Kabanata 4

13.5K 661 62
                                    

KABANATA 4

Year 1949

PAGDILAT ng mga mata ni Lass, hinanap agad ng kanyang paningin ang asawa. Ngunit katulad sa nakalipas na isang taon magmula nang makasal sila ay hindi niya na ito nagisnan pa sa kama.

Napabuntonghininga siya at inabot ang unan nito. Niyakap niya iyon. Magkasama nga sila sa iisang kama pero hindi nagkikibuan, ilang dangkal ang layo sa isa't isa... At pagkagising sa umaga, wala na kaagad si Arc upang tumungo sa ospital. Sa gabi na ulit sila magkikita pag-uwi nito.

Her heart ached. Every morning it did. Damang-dama ni Lass ang resulta ng pagmamatigas niya sa ilang beses na pakiusap ni Arc noon na umurong siya sa kasal.

Unang taon pa lang ito ng pagsasama nila at... at... kailan ba ito magtatagal pa? Hinding-hindi niya ba makukuha ang loob ng asawa?

"Senyorita?" Narinig niya ang marahang pagkatok ni Manang Rita mula sa pintuan. "Senyorita, magandang umaga po. Oras na para sa almusal niyo."

Bumangon siya at ibinalik ang unan ni Arc sa puwesto niyon. "Mag-aayos lang po ako, Manang. Pababa na 'ko. Daghang salamat."

Tumayo na si Lass at tinignan ang kalendaryo. She sighed again as she saw that tomorrow is her birthday. Malakas ang kanyang kutob na katulad sa nakalipas na taon ay hindi uuwi si Arc at mas pipiliin nitong mag-trabaho sa ospital ng buong beinte-kuwatro oras. Bawal naman siyang umangal sapagkat tungkulin nito 'yon bilang doktor. Kahit pang batid niya nang sinasadya nitong pasakitan siya sa mga araw na espesyal sa kanya.

"Bawal ka umangal, Lieselotte," kausap niya sa kanyang repleksyon sa salamin. "Pinapili ka ni Arc. Ito ang pinili mo..."

Pagkatapos ipaalala iyon sa sarili ay naghilamos at nagsepilyo na siya. Ang suot na kamison ay pinatungan niya ng roba. Lass went inside the walk-in closet to pick a fresh set of clothes. Ngunit habang pumipili ay nakaagaw ng pansin niya ang isang kulay berdeng karton na nakatago sa damitan ni Arc.

Kahit hindi niya gawaing mangialam ay dumapo ang kamay niya sa maliit na karton na iyon. At saka niya napagtanto na ang berde ay kulay lang pala ng pambalot... May nakabalot sa loob na tila pang-regalo.

Napasinghap siya. Napahawak sa dibdib nang kumabog iyon. Could it be that Arc... prepared a gift for her?

Umasa si Lass. Mabilis niyang ibinalik ang nakabalot na regalo sa puwesto niyon. Hindi niya namalayang napapangiti na siya... Could it be that this year at least, Arc prepared something for her?

Lumambot na kaya ang puso ng esposo at hindi lang ito masyadong nagpapahalata? Naisip ni Lass na ilang beses na rin silang nagtalik ni Arc para makabuo ng anak. Could it be that he was soften by the fact that Lass reserved herself to him? Halatang-halata naman na wala siyang kaalam-alam sa kama. Arc was always in-charge of their lovemaking. Kahit na ba bilang lang sa isang kamay kung ilang beses may nangyari sa kanila.

Subalit umaasa si Lass. Baka may plano na si Arc para sa kaarawan niya. Kahit hindi nila iselebra ng magkasama ay nais siya nitong handugan ng munting regalo...

"Mukhang maganda ang gising natin, Senyorita."

Mas napangiti si Lass habang dumudulog sa hapag. "Masaya lang siguro ako dahil sa paparating kong kaarawan, Manang."

Sinimulan siya nitong pagsilbihan ng pagkain. "Mabuti po kung ganoon! Masaya 'ho akong nakikita kayong nakangiti. At para sa araw niyo bukas ay nakapaghanda na kami ng mga lulutuin."

"Salamat, Manang!"

"May inaasahan ba kayong bisita ng doktor?" tukoy nito kay Arc.

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon