Chapter 11
Patuloy ang pag sakal sakin ng nakahoodieng lalake..hindi talaga ako makahinga sa ginagawa nya.. napalingon sya kay tita na walang malay.. nagulat nalang ako nang bigla nya akong hagisin sa kung nasan sina sky.. at nang babae..
"Aray!"
Sumalpak ang katawan ko sa lupa.. wala parin nag bago kay sky.. nakatingala parin sya sa bwan.. at tulala. Hindi man lang sya natinag sa mga nangyayari.. ano ba talaga to?
"Stop! Please wag nyong saktan ang anak ko.." humagulhol ang babae.. natulala ako..masakit ang katawan ko at tila hindi ko maigalaw ito. Ibig sabihin mama ni sky ang babaeng to..
"Ofcourse! Hindi mamamatay ang anak mo pag sinagip mosya.."
"Ano ba talaga ang kailangan nyo!" Sigaw ng mama ni sky. Hindi sya makagalaw dahil hawak din sya ng dalawang tauhan ng nakahoodie.. masyado silang weird sa damit palang..
"Alam mo naman siguro ang nangyari nung pumalag kayo ni khiro sa groupo ng bayan diba..?" Malamig na sambit ng lalake.
"Iniwan nyo ang bayan para sa mga normal natao?!" Sigaw pa nito sa nanay ni sky.. nanatili lang akong nakatitig kay sky. Biglang nanakit ang ulo ko.
"Wake me up!please help me.."
"Mama!mama!mama!"
"Dad!kailangan ka ni mama!"
Napakapit ako sa ulo ko.. anong klaseng bose's yun.. tinig nang isang babae.. na alam ko kung saan nanggaling.. posibleng kay sky yun.. ano to..
"Mahal ko ang bayan! Pero mahal korin naman si Abien.." hagulhol ng mama ni sky.
"Talaga? E kayong magkakaibigan ang tumalikod sa bayan at nag mahal ng mga tao.. namuhay ng payapa. Dahil sa mga mayayamang kumukupkop sa inyo! E. Paano ang bayan? Susundin namin lang ang utos ng Devinido.. alam monamang na hindi tayo pangkaraniwan at ayon sa siyensya nagmula ang mga ninuno natin sa dugo ng mga vampira, pero dahil sa katangian na taglay mo.. nakalabas ka ng bayan ng hindi nahihirapang kontrolin ang kapangyarihan mo."
Kapangyarihan? Nalilito ako.. hindi ko alam pero base sa mga ginagawa ng lalakeng ito.. hindi posible yun.
"Hindi kayo nasusunog pag araw.. hindi kayo nauuhaw sa dugo! Dahil isa kang kahangahangang di pangkaraniwan. minanamolang ang mga kapangyarihan pero normal na tao parin kayo! At yun ay dahil sa kapangyarihan mong kumontrol ng sumpa. Umalis kayo nina khiro kasama ang iba pa.. para lamang maprotektahan ang mga tao?! Eh.. kame? Kameng ginawang kasangkapan ng mga tao? Ginwan ng eksperimento! Wala ba kameng karapatang maghiganti sa kanila?! Dapat maalala moyun.. nung mga panahon na pinatay ang mga kauri natin! Wala silang karapatan para makatanggap ng pagmamahal.. dahil tayo mismo ay pinagkaitan nila non!"
Humagulhol lamang ang nanay ni sky.. sinubukan kong tumayo.. pero bigla akong lumutang at hinagis sa katawan ng puno!
"Aray!!!! A... hhhh.."
"Isapa yan.. yang mga taong yan ay dapat mamatay."
"Wag na wag nyong gagawin yan!"
Nagulat ako dahil naging kulay pula ang mga mata nya.. at bigla nalang silang nag silabanan.. halos hindi ko sila makita dahil sa kilos nila.. anong nangyayari? Sobrang bilis nila.. at puro mga bakas ng kuko ang naiiwan sa puno.. sobrang sakit ng likod ko.. feeling ko parang bali talaga ang mga buto ko..
Nagulat ako.. nang makitang sinasakal na ng nanay ni sky ang dalawang nakahoodie.. at hinagis ito sa mga puno.. nanlaki ang mga mata ko sa sobrang lakas.. hindi ko mawari.. kung ganon.? Ano ba talaga sila.. base sa itsura wala namang nagbago maliban sa kulay ng mata nya. Nag palinga linga siya..

BINABASA MO ANG
Your Voice
Science Fiction"Wherever i'm Your voice will always guiding me to light my path." "Since this darkness will stand inside me, i've never been hoping for another chance. But here it is, those whispers of yours is still making myself controlled. Those eyes of yours i...