Kabanata 25

19.9K 849 359
                                    

This is the final chapter of SYHH. Epilogue will be posted soon.

Thank you for reading! I know that this is not your cup of tea, but still, thank you for the respect and understanding for the plot and the main characters' journey.

I just want to assure you that this story is NOT tolerating domestic abuse or cheating in any form.

I have many reasons why I chose to revamp/rewrite the story. But my very main objective is to re-align it more to my personal purpose as a writer.

I will always believe in the power of forgiveness, redemption, and genuine transformation—only in Christ.

I wasn't satisfied with the first version, and praise God for the second chance to write it right this time.

Again, thank you for rejoining me in this ride. See you on the next one!

- FGW

******

KABANATA 25

SA ARAW na iyon narinig ni Arc ang mga salitang hindi niya inaasahang kailangan palang marinig...

Pagkatapos ng pakikipag-usap kay Sancho kahapon (kung pag-uusap ngang matatawag ang walang pakundangan nitong pamimilit sa kanyang maging personal na doktor nito sa puso), bumalik si Arc sa opisina ng pinuno ng asosasyon para sa tunay nilang pagpupulong.

He met Dr. Baron Lopez with his brother, Rev. Pastor Warren Lopez. They were both in their fifties, with dignified stance and calm demeanor.

Nagawang ilahad ni Arc ang mga nangyari sa kanila nina Roy at Hakob. Ngunit matagal kaysa sa inaasahan ang pagkukuwento dala ng paputol-putol siya sa pagsasalita. He didn't know he was still very much affected and angry of his friends' betrayal.

Buong pakiwari ni Arc ay magagawa niyang isalaysay ng buo at malinaw ang istorya, ngunit umalpas ang emosyon na kung hindi lang mataas ang pagpipigil ay nanginig, sumigaw, o umiyak pa siya sa harap ng pinuno at kapatid nito.

"That was very alarming to hear. Doctors killing their own... and to think you were all friends..." iiling-iling si Dr. Lopez.

Nanatiling nakayuko ang ulo ni Arc. "They are currently detained in Monte Amor until the final verdict from our hometown's judges..."

"Tututukan namin itong mabuti, Dr. Valleroso. Agad kong isasaayos ang pagpapatanggal ng lisensya ng dalawa. Isang malaking kahihiyan sa ating propesyon ang ipinakita ng iyong dating mga kaibigan."

Tumango lamang siya. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib sapagkat saksi siya kung paanong nagpakahirap din sina Roy at Hakob upang maabot ang lisensya sa panggagamot. They've been all through those tough times from elementary to medicine school.

Kaya hindi niya alam kung bakit, kahit napopoot ang kalooban, hindi niya magawang hindi masaktan. Why can't he just be mad and think how Roy attempted to take his life and how Hakob almost ruined Lass's dignity?

Bakit may kirot pa rin, at awa para sa mga traydor na kaibigan?

Nang matapos ang pagpupulong ay nakipagkamay si Arc sa magkapatid. Ngunit halata na ang katamlayan niya sa mga mata at tinig.

Pagkalabas ay hindi pa agad umuwi si Arc sa tinutuluyan. Natagpuan niya ang sariling nakaupo sa isang pasilyo ng gusali habang nakatanaw sa malaking bintana. Doon ay tanaw ang look ng Maynila at ang paunti-unting pagbaba ng sikat ng araw.

"Dr. Valleroso, nandito ka pa."

Napalingon siya sa nagsalita. "Pastor Warren..."

The middle-aged man gave him a warm, fatherly smile. Humakbang ito palapit habang nakatanaw rin kung saan siya nakatingin.

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon