chapter 58

1 0 0
                                    


Chapter 58

"Sky La Fortelino"

"Akhil!"

"Akhil anak ko!"

"Gumising ka, Sky."

Naririnig ko ang bawat hagulhol nila. Minulat ko ang aking mga mata, pero pag lingon ko, may nasusunog na katawan sa gilid ko, nanginig ako. Ang huling naalala ko ay ang pag yakap sakin ni Akhil.

Napalingon ako sa paligid. At nilapitan ang sunog na katawan.

"Akhil," hibki ko. Natulala ang mga kasamahan namin. Tuloy ang mga luha ko, dahil hindi na makilala si Akhil. At wala natong buhay. Parang dinurog ang puso ko sa nasaksihan ko ngayon.

"Hindi si Akhil yan. Sky," napalingon ako kay Vleorenn at mabilis na hiblot siya.

"Nasan si Akhil," maka awa ko. "Please, tell me." Humikbi ako ng walang tigil hanggang sa mahagip ng mga mata ko, namay pinag titipunan sina tito sa likod niya. Kaya kahit mahina ang katawan ko agad akong tumayo at nag madaling makalapit sa kanila.

"Please anak," hikbi ng papa niya. Umiilaw ang kamay ni tito Keous. Walang galos si Akhil, para syang mahimbing na natutulog.

"Akhil," umiiyak kong wika.

"Sky," saad ng devinido na si Fuenzorie.

"Please po, gawin nyo ang lahat," hagulhol ko at walang tigil sa pag iyak. "Akhil Lumaban ka,"

"Sky la, place your hand to me," nagulat ako sa biglaang pag higit sakin ng Devinido.

"Hindi nasya makakabalik," parang may bumaon na matulis na bagay sa dibdib ko.

"Kaya kailangan mong burahin ang lahat ng ala ala niya Khiro," napatitig ako sakanya.

"Yun nalang ang magagawa natin, at sana gumana yon. Dahil pag hindi-"

Aga kosyang pinutol.

"Manahimik ka!" Sigaw ko habang lumuluha,. "Parang awa niyo napo, save him." Umiiyak rin ang papa ni Akhil.

Agad kong inilagay ang kamay ko, walang tigil ang aking luha, panay ang pagsinghap ko. Pinikit ni khiro ang mga mata nya at umilaw ang kanyang kamay, kasabay non ang walang tigil na pag patak ng aking luha at ang pagliwanag ng araw.

Ang panghihinayang sa aking puso ay walang katumbas ng kahit na anong kalungkutan sa mundo.

Mabilis akong lumundag papunta sa dulo ng puno at pinagmasdan ang maganda at maayos na bayan ng Toume.

Masinag na ang pag lubog ng araw, masagana na ang mga pananim, at malaya na ang bawat tao.

"Tapos na ang mission mo kung ganon," ngisi nya sakin. Tch. Nasundan nanaman ako ng loko.

"Gusto mobang mapuruhan?" Taas noo kong bigwas. Lumundag sya papunta sa gilid ng sanga kung saan malapit sakin.

"Dito kasi ang tambayan mo, kaya alam ko." Tawa panya at inilagay ang dalawang kamay sa batok. Parehas naming pinag masdan mula sa tuktok ng puno nato ang pag lubog ng araw.

"Wala kabang balak na bumisita sa Rouze?" Nagitla ako sa kanyang pinagsasabi.

"Kakagaling lang ni papa rito, kaya para saan pa?" Ngisi ko at bumaling sakanya.

"Hanggang ngayon, malungkot parin ang mga mata mo," natulala ako, nanumbalik ang sakit sakin, masakit isipin, pero pilit kong pinapatatag ang aking puso. Dahil kahit kailan hindi nya na ako maalala.

"Paano mo nasabe?" Kwelang tanong ko.

"Gusto ko pa sanang yayain kang mamasyal sa mansion namin, kakain tayo, miss kanarin ng kapatid ko. Masyado moraw nilulublob ang sarili mo sa mission,"

Your VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon