chapter 50

1 2 0
                                    


Chapter 50

"Cebastian Neil Equranzolle"

Damang dama koparin ang sakit sa aking dibdib. Marahan akong yumuko habang tinatanaw ang makulimlim na langit. Nanginginig parin ako matapos akong makawala sa kamay nang lalakeng halimaw nayon. Naalala ko nang dati nakong makakita nang ganong klase nang tao. Mga demore ang tawag sa kanila. Halos mabilaukan ako nang bigla akong dinakma nang isang lalakeng demore, pamilyar sya at kung hindi ako nagkakamali sya si Enzo, isa syang Doctor sa hospital ng Rouze.

"Anong kailangan mo!" Bigwas ko sakanya at sasasapakin konasana sya nang mabilis nyang masalo ang kamao ko. At tinabig ito, napamura ako sa sakit non.

"Nasaan ang mga magulang mo?" Ngisi nya.

"Ano ang kailangan mo, saken!"

"Wala akong kailangan sa isang mortal."

"Kung ganon sina mama at papa ang pakay mo?." Bigwas ko

"Oo naman."

"Anong kailangan mo sa kanila?"

"Kailangan na nilang mag handa, para makuha na ang sugo, sa kasalukuyan kaseng nahihirapan ang mga ka uri ko. Kaya kailangan namin ng mga eskperto."

Napailing ako dahil wala akong naintindihan, pero alam ko ang lagay nato, dahil may alam nako tungkol sa mga demore dahil kay mama, may isang libro na naglalahad ng maraming impormasyon tungkol sa kanila. Pula ang mga mata, normal pero may malupit na kakayahan. Nasyang kinamumuhian ko ngayon, dahil yun ang uri ni akhil. Isa syang demore, nalaman koyun. Dahil nakita ko kung paano nya binasa ang nasa isip ko.

"Wala akong maintidihan" sabat ko. Marahan nya akong pinakawalan. At mabilis na nawala sa paningin ko.

Mga demore! Mga bwiset kayo! Kung pwedeng burahin kayo sa mundong ito gagawin ko, masyado nakong nagagalit. Pero naiba ang lahat ng pananaw ko, nang marahang iniharang ni sky ang kanyang braso para mailigtas lang ako, nanginginig ang kalamnan ko, at hindi makapaniwala dahil isa sya sa mga kinamumuhian ko.

Nang mag tagpo ang aming mga mata, nanginig akong napa atras. Kulay pula at parang hinihigop nito ang katinuan ko.

Matapos nya akong iwanan sa daanan, tulala akong umuwi, at kinabukasan, nag empake ako. Habang nag eempake, nakita ko ang isang kwintas na dati nang ibinigay sakin ni mama, kapares to nang sakanya. Mabilis akong nag ayos at lumuwas ng bayan. Para maitanong kina mama at papa, kung ano ang ugnayan nila sa Enzo nayon.

Mabilis akong nakarating nang istasyon, maraming mga tao ang nag sisilabas pasok, mula sa kakarating na train. Umuusok pa ang unahan nito, maingay din ang busina nito. May mga naka hat at eleganteng nag lalakad. Pero hindi ko na inalintana yon at mabilis na ipinakita ang ticket ko papunta sa bayan nina mama, kung saan naroon ang laboratoryo namin.

Naupo ako sa tabing salamin, at marahan pinagmasdan ang pag pasok ng mga pasahero, may mga nakatayo at may mga naka upo sa harapan ko.

"Bili nakayo!" Anang matanda na nag bebenta ng mga pag kain. Bumili ako nang isang tubig, pero natulala ako nang makita ang isang pamilyar na imahe. Nag lalakad sya at nasa labas ito, kaya hindi nya ako nakikita. Pero bago pako makatayo, umandar na ang train na sinasakyan ko at pumalit na ang isa.

May kasamahan siya at hindi ako mapakale, si Sky La yon! Sya yon! Halos mag agaw ako nang hininga sa kakaisip. Paano sya napunta rito? Anong ginagawa nya? Saan ang tungo nya?

Hanggang sa makatulugan konalang yon sa byahe. Nang makarating nako sa estasyon, natigil ako sa paglalakad papunta sa labas dahil tila ang tahimik, at tila nag mamatyag ang mga tao. Inaamin ko, ito ang pangalawang pagkakataon na nakapunta ako sa Devine Village. Nawasak ito matagal na panahon na ang nakakalipas. Pero dahil sa nanay ko, hindi ko alam kung paano ito bumawi. Nang makalabas nako nang train, nabigla ako nang matuon sakin ang mga mata nang mga narito.

Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon