Chapter 60 -The Ending

7 1 0
                                    


Chapter 60 - The last chapter of YOUR VOICE

bawat sulok ng buong bayan ay nakangiti kong tinatanaw habang dinadama ang sakit ng kaibuturan ng aking puso.

Ang paglapat ng labi ng babaeng yon sa labi ng mahal ko ay parang nag palaliyab sa natatago kong sama. Pumatak ang aking luha habang nalilito siyang pinagmamasdan ako. Hindi na  ito ang unang pagkakataon na nakita niya ako. Pero hanggang ngayon. Wala parin. Hindi nya parin ako naalala.

Kaya naman walang pag aalinlangan akong tumalikod at lumundag sa mga puno na malapit sa kabilang banda. Hanggang sa maabot ko ang labasan. Nag lakad lakad ako sa magandang syudad ng Rouze. Parang kailan lang.

Dahan dahan kong tiningala ang asul na kalangitan, at pinakinggan ang huni ng mga ibon sa itaas ng puno sa gilid ng kalsada, maraming mga estudyante at mga empleyado ang dumaraan.

"What do you want to eat this afternoon?"

"Mmm, depende sayo love,"

Napatitig ako sa mga taong nakakasalubong ko. Nag tatawanan sila, parang walang problema. Mapait akong napangiti, am i going to face this sadness forever? Parang ang tagal ng panahon, pero sakit parin ang nararamdaman ko.

May mga nag bebenta sa gilid gilid. Bigla akong nahinto ng maramdaman ang kirot sa aking puso ko, napasapo ako dito. Ayon sa nabasa kong libro sa bayan. Ako ang nag mana ng connection sa isang Mate na pinili ko. Dahil nag happened narin yun sa nakaraan ng mga ninuno namin. At ang tawag doon ay "Lunas or Cure" masaya koyung binabasa, samantalang hindi ko alam kung paano yun natapos.

"Bili na kayo,"

"Bili na po kayo,"

Maingay ang mga  tindera, kaya naman chinek ko ang orasan ko. May natitira pakameng oras sa bayan. Dahil mamaya na ang alis namin ni Vleorenn.

"Pabili po ako," malamig kong saad sa matanda.

Nang tumitig sakin ang matanda ay natulala siya.

"Baket ang lungkot ng iyong mga mata," malungkot niyang saad sakin.

Hindi ako nakapag isip. Lungkot. Kalungkutan, ano ang dahilan nito. Tulala akong napasinghap at nag pipigil sa inis.

"Hindi ako malungkot," pinal kong saad sa kanya, pero mas lalong lumambot ang kanyang mga mata.

"May katulad mo rin na bumili nung isang araw, hindi ko alam pero ganyan din kalungkot ang mga mata nya," bahagya akong natawa. Kung malungkot ang taong yon. Ano naman yun sakin? Sugat ang meron ako, at tanging panahon nalang ang nag papahilom dito.

Napatitig ako sa isang bracelet, kaya naman kinuha koto, pero taka akong napatitig sa nagtatakang matanda.

"Baket po," tanong ko.

"Ayon sa sulat sakin, pag ang dalawang mag ka ka hiwalay na puso ang makakakuha sa dalawang pares ng Bracelets na 'yan, ay may chansa na makapagkita at maalala ang bawat isa," bulong nito.

"Tch," napangisi ako at nag salita. "Mahilig ka siguro magbasa ng comics tanda, oh. Heto, bayad ko, sayo na pati sukli." Tsaka siya tinalikuran. At nag madaling pumara ng taxi.

"Sa Equranzolle compound po," wika ko sa driver.

Nadaanan namin ang mga mapunong daanan sa intersection. I miss this place, where the peace still within the air. Marahan akong bumuga ng malalim na hininga.

"Heto ang bayad," wika ko at binuksan ang pintuan ng taxi. Napatitig ako sa maluwag na daanan papunta sa malaking mansion, may mga ilang puno rin ang naka paligid dito. At ang mas nag papaganda rito ay ang bawat kislap ng mga bulak lak maging sa gate.

Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon