Chapter 52"Sky La Fortelino"
Nang umandar na ang naunang tren, sumunod naman ang samen. Habang nasa loob nito, wala akong ibang iniisip kundi ang mga taong mahahalaga sakin.
Napatingin ako sa mga kasama ko, ngumingisi si Aya. Habang seryoso naman si Griya at ang kasama nyang lalake. Hindi muna ako gagamit ng abilidad ngayon. Dahil iipunin koyon.
"May i have a word with you?" Ngisi ni Enzo sakin.
"Ano pa ba ang sasabihin mo?" Malamig kong sagot.
"Relax!" Tawa nya at bumaling sa tatlo.
"Marerelax ako pag patay kana." Sagot ko.
"Whoah! Don't be rude Sky." Tawa nya.
"Enzo," malamig na pigil ng lalakeng katabi ni griya.
Hindi kona sila pinansin, imbes na makipag usap mas pinili kopang matulog. Nakatulugan ko ang byahe. Hanggang sa nakarating na kame sa estasyon.
Gising nako, pero sinadya ko talagang mag tulog tulugan.
"Gisingin mona Aya." Malamig na wika nang lalakeng katabi ni Griya.
"Hah! Ang bastos mo naman Grigo." Saad naman ni Enzo.
"Ako na ang gigising sa kanya." Prisenta naman ni Griya, kaya naman. Imbes na mag tulog tulugan. Bigla akong tumayo, at gulat nila akong binalingan. Tumitig ako sa mga pasahero na lalabas na ng tren.
Humakbang ako at linginon sila.
"Nakarating na tayo, tama ba ako?" Ngisi ko sa kanila.
"Akala namin tulog kapa," Pekeng tawa ni Enzo. Kaya naman hindi ko sya pinansin at nag lakad nalang patungong exit ng train. Sakto sa pag apak ko sa lupa. Nag pump ang sa loobin ko, tila nag karoon ng kulay ang lupang inaapakan ko, napatingin ako sa mga taong narito ngayon. May mga normal na tayo, may mga demore na tahimik na nakatayo at inaasikaso ang sarili nilang buhay. Pero sandali palang, biglang nag karoon ng ibang dimension.
Ano to? Hindi konaman ginagamit ang abilidad ko ah? Paano nangyari? Ano to?.
Walang tao maliban sakin, hindi ako maka galaw. Hanggang sa biglaan nalang akong nakasaksi nang isang madugong labanan. Mga tao na may mga dalang armas at ang mga vampirang naka tayo habang pinagmamasdan ang mga tao. Nag umpisa ang labanan. Hanggang sa maubos ang bawat panig.
Ano to? Bigla naman akong nadala sa ibang dimension. Nakatayo parin ako at pinagmamasdan ang bukang liway way, may isang makisig na lalake at mala diyosang babae, na matamis na nag mamahal habang pinagmamasdan ang buong paligid.
"Mahal na mahal kita, Fyline." Saad ng lalake.
"Mahal na mahal din kita, Fuenzorie." Ngiti ng babae.
Pero nagulat ako dahil bukod sa kanila, may mga taong na nag durusa sa likod ng kanilang pagmamahalan.
May tatlong lalake na masayang nag lalaro nang soccer sa field.
"Bilisan mo kuya!" Ani nang isang may mala anghel na ngiti.
"Tatalunin kita!" Tawa naman ng isa. "Hoy Fuenzorie! Pasa!" Sigaw niya ulit.
"Hahaha! Oo na Enzo!" Natapos ang masasayang araw na iba nako nang dimension.
"Ngayon ay pipiliin na ang bagong hihiranging Devinido na syang papalit sakin." Wika ng matandang lalake, kasama nito ang asawa at ang dalawang anak na lalake. Nasa tabi tabi lamang ang kaibigan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Your Voice
Science Fiction"Wherever i'm Your voice will always guiding me to light my path." "Since this darkness will stand inside me, i've never been hoping for another chance. But here it is, those whispers of yours is still making myself controlled. Those eyes of yours i...