chapter 57

4 0 0
                                    


Chapter 57

"Akhil Roy Ramirez"

"Hindi!" Sigaw ko habang umiiyak. Malakas na napasigaw ang mga kasamahan ko ng mabilis na sinaksak ng lalakeng kalaban namin si Keous. Bumaon ang patalim sa braso nito. Lahat kame nakikipag laban. Pati ang mama ni Cebastian ay namilipit narin sa sakit dahil sa lakas ng impak ng pag atake sakanya ng lalakeng yon. Wala kameng tabla sa kakayahan niya. Wala akong magawa dahil bukod sa pag babasa ng isip ng isang tao, wala akong lakas na kapangyarihan. Combat fighting lang ang kaya ko, pero hindi sa ganitong sitwasyon.

Pero sa huli lahat kami sugatan at hindi na nakakagalaw.

"Hahaha!" He laugh while placing his sword above the Dark Sky. Dahan dahan kong iginalaw ang basag kong katawan. Pa ika ika akong lumapit kay Sky, pero ganon nalang ang gulat ng mabilis din akong hinawakan ng kalaban. At sinakal.

"Ah!"

"Die!" Sigaw niya, lumutang siya kasama ako, habang nag aagaw ako ng hininga dahil sa higpit ng sakal niya. Hindi ko maintindihan, pero ano ba talaga ang layunin niya.

"You need to die," Ngisi nya. At mas hinigitan ang pagsakal sakin. Napasigaw ako sa sobrang sakit, nakagat kopa ang aking labi. Dumurugo ito, at mas lalo pa akong kinakapos sa paghinga.

"Sky I'm sorry," napahikbi ako sa sobrang sakit nang nararamdaman ko, dahil ito na siguro ang katapusan ng lahat.

"Die!" Sigaw niya. Dahan dahan niyang itinaas ang kanyang sandata. Batid kong babaon ito sa kalamnan ko.

"Sky!" Yun nalang ang lumabas sa bibig ko. Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Pero sa isang iglap.

Nagulat ako ng may malakas na pagsabog sa lukuran ko, bigla nya akong nabitawan. Ramdam ko ang lakas ng enerhiya at init sa paligid. Tulala ang kalaban namen sa ere habang pinagmamasdan ang  nasa unahan nya. Sumalpak ang katawan ko sa lupa. Namilipit ako sa sakit.

"Aray," impit ko. Pero ganon nalang ang panlulumo ko, ng may malakas na apoy na kumalat sa kapaligiran, kinorner nito kami. natulala ako ng matanaw ang isang tao sa likuran ko, umaalon ang kanyang puting kasootan na may hoodie, may dugo paroon sa may bandang tagiliran. Habang lumilipad din ang kwintas na binigay sakanya ni Cebastian. Pulang pula ang mga mata ni Sky, at tulad ng kalaban namin. Nag likha rin ng hugis bilog ang mga apoy sa kanyang likuran, at ang hindi ko maintindihan. Kumakalat ang apoy sa paligid. At mabilis itong tumaas papunta sa himpapawid.

Nanlaki rin ang mga mata ng kasamahan namin.

"Heto naba ang katapusan ng Mundo?" Saad ni Vleorenn at agad na pinaakbay ako sakanya, dinaluhan rin ako ng mama ni Cebastian, nag si tipon kameng lahat, pati ang lumuluhang Devinido. Tumaas ang apoy at halos abutin nito ang himpapawid, pero ganon nalang ang gulat namin, ng umikot ito at hinarang ang lalakeng kalaban namin.

"Hayop ka Garry," gigil na saad ng Nanay ni Cebastian, hinimatay naman ang asawa nito.

"Garry?" Takang saad ni Vleorenn.

"Pekeng pangalan ni Elkazar, yun ang tawag namin ng asawa ko sakanya,"

Natulala kame nang maghanda si Enzo sa pag atake, inipon nya ang kanyang pwersa sa kanyang sandata na ngayon ay naninilaw sa koryenteng dumadaloy sakanya.

"Yan nga, gisingin mo ang mala halimaw mong kapangyarihan!" Sigaw ni at inatake si Sky, pero natulala kameng lahat, ng bigla itong nahinto. Hindi pa lumalabas si Sky mula sa apoy, nakayuko ito pero bukas ang pulang mga mata niya. Napapaligiran siya ng mga apoy, at ang nakakabilib ay isang taas lang kamay niya, biglang may mga apoy na nag sisitipon at nag iiba na ito ng kulay at ang malala pa ay nag hahalo ang itim sa pula, tumilapon si Enzo at nahulog sa ere. Dahil sa lakas ng kapangyarihang natapon sakanya.

Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon