chapter 4

16 8 14
                                    

Chapter 4

Nagising ako sa malakas na alarm clock ko.. napatingin ako sa orasan, tamang tama... napaupo ako at nag streach ng mga kamay.. naligo at nag suot ng uniforme.. hindi man lang ako nakapag break fast, agad akong lumabas ng apartment.. nakita kong nag sasampay ng mga damit si aling Mia na syang care taker ng Apartment nato, nakasabit ang headphone ko sa tainga.. agad koyung inalis at tumingin sa kanya.. nahihirapan syang isampay ang malaking bedshit, kaya hindi ako nag dalawang isip na lumapit at hawakan ang dulo ng bedshit na isasampay nya, medyo na tutuluan na rin ang grey kong palda, nagulat sya sa inasta ko..

"Oh! Ikaw pala" nahihiya nyang wika..

"Ako napo"  malamig kong wika

"Hindi ako na" mababasa payang uniforme mo!

"Hindi po, ako na" isinampay ko ng walang kahirap hirap ang bedshit at kinuha pa ang isa, masyado kasi syang pandak at medyo hindi nya kayang abutin ang sampayan.. huminga ako nang malalim

"Pasensya kana ija, nakakahiya.. "

May lumabas na isang lalake sa kabilang apartment, at nakasalamin yun, matangkad at medyo may itsura,  his hair is messy like the other boys in school. Medyo nerdy sya.. at naka uniforme, bago kolang sya nakita kaya nasisiguro kong transferee ang lalakeng lupa nato,

"Okey lang po" malamig kong tugon

"Heto oh, para sayo"

Inilahad nya ang isang burger na may beef doon, tumunog ang tyan ko hudyat na nagugutom ako.. pero agad kong sinabit sa tainga ang head phone ko.. at yumuko kay aling mia.

"Pasensya napo, kainin nyo nalang"

Naabutan kong nakatingin sakin ang nerdying lalake, agad akong naglakad papunta sa gate at nang tuluyan ng makalabas, kumalam nanga ng tuluyan ang sikmura ko.., wala nakasi akong gatas kaya hindi nako nakapag breakfast.

Nag lalakad lang ako papunta sa school, dahil malapit lang ang apartment na tinutuluyan ko sa Rouze State university.. malaki ang paaralan nato, nasa gitna ang secondary campus habang nasa kanan nama  ang tertiary campus, malawak ang soccer field, at gymnasium.. may mga tambayan din sa likod ng building.. meron din naman sa harapan, pero mas maraming tumatambay sa likod dahil may mga trees doon,

Nag lalakad na ko sa hallway, at nakita kong papasok ang limang magagandang sasakyan papuntang parking lot ng school, may malaking seminar or meeting ata.. nag patuloy ako sa pag lalakad, napa isip din ako, parang gusto ko sanang bumili ng sasakyan kaso naiirita lang ako dahil nag sisigaw yun ng karangyaan.. mag momotor nalang kaya? Ano KLX or XRM? Ewan hindi naman ako marunong mag motor eh.. kaso ayoko namang mag lakad panghabang buhay! I mean, what if there is an urgent matter? What do i do?

Titingnan kolang, nahagip ng paningin ko ang teacher namin sa history, may katawagan sya at tila nagagalit. Hindi ko alam ang pangalan nya, wala rin naman akong pake alam sa mga pangalan ng mga guro dito eh.. medyo malayo layo pa ang building ng Grade 10 kaya nadaanan ko ang mga senior high, may mga players na tumatambay sa pathway, at ang iba ay mag sisitawanan,  sa totoo lang may mga nag tangkang manligaw narin sakin kaso palagi kolang linalagpasan at dina binibigyan ng pagkakataon. Theyre just like a trash to me.. may na ka pukaw sa prisyensya ko, silang nag sitawanan, pero hindi naglalakas loob na tumingin sakin, pero alam kong umiiwas lang ang mga ito..

Nakalagpas nako sa kanilang groupo, pero narinig ko parin ang huling salita sa kanila.

" parehas talaga sila ni Qoui, palibhasa mag pi pinsan at walang alam kundi ang kabalastugan"

Napailing nalang ako, pati ba ang pinsan kong basabulero? Nalaman ba nila ang mga kagagawan Qoui? Tsss, yung lalakeng yun talaga! Hindi kami close ni Qoui, sya ang panganay na anak ni tita sa father side ko, rebelyon din ang isang yun, mayabang at walang pakealam sa buhay! Tatlong magkakapatid sina dad, si dad ay may kambal na lalake, pero maaga itong namatay, at si tita naman ang syang natitira pero namatay din ito due to a heart attack last year.. ang buong akala ko pag namatay ang isa sa mga asawa, mag aasawa naman ang naiwan, pero iba ang kaso kay tita, hindi umabot ng taon, namatay din si tito, kaya naiwan sina Qoui, Qouzenn at Kliyoma..

Nasa huling taon na si Qoui ngayon at hindi parin nag babago, basabulero parin, at halos lahat ng mga nabubully nya doon sa school nila, napapa transfer dito, kaya lang nang nalaman nilang may pinsan siya dito, paminsan konaring naririnig ang mga bulong bulungan nila, pero hindi naman ako nag uumpisa ng kaguluhan, sadyang ayaw kolang na may humaharang sa dinadaanan ko..

"Sky!"

Nakakairita, bakit paba nila ako pinag totoonan ng pansin.

"Para sayo" Sabay abot ng sulat at chocolate ng isang grade 8 student sakin..

May mga kasama syang nag aantay sa kabilang banda, at sya lang talaga ang nag lakas loob na lumapit at mag bigay ng mga walang kwentang bagay sakin..

Pero may naalala ako.

"Sky! boys should accepted not all of them are bad and not everyone is perfect. Just appreciate them"

Lumapit ako saknya, pero hindi ako tumitig sa kanyang mga mata, habang sya naman nanginginig sa ginawa kong pag lapit.. may mga nag sisigaw..

"Basted nayan!"

"Wag nang umasa!"

Maamo ang muka nya at masyadong walang alam sa mundo kaya nasisiguro kong, hindi nya diserve na masaktan at mapahiya.

Kinuha ko ang nakalahad na sulat, chocolate at tatlong rose flowers, naramdaman ko ang panginginig nya.

"Salamat" malamig kong wika sakanya At nilag pasan sya..

Maraming natahimik sa ginawa ko, at narinig kong sumigaw ang nag bigay ng sulat sakin..

"Salamat din sky La!"

Ewan ko kung sino sino ang mga nakakita sa ginawa ng batang yun, pero nang natapos ang 2nd period namin, nag punta ako ng locker room at binuksan ang locker ko may mga sulat din naman na nakalagay don, at wala nama  akong intensyon na basahin ang lahat ng yun.. pero ang binigay ng bata nato, napatitig ako sa kulay pulang envelope at may smile na emoji..

Inayos ko ang loob ng locker ko, at inilagay sa bag ang lahat ng sulat.. balak kong sunugin to sa apartment, para nakaseng basurahan ang locker ko..

Ilang sandali pakong nag ayos ng kumalam naman ang sikmura ko, may nahagip akong babae na hindi masyadong matangkad pero napatingin sya sakin at agad naming inalis, siguro narinig nya ang pag kalam ng sikmura ko, hindi konamang balak na kainin ang chocolate, kaya nag madali akong pumunta ng canteen, pero nang  Nakapunta ako don, parang umurong ang sikmura ko, habang nasa bukana pa ko ng canteen, nakikita kong nag aantay ng order ang walang kwenta kong ama, kasama nya ang kanyang asawa at bunso nilang anak na si Angelo.. tumatawa sila na para bang walang lungkot ang buhay..

Ang saya nila, ano ang ginagawa nila dito?

Napaatras ako at lumiko ng daan, kaya konamang tiisin ang pansamantalang gutom nato..

Nakinig nalang ako ng music sa playlist ko, habang nakaupo at nakatunganga sa itaas ng puno, may dalawang upuan at isang mesa sa gitna, na mostly mga naga study ang tumatambay dito..

Pero nabigla ako nang may umupo sa harapan ko at inilagay ang paper bag na may lamang Burger at milk don.

Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon