Kabanata 23

13.7K 624 156
                                    

KABANATA 23

SA SUMUNOD na taon, nagtapos ng pag-aaral si Lass. Nakiusap si Arc sa huling pagkakataon upang umurong ito. Bagaman hindi na ulit sila nagkausap at nagkabalikan ni Victorina, ginamit pa rin niyang dahilan ang "relasyon" nila upang mahikayat si Lass.

Ngunit kung matigas ang ulo niya, mas matigas ang ulo ng Salamanca na itinakda sa kanya!

"Show up in the wedding, Arc," mahinahon ngunit mariing wika ng kanyang ama. "Pakiusap, huwag mong pahiyain ang mga Valleroso at Salamanca."

"Hindi ko pa rin ba napapatunayan sa 'yo kung gaano ako kasalungat sa ideyang ito, Papa?" Pabagsak na nilapat ni Arc ang kamay sa lamesa nito. "Naghiwalay na kami ni Victorina at hindi nagbabago ang desisyon kong huwag sundin ang tradisyon. I am sincerely against this family marriage whether I'm in love with someone else or not."

Ipinikit ni Gael ang mga mata. Nahahapo sa paulit-ulit na pakikipagtalastasan sa panganay na anak tungkol rito.

"Papa, bakit hinahayaan niyo na isang makalumang tradisyon ang pumili ng kung sinong dapat kong makasama habambuhay?" Nanatili ang boses ni Arc sa normal na lebel. Matapos ang huling pagtatalo nila ng ama noon, wala nang umulit sa kanilang dalawa na magkasalubong ulit ng ganoong klaseng galit.

"Hindi ba't kalayaan ko iyon?"

"Archelaus, ikaw ang pumili," his father muttered below his breath.

Pumili? Kailan? "What?"

Tumayo ito at tumalikod sa kanya—paharap sa malaking bintanang capiz ng opisina. "Kung hindi ka magpapakasal kay Lass ay hindi mo malalaman ang buong sakop at proseso ng tradisyon. Hanggang sa hindi mo tinatanggap ito, hindi mo matutuklasan kung paanong si Lass ang ibinilin ni Papa para sa 'yo."

Si Lolo Aristeo?

"You want me to dive first before you tell me what's under the waters?" sarkastiko niyang tugon. "Isn't that suicide, Papa?"

Bahagya siya nitong nilingon. "You just have to trust the family tradition, Archelaus. Pagkatiwalaan mo rin ako," nasa tinig ang mahinang pagsusumamo.

Iniwas niya ang tingin sa ama.

Nawawalan na siya ng paraan kung paanong makakawala sa kasal gayong isang buwan na lang ang mayroon siya. Would he just runaway? Pero saan siya pupunta? Could he just leave his work at the hospital? How about his patients? How about his vision and mission?

Hindi pa rin niya nakukuha ang pamana ng kanyang Lolo Aristeo hanggang wala siya sa treinta anyos.

"Subukan mong tumakas kasama ang dalagang Lanza at hindi mo makukuha ang iyong mana," pagbabanta nito na tila nabasa ang kanyang iniisip.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Pamana iyon sa akin ni Lolo Aris! Akin iyon, Papa!" hindi niya napigilang isigaw. Ni hindi na naitama ang sinabi nito. Tila nagpantig ang kanyang tainga sa narinig.

Tumalikod ulit ito. "Ayoko na sana pang humantong tayo sa ganito dahil kahit kailan hindi kita pinilit sumunod at hinayaan lang. Kaya ka nagkalakas lalo ng loob na magwala. Ngunit ngayon ay sinagad mo na 'ko, hijo."

"Papa! Hindi mo maaaring ipagkait sa 'kin iyon!" Arc panicked. May plano na siya para sa mamanahing pera at ari-arian.

Sa kabilang bayan ay may malaking lupa na kalakip sa kanyang mamanahin. Oras na makuha niya na ang pera, magpapatayo siya ng pagamutan para sa mga mahihirap na may komplikasyon sa puso.

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon