Kabanata 2

80.7K 2.5K 537
                                    

KABANATA 2

"ITO ang sopas..." marahang inilapit ni Lass ang isang mangkok ng mainit na sopas kay Arc. Nanatili ito sa ospital upang ma-obserbahan pa ng ibang doktor na espesyalista para sa kalagayan nito.

Ang sabi ay wala pang tiyak na kaalaman kung kailan babalik ang mga alaala nito. Ngunit hangga't sa wala pa ay sinumpa niya sa sariling aalagaan ito.

Napatingin si Arc sa sopas at pagkatapos ay sa kanya. "Patawad. Hindi ko pa rin magawang matanggap na... wala akong matandaan mula sa maraming taon ng buhay ko..." Napahilot ito ng sentido. "Wala na talaga ang mga Hapon?"

"Anim na taon nang nakalaya ang Pilipinas sa kanila dahil sa naging resulta ng pandaigdigang giyera."

Napakurap ito. "Tunay nga?"

Tumango siyang nakangiti.

Napabuntong-hininga naman ito. "I still cannot remember. Wala akong maalala kahit ang araw na nakilala kita..."

"Huwag mong isipin. Makakaalala ka rin," nakangiting wika niya. "Kumain ka muna. Ipagpaumanhin mo rin kung ito lang ang maari mong kainin. Hanggang bukas na lang at puwede ka nang kumain ng normal na mga pagkain."

Pagkatingin niya rito ay nakatitig pa rin ito sa kanya. "Bakit ako pumayag na magpakasal sa 'yo? Was I... forced? Huwag ka sanang magalit ngunit naguguluhan lang ako. Isa kang Salamanca at wala sa plano kong sumunod sa tradisyon ng pamilya."

"A-Ayaw mo ngang magpakasal sa 'kin... Napilitan ka lang dahil tinakot ka ng Papa na tatanggalan ng mana. At ayaw mo iyon dahil plano mong magpatayo ng sariling ospital."

Nagtagis ang bagang nito. "My father bribed me?" Napailing ito. "I see. I badly wanted the money to build my own hospital. But how about you? Bakit sumang-ayon ka sa kasal? Isa ka ba sa mga babaeng Salamanca na itinanim sa isipang sa mga Valleroso lang kayo makikipag-isang dibdib?"

Napangiwi siya dahil totoo.

"Ngunit sa tingin ko ay baka nagustuhan din kita buhat nang makita kita."

"A-Ano?" Napakurap-kurap siya at nagsalubong ang kanilang mga mata.

Arc lazily smiled. "Napakaganda mo. Siguro ay nagustuhan din kita. Tatlong taon na tayong mag-asawa, hindi ba? Ibig sabihin, kung nagtagal ako ng ganoon ay minahal kita."

Binuka niya ang bibig ngunit naisara niya rin. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Sasabihin niya ba ang totoo kay Arc? Tutal, silang dalawa lang naman ang nakakaalam ng tunay nilang estado. Ah, si Victorina rin pala... ngunit hindi pa nagpapakita o bumisita man lang ang babae mula nang maaksidente si Arc noong isang araw.

Napapikit si Lass. This is her chance. Bakit niya sasayangin? Baka habang wala pa itong alaala ay... ay makapasok siya sa puso nito?

Humingi siya ng sandaling panahon sa Diyos na makasama pa si Arc at maramdamang mahal nito... siguro ay puwede na ngayon.

Napasinghap siya nang masuyong haplusin ni Arc ang kanyang pisngi. "Or... am I a bad husband?" Napalitan nang pag-aalala ang mga mata nito. "Am I hard on you because you're a Salamanca?"

"H-Hindi, Arc..." pagsisinungaling niya. Hinawakan niya ang kamay nito. "M-Mabuti kang asawa sa'kin... k-kahit ayaw mo sa itinakdang kasal ay b-binigyang respeto mo 'ko."

Tila kumislap ang mga mata nito. "Kung ganoon ay... mahal nga kita? Dahil kung ayaw ko talaga sa kasal natin ay magiging malamig ako at sa tingin ko ay anak lang ang magiging habol ko sa 'yo. Iyon lang naman ang nais ng mga pamilya natin. Maipagpatuloy at paramihin ang lahi."

Sumikip ang dibdib niya. Iyon ang totoo ngunit hinding-hindi niya sasabihin iyon kay Arc.

Nakabuo na ng desisyon si Lass! Habang hindi pa bumabalik ang mga alaala nito ay gagawin niya ang makakaya upang mahalin din nito. Huwag lang biglang lilitaw si Victorina.

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon