Kabanata 24

16K 693 179
                                    

KABANATA 24

ANONG nanyari sa kanyang mga alaala? Bakit naglaho?

Nagtawag sina Roy at Hakob ng iba pang doktor upang sumuri sa kanya. Lahat ng tao sa silid na iyon halata ang pagkabahala sa sinapit niya.

Gayunpaman, sa kabila ng kalituhan ay hindi mapigilan ni Arc ang mapatinging muli kay Lass...

Pinakasalan niya ito. Ito ang kanyang kabiyak, esposa, maybahay... asawa...

Nagsalubong ang kanilang mga mata nang lingunin siya. Dinantay nito ang malambot na kamay sa kanyang dibdib.

"Magpahinga ka muna, Arc," malambing nitong payo. "Aayusin natin ito..."

Her voice didn't just provide sweetness but comfort—no... peace.

Kumalma ang kanyang dibdib. May kung anong kumatok din sa kanyang puso.

Didn't he hate... her? Didn't he want to get involved with her and the tradition?

Subalit ngayon, bakit tila kakapusan siya ng hangin sa bilis ng bawat kabog sa dibdib?

Bakit nga ba siya pumapalag noon? Hangal ba siya?

"Naguguluhan pa rin ako."

Mabait ang ngiting tinugon ni Lass. "Huwag kang mag-aalala. Nandito naman ako..."

O, giliw, iniibig na kitang agad!

Siguradong-sigurado na si Arc, siguro sa ilang taong nawala sa kanya, pinagbigyan niya ang tradisyon dahil dito!

Ngunit, hindi ba ay may nobya dapat siyang iba? Sino iyon? Hindi niya na rin maaalala... ngunit baka nakipaghiwalay rin siya nang magsawa at si Lass na lang ang pinili.

Bumalik na sina Roy at may kasunod na dalawa pang doktor. Akmang aalis si Lass sa kanyang tabi pero agad siyang kumapit sa malambot nitong kamay.

Kaya't habang sinusuri at tinatanong siya ng mga espesyalista ay tahimik na nanatili si Lass sa kanyang tabi. Hinawakan din nito ang kanyang kamay pabalik at minsa'y magaan pang minamasahe.

Hanggang sa pinayuhan siyang manatili pa roon ng ilang araw upang maantabayan kung babalik din ba ang kanyang mga alaala sa susunod na mga araw.

Lass' family went home first. Followed by his parents and brother. Nagpaiwan pa si Roy at Hakob.

"Kahit malabong alaala kung paano kang na-aksidente ay wala?" tanong pa ulit ni Roy sa kanya.

Umiling siya. Kanina pa nito iyon tinatanong. Arc shifted his body away from him. Bigla na lang siyang nakaramdam ng iritasyon. Ngunit bakit naman? Matalik na kaibigan niya si Roy.

"Lass, tutulungan na kita," narinig niyang sabi ni Hakob.

Napatingin siya sa may pinto nang makitang may dalang isang munting bayong si Lass. Nakaantabay si Hakob at umaalalay. He even touched his wife's hand!

"Kaya ko na, Hakob," ngiti ni Lass. "Magaan lang naman. Maraming salamat."

"Lass, dito ka," malakas niyang tawag sa asawa.

Napatingin ito sa kanya at nilagpasan si Hakob. "Nagugutom ka na? Ihahanda ko lang ito, sandali."

"Salamat sa inyo," aniya sa mga kaibigan. "Magpahinga na rin kayo ngayon. Salamat sa pag-aasikaso."

Ngumisi si Hakob. "Nagmamadali ka yata? Kahit naman maiwan kayo ni Lass dito ay hindi ka makagagalaw diyan dahil puno ka pa ng galos at malaking bukol sa ulo."

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon