KABANATA 15
Year 1943
PINILIT ni Lass na makaakyat hanggang sa tuktok ng burol Estrella. Batid niyang hindi maaaring lumabas sa kalagitnaan ng araw, ngunit napakalayo na nang narating niya upang makabalik ng mabilis sa mansyon.
Kagagalitan siya marahil ng mga magulang oras na malamang lumabas siya ng kanilang lupain. Kabilin-bilinan pa man din ng kanyang Papa na hindi na sila maaaring magpakalat-kalat ni Dalia.
Nag-uumpisa nang dumami ang mga sundalong Hapon sa Monte Amor at ang kinatatakot ng lahat ay kumukuha ang mga sundalo ng mga dalagita at dalagang babae... iyong magaganda raw at pagkatapos ay pinagsasamantalahan.
Nanginig si Lass at mas binilisan ang pagtakbo paakyat. Sa pagkakatanda niya ay may puwede siyang taguan doon sa tuktok! Doon muna siya hanggang sa makahingi ng tulong para makauwi siyang ligtas sa kanyang pamilya.
She will soon turn sixteen. Ayaw niyang mapunta sa kung sinong sundalong Hapon! Hindi niya nais mapagsamantalahan!
Mas binilisan niya ang pagtakbo. Pumikit siya nang mariin at kahit kapusan na ng hininga'y tuloy-tuloy pa rin sa pag-akyat ng burol.
Natatakot siya! Nagsisisi siyang tumakas pa sa kanilang tahanan dahil lang ayaw niyang matuklasan ng mga magulang na masama ang loob niya. Masama ang loob ni Lass dahil hindi matutuloy ang selebrasyon at handaan para sa kanyang ikalabing-anim na kaarawan. Kailangan daw nilang maging tahimik at hindi makaagaw ng atensyon. Oras na malaman nga naman ng mga Hapon na may dalawang dalagita sa Hacienda Salamanca ay baka kunin sila ni Dalia!
Pagkarating sa tuktok, napaluhod si Lass sa labis na sakit ng mga binti. Kahit malakas ang ihip ng hangin ay tila kakapusin pa rin siya ng hininga. Gayunpaman, pinilit niya pa ring tumayo.
Hay'un! Nakikita niya na ang malaking puno at ang maliit na silungan sa ilalim niyon! Doon siya maaaring magtago.
"Salamat, Diyos ko! Salamat!" nabulalas niya nang makapasok sa silungang walang tao. Agad siyang nagtago sa loob. Sumiksik at umupo sa likod ng pinto.
Pumikit siya nang mariin at nagdasal. Sana ay makahingi siya ng tulong para mapayapa at maayos siyang makabalik sa kanyang mga magulang.
Pinagsalikop niya ang mga kamay, pumikit ng sobrang mariin. Bumulong ng dasal. "Nagsisisi na po ako. Patawad po, mahal kong Diyos. Nagsisisi na po ako! Hindi na po ako magtatampo kina Mama at Papa dahil lang walang magiging piging sa nalalapit na kaarawan ko. Naiintindihan ko na po! Nagsisisi na po ako sa pagiging makasarili ko!
"Protektahan Niyo po ako. Huwag Niyong hayaang makita ako ng kahit sinong sundalong Hapon. Ayaw kong makuha nila! Nais ko pang makasama ulit sina Papa, Mama, at Dalia! Tulungan Niyo po ako, Panginoon ko!"
"May tao ba diyan?"
Napasinghap si Lass at nadilat ang mga mata. Tinakpan niya ang bibig at mas sumiksik sa likod ng pinto ng silungan.
"Hello?" sabi pa ng isang boses binata.
Sundalo?! O hindi...
Hindi sumagot si Lass. Pinilit niyang kumalma sa kabila ng malakas na mga pagtambol sa dibdib dahil sa kaba. Her whole body started to shake.
"Narinig ko ang pagdadasal mo. Hmm... Kung natatakot ka sa mga sundalong Hapon ay bakit ka lumabas ng bahay niyo?"
Hindi pa rin umimik si Lass. Nanatili siyang tahimik sa pinagtataguan. Hindi mukhang Hapon ang kumakausap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)
RomanceAng mga babaeng Salamanca ay para lamang sa mga lalaking Valleroso. Sina Arc at Lass ay ikinasal dahil sa tradisyon ng kanilang mga pamilya. Sa una pa lamang ay minamahal na ni Lass ang binata. Subalit kabaliktaran ang damdamin ni Arc na naging pasa...