Epilogue

7 1 0
                                    

Epilogue:

"Paano na 'yan!" Bigwas ko ng masiraan ako sa daanan, malapit na ako sa boundarie at umuusok na ang kotse ko. Tch! Nakaka bad trip.

"Card po?" Saad ng mga nag babantay sa boundarie. Nilingon ko ang likuran ko kung saan ang mga bagong gamit na binili ko. Hinalunggat ko pa ang compartment para mahanap ang card entrance.

"Sensya na Cap, natagalan ako sa pag hahanap," ngiti ko. Agad kong nilahad sa kanya ang card entrance ng boundary.

"Oh! Ramirez?" Ngiti ng mga taga bantay, napatango ako at ngumiti. Tinatakan nila ang card entrance ko at ibinalik ito sa akin.

"Anak ka siguro ni Khiro no," tanong ng makisig na lalake.

"Opo," ngiti ko. Marahan siyang tumango at sumenyas sa mga bata niya na papasukin ako. Pero problema ko ang kotse ko.

"Medyo may nasira po sa kotse ko," nahihiya kong wika, at pinagmasdan ang kotse ko.

"Di bale na may expert dito,"

"Talaga ho!" Gulat kong sagot.

"Oo," yun na nga ang nangyari, may expert na tumingin sa kotse ko, at inayos na nila ito. Halos 5 oras din ang itinagal ko sa boundary, may mga nakiki kwento pa sa akin.

"Salamat ho," ngiti ko at binuhay ang makina ng kotse. Kumaway sila sa 'kin ng tuluyan konang minani obra ang kotse, maganda na ang seguridad ng Toume ngayon, at mas lalo pa itong tumibay dahil sa samahan ng mga  namumuno.

Mabilis kong narating ang bayan, at pinarada ang kotse ko sa academy.

"Bat ang tagal nyo," sabunot na ka agad ang muka niya. Napakamot ako sa batok ko, may mga bata narin na naka aligid sa gate.

"Nasiraan kase ako anak, pasyensya na." Paumanhin ko.

"Tch!" Bulong niya at mabilis na binuksan ang pintuan ng driver seat.

Nilingon ko siya, habang nag mamaneho ako.

"May problema ba? Bat parang natamaan ka ng kidlat," tawa ko.

"Gusto kong tirisin ang mayabang nayon," nguso niya at nilingon ang academy.

"Wag mong sabihin na may nambubuli sayo," seryoso kong saad. Pero bigla naman siyang nag overeact sa sinabi ko.

"Ako! Binubuli? The heck! Dad! Look sa gwapo kong 'to? Sa tingin nyo may mag tatangka pang mambuli sa 'kin, pero may mayabang na pilit na nang aasar sa sistema ko,"

"Abat! Sino yun? Halika, puntahan natin ng makausap ko," sagot ko pero pinandilatan niya lamang ako.

"Wag na! Baka paluin niyo payun ng kaldero, nakakahiya naman" Bigwas niya sakin.

"Abat! Para sabihin ko sa 'yo. Ang kaldero na ginagamit kong pampalo ay swerte," ngisi ko. Pero sinimangutan niya lamang ako. At pinag krus ang mga kamay at nag salita.

"Dad, i want ice cream."

"Mmm sure," agad kong iniba ng direksyon ng kotse at tinahak ang malaking store.

"Dad, hindi rito. Nasa dulo ng bayan, may naga benta ng favorite kong ice cream," nag pa cute pa talaga ang ugok.

"Halla, ma lalate na tayo sa dinner niyan." galit kong sagot.

"Eh saan ba kayo galing at na late kayo sa pag sundo sakin," simangot niya, kaya naman agad kong niliko ang direksyon at tinahak ang dulo ng bayan, medyo malayo layo 'yon.

"Na siraan ako sa daanan," pag papaintindi ko sakanya.

Ng marating na namin ang dulo ng bayan, agad siyang lumabas at pumasok sa bagong bukas na store. Malaki ang store at maraming namimili roon.

Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon