata ko sa table para maghanap ng asukal. Gusto ko talaga ng asukal. At pakiramdam ko hindi ako mabubusog sa kakainin ko.

Nang mahanap ko yung isang sachet ng sugar para sana sa kape ni Ivan, agad ko iyong kinuha at binuksan. Kumuha ako ng isang kutsara ng pagkain ko at binudbod duon yung asukal na nakakuha. Habang naglalagay ako, natatakam na ako. Nang makalahati ko na, tinabi ko muna yung natira at nagsimulang sumubo.

At heaven! Kumpleto na yung panglasa ko! Ang sarap sarap! Ganun ulit yung ginawa ko at paulit-ulit lang ako. Ang sarap!

"E-Eunica? What are you eating?"

Napatigil yung pagsubo ko ng napatingin ako kay Ivan at kita mo yung pagtaka sa mukha niya.

"Bakit? Anong masama sa kinakain ko?"

Nangunot na yung noo niya. "You're putting sugar in your eggs, bacon, sausage and fried rice. "

Tumingin ako sa pagkain ko at binalik yung tingin ko sa kanya. "Oh why? Masarap kaya! Tikman mo." sabay lahad ko sa harap niya yung dapat na isusubo ko na. Bigla naman siyang napangiwi.

"No thanks, babe."

I pouted. "Masarap naman eh! Bakit ayaw mo?" maktol ko dito

Binaba niya yung newspaper na hawak niya at nilapit yung palad niya sa noo ko. "You're not sick. What's with your appetite?"

Nagkibit-balikat lang ako. "I don't know. Nag-crave lang ako sa matamis at nakukulangan lang ako sa pagkain ko."

Matagal siyang hindi nakasagot at parang ineeksamina yung buong pagkatao ko, hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy lang sa pagkain. Ang sarap sarap! Maglalagay na sana ako ulit ng asukal ng wala na akong mataktak dito! Hala!

Tumingin ako kay Ivan at nakatitig pa din siya sa akin. "Uhmm.. babe?"

"Yes?"

"W-Wala ng asukal." nahihiyang sabi ko

"I know."

Huminga ako ng malalim. "Gusto ko pa."

"Too much sugar in the morning is not good, Eunica." sabi nito.

Nakaramdam naman ako ng inis. Ano naman?! Gusto ko pa ng asukal! Sinubukan kong pakalmahin yung sarili ko.

"Please, babe? Sige na." sabay puppy eyes ko pa dito.

Pero tinitigan niya lang ako at sinabing. "No."

Naiinis na talaga ako! Ayaw niya akong pakainin! Tumayo na ako sa kinauupuan ko na siyang kinagulat niya. "Kung ayaw mo, edi 'wag!" sigaw ko sakanya at nagmartsa papunta sa kwarto. Ni-lock ko ito.

Bahala siya d'yan! Asukal lang pinagdadamot pa?! Eh sa gusto ko ng may ganun sa pagkain ko eh! Nakakainis ka Ivan ah. Nakarinig ako ng katok sa labas.

"Eunica! Open the door."

Hindi ko siya pinansin at dumapa nalang sa kama.

"Babe, open the door please."

Tinakpan ko yung mga tenga ko. "La la la la, wala akong naririnig."

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon