Ang Wakas

26.3K 1K 486
                                    

This is the last for the most rebellious Valleroso.

Thank you for re-opening this series with me, CDisciples! This is just the start.

Until the next book!

******

ANG WAKAS

BUHAT sa napagtanto ni Arc, lalong namulat ang kanyang pananaw patungkol sa tradisyong pinilit suwayin.

He became more aware of how he's unworthy of anything from Lass. Natuto na si Arc kung ano palang dapat ipagdasal sa Panginoon.

Kung tatanggapin pa siya ni Lass o hindi, gagalangin niya.

If she'll choose to let go, Arc will never find a new love, again, after her. It's going to be Lass and the twins that he'll serve until the end. And if ever that Lass moves on and falls in love, again... Then, Arc guessed he can be happy as long as she's happy. Ipinangako niyang po-protektahan ang pangalawang buhay ni Lass at sa tingin niya'y kasama na roon ang pagiging masaya kung saan ito magiging masaya.

There's a pang of ache and bitterness inside him when he thought of that. But maybe one day, God will heal him and teach him that this is how to love selflessly.

Ngunit kung may isang pag-asa pa... Kung sa bandang huli'y siya pa rin ang nasa puso ni Lass, habangbuhay na babawi si Arc. Every day he will live as if he got to work hard for their forgiveness and love although already earned. Kahit ibinigay na sa kanya, araw-araw niya pa ring paghihirapan na parang hindi pa nakakamit.

Whatever happens from those scenarios, may the Lord gives Arc the strength to accept it with all his heart.

Nawa'y matutunan niyang kung hindi na siya matatanggap pa, kasama iyon sa mga kinahinatnatan ng nakaraang rebelyon at kalupitan. That is discipline because God loves him.

At kung tatanggapin pa siyang muli ng kabiyak, hinding-hindi niya na sasayangin. That is surely an undeserved grace because God loves him.

Either way, Arc got to learn and still rests in the fact that God got him.

Like the way his parents loved him...

"Patawad, Papa."

Nagtatakang napalingon ito sa kanya habang akay-akay si Andreas sa mga bisig.

Nasa sa sala sila ngayon dahil masyado nang maraming tao sa silid ni Lass. Si Alekos ay nanatili sa loob, hawak naman ng biyenang lalaki.

"Para saan?"

Napatingin siya sa natutulong na anak. "Nais kong manghingi ng tawad sa pagiging suwail na anak..." Napalunok siya. "Having the twins made me realize how my heart would break if they strayed away from the right path. I can now imagine the frustration once they got all stubborn and naughty."

Napabuntonghininga ang ama. "Magkaparis lang tayo, hijo."

Napaangat si Arc ng tingin sa ama. "Papa?"

"I'm sorry for being too hard on you. Nakikita ko lang ang aking kabataan sa iyo. Laging tama ang iyong Mama sa tuwing sinasabi niyang namana mo sa akin ang katigasan ng ulo..." Napangisi ito at marahang hinaplos-haplos ang bumbunan ng apo.

"Lalo na nang nagpupumilit kang tumaliwas sa tradisyon? Ginawa ko rin iyan noon na nagdulot ng sakit ng ulo sa iyong Lolo Aristeo. Papa was very patient on explaining the tradition to me, but what I did is get a girlfriend of my own to prove a point."

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon