TLH: Chapter 19

8.1K 145 3
                                    

Eunica's POV

Time check: 7:45am. Ang aga ko pumasok 'no? Well, excited ako eh. Pagkatunog pa lang ng elevator bumaba na agad ako at nagdiresto na sa desk ko. Napatingin ako sa desk ko, I sighed. Ang dami ko pala gagawin. Hmm, ma-umpisahan na nga.

Dapat kasi pumasok nalang ako eh. Pero si Ivan ang kulit talaga. Speaking of Ivan, magka-text kami kagabi. Hihi. At ewan ko ba, hindi ata nauubusan yung load nung bago kong phone. Hanggang ngayon may load pa din. Postpaid ata. Sosyal ng lola mo.

Time passed at napatingin ako sa elevator. Napangiti ako. Andiyan na siya!

I heard footsteps pero nangunot yung noo ko nung nakarinig ako ng may naka-heels. Sino naman yun? Nung naramdaman kong malapit na sila, inangat ko yung ulo ko at ganun nalang yung kunot ng noo ko ng makita ko yung kasama ni Ivan. She's smiling from ear to ear habang nakahawak sa braso ni Ivan. Napataas yung kilay ko.

"Good Morning"

Napadako ang tingin ko sa nagsalita at tignan mo nga naman nakangiti pa yung Dragon.

Tinignan ko ito. "Good Morning SIR." Inemphasize ko talaga yung SIR. Ewan ko, naiinis ako. At naupo na ako ulit at binalikan yung ginagawa ko.

"Ivan c'mon! What are you staring at?" sabi nung kasama niya.

Hindi ko ito pinansin at narinig ko nalang ang pagsara ng pintuan. Tss. Akala ko ba okay kami? Akala ko may nabubuo ng pagmamahalan sa amin, wait mahal? Nagmamahalan na ba kami? Pero ang sabi niya lang sken is gusto niya ako. Hindi, mahal niya ako. Napabuntong hininga nalang ako ng biglang tumunog yung intercom sa desk ko.

"Eunica, two coffee please." sabi nito.

Napataas na talaga yung kilay ko. Aba ang kapal talaga ng mukha. Tss. Padabog akong tumayo sa upuan ako, papunta na ako sa pantry ng biglang tumunog nanaman yung intercom,.

"One caramel macchiato and brewed coffee of Seattle's Best Eunica." sabi nito

I rolled my eyes. Tss. Ang arte naman. So wala akong nagawa kundi bumaba at pumunta sa Seattle's Best. Psh. Patapos ko kaya sila sa Seattle para sila na mismo kumuha ng kape. Ay, wag nalang pa, mahirap lang kami.

Pagtapos kong bumili, dumiretso na ako sa pinto ng office na sir. Nakarinig ako ng mga nagtatawanan. Tss. Ang saya pa nila ah. Kumatok na ako at nilakasan ko yung katok at basta basta nalang pumasok. Natigil naman sila sa pagtatawanan.

"Here's your coffee Sir." sabi ko at nilapag nalang basta basta yung kape nila.

"Thanks. Angel, here." sabi nito at inabot dun sa kasama niya yung pinabili nila.

"Thanks! So where were we?" maarteng sabi nito. Palihim kong inikot yung mga mata ko.

I cleared my throat. "Is there anything you need Sir?" tanong ko dito and I smiled sweetly at him.

"No, no. You can go now." yun lang at kinausap na ulit yung kasama niya. Tss! Nakakainis ka na Ivan ah! Sinungaling ka! Padabog ako lumabas ng office niya at binalibag yung pinto.

Bahala siya d'yan! 'Di ko siya papansinin. Akala niya ah. Tss. After last night? After nung--- nung-- Ugh! Ewan ko ba! Ang ganda ganda ng mood ko ngayon araw ts sisirain niya lang? Lagi nalang siyang panira.

Bakit ba ako naiinis ng ganito? Tsss! Nagseselos ka. Sabi ng utak ko. HUH?! Bakit ako nagseselos? Hindi ako nagseselos! Naiinis ako! Iba yun. PSh.

Napabuntong-hininga nalang ako sa hinayaan yung sarili kong mababad sa trabaho. Bahala ka Ivan.

Ivan's POV

I watched her back as she leaves my office. At laking gulat ko ng bigla niyang binalibag yung pintuan. Napa-iling ako.

"Kuya! She's really pretty! Sure ka bang may gusto siya sayo?" Yanna said

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon