Chapter 48"Malala ang injury ng pasyente, at hindi pa namin alam kung kailan sya magigising"
"Gawin nyo po ang lahat" maka awa ni professor sa doctor, nakaupo lang ako at tulala, na benda na ang sugat ko sa braso, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras nato, hindi ko na alam kung paano iisipin ang lahat.
Unti unting na numbalik ang sakit at pag durusa ko, masyado bang bata si leiryo para maranasan ang pait ng buhay, wala akong kwenta! Wala man lang akong nagawa.
Nasabunutan ko ang buhok ko at yumuko, tahimik ang pag patak ng aking luha. Naririnig ko parin ang boses ng mga umiiyak na sisters.
Tumayo ako at walang pag alinlangang nag lakad.
"Sky" pigil sakin ni melle, biglang nag pump ang sa loobin ko at hinigop ang kanyang pagkatao.
Naramdaman ko ang pag ka tulala nya. Dahil sa ginawa ko.
"Bitawan mo ko" marahan kong wika sa kanya, tulala nyang binitawan ang braso ko, walang nagawa si professor sakin. Hinayaan nila akong mag lakad lakad sa pasilyo nang hospital. Ang dahan dahang pag landas ng aking mga luha at tahimik na hikbi habang nag lalakad ay parang isang kawalan ng pag asa sa mundo.
Unti unti kong naalala ang mga sinasabi ni leiryo sakin.
"Kung ganon, araw araw pala kitang makikita"
"Langit"
"Dahil may mga taong Nag aalala at nag iisip sakin, kaya hindi ako nag iisa..."
Tahimik akong humikbi habang hinahawakan ang bibig ko. Napasandal ako sa pader, pero natigil ako sa pag iyak ng marinig ko ang malakas na takbo mula sa ibaba nang hagdanan.
"The patient is now awake" saad ng doctor.
"Good to hear that news, where is the room of that patient?"
"Room, 125 Doc"
"Okey"
Napabaling ang doctor sakin, dahil tahimik akong nakasandal sa pader at nakikinig sa usapan nila.
"Miss Fortelino" Yuko nang isang nurse, ngumiti sakin ang doctor. Tumango nalang ako, nag patuloy silang nag lakad at nag uusap, pero bigla akong napabaling ng marinig ko ang pangalan ng pasyenteng tinutukoy nila.
"What his names again?" Tanong ng doctor sa nurse.
"Loree Enn Doc." Sagot ng nurse sa doctor, agad akong tumakbo papunta sakanila.
"Wait!"
Bawat kalabog ng dibdib ko ganon din ang taka nang dalawa sakin.
"What is it Miss Fortelino?"
"I want to know where is loree" hingal kong saad.
"Oh! Si Loree Enn ba?!" Maligayang wika nang nurse. Marahan akong tumango.
"Isang himala nga ang nangyari sa patienteng yun eh, buti talaga hindi tumigil ang mga magulang non"
Dinala nila ako sa kung saan ang patienteng si loree, naka benda ang kanyang ulo, at makikitang sa katawan ang kapayatan, dahil sa ang makina nalang ang nag bibigay buhay dito, pero dahil himalang masasabing nagising siya sa araw nato.
"He's a comatose patient for 3 years" saad ng doctor sakin, hindi ako nakinig pinag masdan kolang sila kung paano inexamine ang katawan ni loree, gising nato, pero halatang mahina pa. Bakas din sa bibig ang sobrang kawalan ng sustansya.
His lips is almost color gray, his eyes is sleepy. I want to know, i want hear the hidden story about leiryo.
Ilang oras din ang tinagal ko, at pinayagan nakong lumapit sakanya.
BINABASA MO ANG
Your Voice
Science Fiction"Wherever i'm Your voice will always guiding me to light my path." "Since this darkness will stand inside me, i've never been hoping for another chance. But here it is, those whispers of yours is still making myself controlled. Those eyes of yours i...