KABANATA 7
HABANG nakapila ang mga taong nais makapag-konsulta kay Arc, nasa kabilang tolda naman si Lass upang mamigay ng pagkain sa mga bata at matatanda.
Kahit lumaki sa marangyang angkan, sanay si Lass makihalubilo sa iba't ibang klaseng tao. Kahit gaano pa kataas ang sikat ng araw at gaano pa kainit ang paligid. Ipinagpapasalamat na lang niyang buwan na ng Nobyembre pa-Disyembre. Hindi na ganoon kaalinsangan ang panahon.
Noong kalagitnaan ng giyera, nagboluntaryo sila ni Dalia na mamigay ng mga pagkain sa mga nasalantang pamilya araw-araw. Doon mas nabuksan ang mga mata at puso ni Lass sa tunay na kalagayan ng ibang tao. There's a real and devastating life outside their big mansion.
The Salamanca family was just privileged enough. And not everyone has the same privilege as theirs. Because of that, Lass cannot boast about her social status. She promised to keep a humble attitude and always have compassion to the less fortunate.
"Daghang salamat!" sabay-sabay na sambit ng mga bata nang abutan niya rin ng damit ang mga ito.
Napangiti si Lass. Isa-isa niyang hinaplos ang bumbunan ng mga ito. "Maraming salamat din sa inyo. Mag-iingat kayo, ha? Aalagaan niyo ang inyong mga sarili. Palagi kayong sumunod sa sinasabi ng inyong mga magulang."
Nagtanguan ang mga ito. Sumunod ay kumuha si Lass ng mga laruan sa isang kahon. Nagtilian sa saya ang mga bata. Lahat ay nakakuha ng tig-isa. Walang umuwing walang dala.
Pagkatapos magbahagi ng mga pagkain, damit, at laruan sa mga bata, pagkain at gamot naman sa mga matatanda; nagpahinga si Lass at ang mga kapwa babae na kasama sa tolda.
Bago sumapit ang dilim, tapos na rin si Arc at ang mga kasamahan nitong doktor sa gawain.
The volunteers started set up their own tents for the night. Habang ibinababa ni Lass ang tulugan nilang mag-asawa ay biglang sumulpot si Arc sa likod niya.
Napasinghap siya nang pumulupot ang mga kamay nito mula sa likod at kinintilan siya ng halik sa pisngi.
"I was watching you earlier," bulong ni Arc. "You shine under the sun, my Lass..."
Tinapik niya ang braso nito at bahagyang napangiti. "Pinapanood mo ako kaysa magtrabaho?"
He chuckled and buried his nose on the side of her neck. "Hindi ko mapigilang sumulyap-sulyap sa'yo kanina. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi mo kahit buong araw kang nakatayo at nag-e-estima ng mga tao. You never looked tired once. Nadinig ko ring puring-puri ka ni Dr. Yu," tukoy nito sa punong direktor ng ospital ng Monte Amor. "They never heard you complain about the weather or the unpleasant smell. You were consistently kind and accommodating all throughout the day. Are you a saint or what?"
"Arc, nakikiliti ako," natatawang saway niya rito. Nakaabot na kanyang puson ang kamay nito. He chuckled, too.
"Sa tingin ko, lalo mo akong napaibig," sabi ni Arc at kinintilan siya ng maraming halik sa leeg at pisngi. Tila ba pinangigigilan siya. "Marahil ay totoo nga ang sabi ng Mama noon."
"Tungkol saan?" Kumawala na siya rito at kinuha ang mga gamit.
"That Valleroso men fall in love real hard with their Salamanca."
Sandaling natigilan si Lass. She tried to keep her smiles up. Humarap siya kay Arc at ipinasa rito ang maleta ng mga damit. "Do you believe in that?"
Titig na titig ang magaganda nitong mata sa kanya. "Kahit walang paliwanag ng siyensya, maniniwala ako dahil sa'yo, giliw ko." Dumulas ang kamay nito mula sa kanyang braso pababa sa kanyang kamay. "The heavens could have paired every Valleroso and their Salamanca perfectly."
BINABASA MO ANG
Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)
RomanceAng mga babaeng Salamanca ay para lamang sa mga lalaking Valleroso. Sina Arc at Lass ay ikinasal dahil sa tradisyon ng kanilang mga pamilya. Sa una pa lamang ay minamahal na ni Lass ang binata. Subalit kabaliktaran ang damdamin ni Arc na naging pasa...