chapter 7

14 7 2
                                    




Chapter 7

Sa sumunod na araw nagising ako nang maaga, parang hindi pa nga ako makapaniwala dahil sa mga ginagawa ko.. maagang naligo at nagluto ng pagkain. Hindi ako naka uniforme ngayon lalo't wenesday kasi may P.E. kame.

Lumabas ako ng room ko at nilock ito, nahagip ng paningin ko yung nerding lalakeng nag bigay nang burger sakin, na akala nyang isang pipi ang katulad ko, nakalabas sya ng gate at pumara ng taxi habang ako'y nasa taas pa ng ikatlong palapag ng apartment. Pinaggmasdan kolang ang tindig nya.. May dala syang malaking itim na bag pack, at hindi rin sya naka uniform.. kung titingnan ang likod nya, masisiguro mong may dating at may aura ng pagiging isang badboy. Pero pag nakaharap monaman, eh wala namang mag babago.. his looks is good, but the only things can change his style is the eye glass of him. Natatabunan din ng buhok nya ang makapal nyang kilay. Napailing nalang ako. Wirdo!

"Tss!"

Pago pako pumunta ng school. Pinagmasdan ko muna ang mini canteen ng aparment namin. Lumapit ako dun at nag tanong.

"Excuse me?"

"Oh ikaw pala ija! Maligayang salubong ng care taker"

"Can i ask?"

"Oo naman!"

"Yung burger po ba nyo". nauutal akong mag salita.. pero nabigla ako na may tumigil at bumisina na scooter sa labas ng gate..

"Good morning po!"

"Oh, ayan napala ang burger! Oh ija teka lang muna ah.. kukunin kolang"

"Oh! Melle"

"Dito lang"  hindi ko sila nilingon lalo't nasa labas sila ng gate..

"Bale 500 pcs po yan, ma'am.. paki pirma nalang ho"

"Sige... sige.."

"Salamat po"

Narinig ko ang pagharurot ng scooter palayo sa apartment..

Nakangiting dinala ng caretaker ang mga burger.. nasa loob yun ng carton at may simbolo ng nakita ko sa bahay ng ka school mate.. hindi nga ako pwedeng magkamali. Sila ang nag dedeliver ng mga burger na palagi kong binibili dito..

"Eh ano nga pala yon miss Sky?" Malumanay na wika ng caretaker

"A.. e, pabili po ng beef burger with cheez!"

"Ay.. sige sige.. buti nakadating ng maaga si melle para mag deliver ng mga burger nato"

"Ah! Sinong melle po ba? It's my first time to ask a name of someone ang alam lang kasi ng mga tao dito ay loner at wala akong pakealam sa mga tao.. kaya nagulat nalang ang caretaker na nagtanong ako tungkol sa delivery girl.

"Ah! Sya, isa syang masipag na bata.. sa totoo lang ang mini restaurant at snack house nila ang ikinabubuhay nila melle, kada araw araw ay naga deliver yun sa ibat ibang sentro ng station dito sa lugar natin. Pero nag aaral parin sya sakabila ng lahat. Sa totoo lang iisang paaralan kayo ija.."

Tumango ako sakanya at tinanggap ang paper bag na may lamang tatlong burger.

Nag antay ako ng taxi, pero parang minalas ata ako ngayon.. nakakainis.!

Hindi panaman ako gutom! Balak ko kasing kainin tong burger mamayang break time.

Ilang minuto narin ang lumipas walang taxi na pumara, kaya nag pasya akong maglakad nalang kahit alam kong late nako, hindi naman porket mayaman wala kanang karapatang mag lakad, kaya heto.. may mga estudyante rin namang naglalakad malapit lang kasi ang paaralan namin, at marami ring mga apartment na nakakaaligid dito kaya madalas na maraming mag lakad.. pero marami paring naka kotse. Liliko nasana ako ng lakad para matanaw na ang gate ng school pero nagulat ako nang may nadapang batang babae, may dalasyang sofas sa loob ng solopeyn at medyo walang nakakapansin sa pagkadapa nya. Hindi ako bulag, at mas lalong hindi ako madaling maapektohan ng awa sa iba.

Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon