Kabanata 10

19.7K 846 259
                                    

KABANATA 10

NAPAHINTO si Lass sa gitna ng pasilyo ng ospital. Napakurap siya at bumaba ang tingin sa kanyang dalang pagkain.

Napahigpit ang hawak niya roon nang mapagtantong ano pa ba ang kanyang ginagawa roon? Bumalik na ang mga tunay na alaala ni Arc. Hindi na marapat pang maghatid siya ng tanghalian para rito. Siguro'y nasanay ang katawan niya sa dating ginagawa kaya't mahirap nang baguhin o bumalik man lang sa dati...

"Lass?" wika ni Roy nang makasalubong siya. "Mabuti at narito ka. Pagkain ba iyang dala mo?"

"Ah, oo..."

"Para kay Arc? Mabuti naman!" Napatingin ito sa basket na kanyang bitbit. "Malakas ang pagtanggi niya sa pagkaing ibinibigay ng ospital kaya't buti may dala ka."

Napakurap siya. "H-Hindi pa siya kumakain?"

"Ang tigas ng ulo, ano? Siya lang ang pasyente rito na tila ayaw gumaling. Kahit may iniinda, hindi kumakain. Hindi rin nagpapahinga." Napailing-iling si Roy. "Nakikipag-usap pa siya sa iba't ibang espesyalista upang mas mapaliwanag pa ang amnesia niya."

Lihim siyang napabuntonghininga. Nais niya na sanang umatras kanina at umuwi na lang. Subalit nilulukob siya ngayon ng pag-aalala dahil base sa mga salita ni Roy, hindi inaalagaan ni Arc ang sarili nito...

Napahigpit ang hawak niya sa dalang basket. Kahit batid ni Lass na hindi gusto ni Arc na makita siya, mas tumitindi ang pagnanais niyang maibigay rito ang niluto niyang pagkain. Baka sakali... Baka sakaling...

"Nasa silid niya lang siya ngayon?" tanong niya kay Roy.

"Oo. Nandoon lang naman siya palagi." Napakunot-noo ito. "Bakit pala ngayon ka na lang muling nakabisita? Mag-iisang linggo na si Arc dito."

"N-Naging abala lamang ako," palusot niya. "At a-ayaw masyado ni Arc na bumibisita ako dahil—ahm..."

Tila batid na ni Roy ang kadugtong. Nakakaintinding tumango lang ito. "May pupuntahan pa 'kong mga pasyente. I'll see you around."

Pagkalampas sa kanya nito ay naisip ni Lass na katulad ni Hakob, alam din ni Roy ang totoo patungkol sa estado ng pagsasama nil ani Arc bago pa ma-aksidente ang asawa niya. Ngunit hindi nangialam si Roy. Hindi katulad ni Hakob na—

Napailing-iling na lang si Lass. Hakob should not be a threat anymore. Kung may sabihin man ito kay Arc, ano pa ba ang pinakamalalang magaganap? Nasasaktan na rin naman siya ngayon kaya't ano pang magiging pagkakaiba?

Pinilit niya ang sariling humakbang... Bawat hakbang katumbas ng ilang libong lakas ng loob para lang makarating siya sa silid na inookupa ng asawa.

Humugot siya nang malalim bago kumatok sa pinto.

"Tuloy."

Just one word from Archelaus Valleroso made her heart feel the familiar stabbing pain. Her hand was even shaking a little bit as she turned the doorknob to open.

The first thing she saw was his sharp-looking gray eyes. Hindi niya magawang salubungin iyon. The gentleness and adoration were all gone...

"Maayong udto," pagbati niya rito. Tahimik na nakaupo lang ito sa kama. May aklat na hawak sa kanang kamay. Siguro ay nagbabasa ito bago siya dumating.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig ang tanong. Initsa nito ang aklat sa katabing mesa.

"M-May dala akong tanghalian para s-sa 'yo... Si Manang ang nagluto... Tiyak akong magugustuhan mo." Kahit sa katunayan, siya ang nagluto niyon pero sa oras na malaman ni Arc ay baka hindi pa nito kainin ang pagkain.

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon