Eunica's POV
6:00 am palang nasa White Pearl Hotel na ako. Ewan ko ba kay Sir at bakit napaka-aga niya akong pumunta dito? Eh 8:30 pa naman yung meeting nila. Inayos ko na yung mga dapat ayusin nung pumunta ako dito at ready na ang lahat mula sa projector, laptop and sa food para mamaya.
Dahil maaga pa naman ay nagpunta muna ako sa isang coffee shop dito sa may hotel. Iinom na muna ako ng kape para naman mabuhayan ang diwa ko.
Nangingiyak ngiyak ang bulsa ko nung halos maubos na yung pera ko dahil lang sa isang kape. Well, sulit naman yung 300 ko dahil masarap naman siya at pang-world class! Dadalhin ko nga dito sila Mama kapag nakaipon ako.
Ang sarap talga ng kape. Feel na feel ko yung moment habang nandito ako sa loob. Feeling ko mayaman na ako. Asyumera, sorry. But soon! Magiging mayaman na din ako.
Malapit ko nang maubos ang kape ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Muntik ko nang matapon yung kape dahil dun.
Hiyang hiya naman ako dahil cherry mobile lang ang cellphone ko samantalang puro naka iPhone ang mga tao dito. Palihim kong sinagot ito.
"Hello?"
"Eunica, where are you?!" Galit na sigaw nito. Sino ba 'to?
"And who are you?" Mataray na sagot ko dito
"What?! The hell! I bet you know me, asaan ka ba?! It's already 8:35!"
Asdfghjkl! Homygash! Si sir! At teka? 8:35 na?! Ang bilis naman ng oras!
"Ay! Sorry, sir. Andito po ako sa ABC Coffee Shop eh, p-pupuntahan ko na po kayo!" Sabi ko dito at nagmamadaling binababa ang telepono ko at lumabas na ng coffee shop.
Hinanap ng mga mata ko ang isang dragon este si Sir sa lobby. Dahil mukhang galit na galit na ito. Ang tanga mo naman kasi Eunica! Nagiging assuming ka nanaman! Sabi ko sa sarili ko.
At BINGO! Ayun! Agad kong nilapitan si Sir na parang sasabog na sa sobrang galit. At tulad ng dati, naka-shades nanaman ito. ANo ba 'yan? Yung totoo? Bampira pa 'tong boss ko?
"Si-sir! T-tara na po sa 17th floor!" Hingal na sabi ko dito at iniwan ako nagpunta ng elevator. Sinundan ko naman ito at pumasok na sa loob.
Sa loob ng elevator
Halos lumabas na sa katawan ko sa sobrang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Kasi naman, nakakunot ang noo ni sir at ramdam na ramdam mo ang masamang aura nito. Kaya nanatili nalang ako manahimik kahit sa loob-loob ko eh, gusto ko nang bumaba sa elevator na 'to at umuwi na.
Hay! Salamat nandito na din kami sa 17th floor! Agad na lumabas na si Sir sunod naman ako dito. Pinagbuksan ko ito ng pintuan ng XYZ Room, isa sa mga meeting rooms dito sa hotel na pinareserve ko.
Pagbukas namin ay nandito na ang dalawang tao na medyo may edad na at may pagkasingkit. Tumayo naman ito ng makita ang pumasok sa loob.
"Ohayou Gozaismasu, Lee-san" Bati ni Sir dun sa isang lalaking nakapulang coat. Kinamayan ito at naupo.
"Anata ni amarini mo Chan-san ohayo" Baling naman nito sa isang lalaki na naka-itim. Katulad ni Mr. Lee ay tumango lamang ito at naupo.
"Watashi wa osoku natte gomen nasai" Sabi ni sir. At nag-bow ito dito, hindi ko alam pero nag-bow din ako dito.
"Sore wa, daijobudesu" Sabi ni Mr. Chan ata 'yun
Lee-san? Chan-san? Yung ba ang totoong pangalan nila? Hindi ko naman maintindihan dahil nag-jajapanese ata sila? Sumasakit ang brain cells ko dito.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)
Ficção GeralHe's the boss, and she's just the secretary. They fell hard for each other and everything was perfect until fate turned their world upside down. Shall they fight or give up?
