Kabanata 21

17.2K 701 392
                                    

KABANATA 21

"TAKSIL!!!"

"Lass, anong pinagsasabi mo?" gulong-gulong wika ni Arc, pinipigilan ang mga kamay niya sa paghampas rito.

Lumayo si Lass at marahas na binawi ang mga kamay. "Huwag mo 'kong hahawakan! Ni huwag na huwag mo 'kong lalapitan!"

Sa pakiwari niya'y napakadumi ng kamay nitong humawak at humapit sa ibang babae kanina!

Puno pa rin ng kalituhan ang buong imahe nito. "Lass, batid kong halos tatlong araw na 'kong hindi nakakapunta rito. Ngunit ipinaliwanag ko naman ang sitwasyon sa ospital. At kung ang galit mo ngayo'y patungkol din sa naging reaksyon ko nang sinabi mong nagdadalang-tao ka ay may paliwanag ako---"

"Napatagni-tagni ko na!" nasasaktan niyang wika. "Hindi ka masaya sa pagdadalang-tao ko dahil may iba ka nang ginigiliw!"

Nanlaki ang mga mata nito. "Ano?!" Pati ito'y napataas na rin ang boses. "Lieselotte, saan mo napulot iyan? Anong iba? Ibang ginigiliw?!" Nahihindik si Arc.

"Huwag kang magmaang-maangan pa! Nakita ng dalawang mga mata ko, Archelaus! Taksil! Taksil!"

"Lass, wala akong alam sa mga ipinaparatang mo sa 'kin!" Umiling ito nang umiling. "Taksil ako? Ngayon? Sinong hihigit sa 'yo sa puso ko ngayon maliban sa Diyos, Lieselotte???"

"Huwag mong isinasali ang Diyos sa iyong kataksilan!" Galit na galit si Lass. Pinulot niya ang laruan ng kambal na gawa sa kahoy. Sunod-sunod niyang ipinagbabato iyon kay Arc.

Tumili sina Alekos at Andreas. Kumuha ng laruan ang mga ito at nakibato rin, ngunit hanggang sa malapit lang tumatama iyon.

Nang maubos ang laruan ay ang basket na lalagyan niyon na ang mismong binato niya.

"Lass!" saway ni Arc habang umiilag. "Lass, pakiusap tumigil ka. Baka masaktan natin ang mga bata!"

"Taksil!" sabay bato pa rito ng mga laruan sa kabilang basket.

"Lass—aguy!" daing nito nang sumapol sa noo nito ang laruang kotse na yari sa kahoy. Napahawak si Arc sa nasaktang noo.

Humagikgik si Andreas. Pumalakpak si Alekos.

"Lass, tama na! Wala kong alam sa ipinaparatang ma! Maiintindihan ko ang iyong galit, ngunit hindi ko matatanggap ang inaakusa mo sa'kin!" Arc sounded frustrated and tired.

"Sinasabi mo bang hindi totoo ang nakita mismo ng dalawang mga mata ko?!" Nasapo niya ang sinapupunan nang kumirot ng kaunti iyon.

Sinubukan ni Arc na umalalay subalit tinulak niya ito. "Uminahon ka, Lass. Buntis ka..."

"Batid mong nagdadalang-tao ang asawa mo pero hinagkan mo pa rin si Olya! Kaya ayaw mo 'kong papuntahin sa ospital! Nais mong kayong dalawa lang—"

"Si Olya?!" Gulat na naman si Arc! "Ano... Paano... Bakit... Si Olya?! Bakit ko hahagkan si Olya?!"

"Nakita ko!"

"Saan mo nakita? At bakit mismong ako ay hindi alam iyan?"

"Sa ikalawang palapag! Nakita ko, Arc! Taksil ka!" Napahagulgol na ulit si Lass. Nawala na ang kirot sa tiyan subalit nanatili ang sa dibdib. "Huwag mo nang itanggi pa sapagkat huling-huli kita! H-Hinila mo siya, hinapit... hinagkan! Sa mga labi!"

Napahawak siya sa dibdib. Hindi niya na kakayanin pa... Nagkamali ba siya sa pagpapatawad at pagbibigay ng pangalawang pagkakataon rito?

"P-Paano mo 'tong nagawa sa 'kin, Archelaus? Paano mong nagawa 'to sa mga bata?"

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon