Kabanata 14

16K 869 625
                                    

KABANATA 14

"ARCHELAUS!"

Mula sa bintana ng kanyang silid, natanaw ni Lass ang patakbong pagpasok ni Arc ng bahay mula sa hardin. Inutusan niya itong magdilig ng halaman para sa umagang iyon sapagkat hindi maganda ang kanyang gising.

Wala pang isang minuto ay narinig niya na ang pagkatakok nito sa pinto. "Lieselotte? Mayroon ka bang iuutos?"

Hindi siya nag-abalang tumayo para buksan ang pinto o papasukin man lang ito.

Hinaplos-haplos niya ang malaking tiyan. "Pagkatapos mong magdilig ay samahan mo si Mikel na mag-igib muli ng tubig. Nais kong maligo."

"Pero kaliligo mo lang kaninang madaling araw."

Napatingin siya sa nakasarang pinto. "Ikagagalit ba ng tubig at sabon kung maliligo ako ng pangalawang beses ngayong araw, Archelaus?" may mahinang talim sa boses niya. Napaypayan niya ang pisngi.

Masama ang gising ni Lass dahil sa init. Kahit pa nakabukas na ang mga bintana at bintilador, at mahangin naman sa labas ay maalinsangan pa rin ang kanyang pakiramdam. Ang init na nararamdaman ay umakyat na rin maging sa ulo niya.

"Maaari ba kitang suriin ng saglit?" ani Arc.

Napahinto siya sa pagpaypay. "Para saan?"

"Sapantaha ko'y may kinalaman ang narararamdaman mong init ng panahon sa iyong pagdadalang-tao. Come on, just let me in for a minute. I'll check up on you."

Siguro ang hindi niya maipanlalaban kay Arc ang husay nito sa pagiging doktor. Kahit espesyalista ito sa puso, marami pa rin itong alam sa iba pang aspeto ng paggamot.

Hindi ba't noong isang araw lang ay naagapan nito ang nararamdamang pananakit sa tiyan ni Mikel dahil sa pag-inom ng gatas? At nang nakaraang linggo ay mabilis nalunas ang rayuma ni Manang Rita? Si Lisel pa'ng nasugatan ng kutsilyo kahapon habang nagluluto ay agad ding nagamot ng doktor Valleroso na ito.

Pagbukas ni Lass ng pinto ay bumungad sa kanya si Arc na tanging puting sando at kupas na pantalon ang suot. Magulo pa ng bahagya ang buhok nito at may ilang talsik ng tubig sa damit gawa ng pagdidilig... Natural na maputi ito, ngunit sa nakaraang dalawang linggo na pulos utos niya rito ay bahagyang pa-moreno na ang kulay nito.

His gray eyes softened when he smiled at her.

Nilagpasan niya ito at tumungo sa salas. "Dito mo 'ko suriin. Mainit sa loob ng silid." At ayaw niyang makapag-solo silang dalawa roon.

Masunurin ang pagtango nito. Lumapit ito sa kanya pagkaupo niya ng sofa. Sa magaang kamay ay hinaplos ni Arc ang kanyang noo, pinalis ang pawis doon.

Napatingala tuloy siya rito.

"Mahirap ang pagbubuntis, ano?" wika na agad nito bago niya pa mabuka ang mga labi. "Pati ang temperatura ng katawan ay paiba-iba rin."

Bumaba ang kamay ni Arc sa gilid ng kanyang leeg. Pinakiramdaman ang pulso doon. "Kailan ang susunod mong pagbisita sa doktor?"

Inilayo niya ang tingin. "Sa susunod na linggo na muli."

"You're on your seventh month already," he softly said. Ang mga kamay nito ay nasa leeg niya pa rin, kinakapa ang tibok. "I bet we will have twins."

Napakurap siya at napayuko sa malaking tiyan. Madami nang nakapagsabi—sina Manang Rita, Lisel, Mikel, at maging ang mga ka-baryo na tila masyadong malaki ang tiyan ni Lass kaysa sa normal. Ang lagi niyang biro ay malakas lang siya sa pagkain. Dahil sa tuwing iisipin niyang dalawang bata ang dinadala niya'y dumodoble rin maging ang kanyang pangamba sa panganganak.

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon