Kabanata 22

13.9K 602 130
                                    

KABANATA 22

Year 1933.

"NAPAKAGANDA ng iyong mga mata, Archelaus!"

"Kulay abo!"

"Hindi pa kami nakakita ng ganyan!"

Inatras niya ang katawan at mukha. Lalo na nang mas lumapit ang mga ito upang tunghayan ang mga mata niya.

Hinawakan siya ni Katarina sa braso. "Huwag kang lumayo."

Pumikit siya at iniwas ang mukha. Mas dumami na ang mga babaeng lumalapit. Nagtagis ang kanyang mga bagang. "Huwag kayong masyadong lumapit!"

"Kay sungit naman!" irap nito at binitiwan ang braso niya.

"Archelaus, mas maganda ang mga mata mo kaysa kay Estefan!" sabi ni Leah. "Bagaman abuhin din ang kanya ay mas malalim ang iyo!"

"Sa paglaki natin ay tiyak na maraming mahahalina dahil diyan sa mga mata mo!"

"May kapangyarihan ba ang mga mata mo, Archelaus? Katulad ng mang-akit sa mga kababaihan?"

"Ano ba namang pananalita iyan!" Natatawang saway ni Katarina. "Napakabata pa nating lahat. Magte-trese anyos pa lamang! Wala pa siguro iyan sa isip ni Archelaus. Ano, Arc?"

Mas lumayo siya sa mga ito at pumikit. "Lubayan niyo na 'ko. Walang kakaiba sa aking mga mata maliban sa kulay. Katulad lang ito ng mga mata niyo."

Mas lumayo na siya sa mga ito dahil mas marami pang kamag-aral na babae ang nagsilapitan upang makitingin. Unang taon na nila sa sekondarya. Isang linggo pa lang nang makilala niya ang mga bagong kaklase subalit kung makalapit ang mga ito sa kanya ay parang kaibigan niya na ang mga ito?

At bakit ba pulos babae ang madalas na bumibisita sa upuan niya? Nasaan na ba sina Roy at Hakob?!

"Dumilat ka! Huwag kang mahiya sa amin!"

"Noong unang araw pa lang ng klase ay namamangha na kami sa iyong mga mata!"

Marahas na tumayo si Arc at dumilat. Napaatras sina Katarina at takot na napatingala sa kanya.

Nabubugnot na tinalikuran niya na ang mga ito. Lumabas siya ng silid-aralan at hinanap ang dalawa niyang kaibigan. Akala niya nama'y makakaidlip siya habang nasa pagpupulong ang mga guro. Iyon ang rason kaya't wala muna silang klase ng isang oras. Ngunit nilapitan agad siya ng mga babaeng kamag-aral at hustong pagpiyestahan ang kanyang mga mata!

There's nothing special about his eyes. He just came from a Greek descent that could explain its color!

Nagtatagis ang mga ngipin, nakasalubong niya ang dalawang kaibigan sa pasilyo. May bitbit na tinapay at palamig.

"O, Arc! Bakit nakasimangot ka?" nagtatakang tanong ni Roy.

"Ang mga babae nating kamag-aral, inabala ako sa dapat na pag-idlip. Bigla akong nilapitan dahil namamangha sa mga mata ko," naiinis niyang turan at saka inilahad ang kamay upang manghingi ng tinapay. Inabutan naman siya nito. Mabait talaga si Roy.

"Nilapitan ka na nga ng mga babae ay nabugnot ka pa?!" tawa ni Hakob. "Kung ako ang may mata ng katulad sa'yo ay nakipagtitigan na 'ko upang matunaw sila!"

Napangisi si Arc at kinagat ang tinapay. "Napakahilig mo."

"Sino bang lumapit sa 'yo? Iyong grupo nina Katarina?" tanong ni Roy.

"Oo."

Napasinghap si Hakob. "Tipo ko 'yong si Katarina! Sinasabi ko na nga ba! Kung may mata akong katulad sa 'yo, Archelaus, ay naakbayan ko na iyon! O kaya'y nahawakan pa ang kamay! Nobya ko na siguro iyon bago matapos ang araw!"

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon