KABANATA 13
BUONG pakiwari ni Lass sa oras na makita niya si Arc—pagkatapos ng ilang buwang walang kahit anong komunikasyon, ay makararamdam pa rin siya ng kirot sa dibdib.
Hindi ba't ang isipin pa lang ito ay iyon na ang hatid sa kanya? Paano pa kaya kung makita na ulit ito nang harapan?
Subalit buong akala lang pala niya lahat ng iyon.
Mas ikinagulat niya pa ang kaalamang sinuntok ito ni Sancho sa kung anumang kadahilanang hindi niya pa rin alam, at nang magkamalay ito ay kailangang lapatan ng yelo ang pumutok na labi.
"Tss..." Arc hissed in pain.
"Ito na ang mga kailangan mo, Senyorito." Pumasok si Manang Rita bitbit ang ilang kagamitan upang malunasan ni Arc ang sarili nito.
"Maraming salamat, Manang."
Tumango si Manang Rita at umalis na muli. Kaya't naiwan na namang mag-isa sina Arc at Lass sa sala.
Napahawak siya sa bilugang tiyan at marahang hinaplos-haplos iyon. Wala na talaga siyang nararamdaman na kahit anong sakit. Wala...
Pinanood niya ang paggamot ni Arc sa pumutok nitong labi. Wala...
Walang maramdaman na kahit ano si Lass. In the back of her mind, maybe Arc deserved the punch for whatever reason. Masama na kaya siya dahil iniisip niya iyon?
However, Lass reprimanded Sancho earlier, too. She warned him to stay away from her own marital problems. Hindi lang kumibo si Sancho at tumahimik lang. Nang magkamalay na si Arc kanina ay inutusan niya itong sundan siya pauwi sa bahay. Kaya't nandito na sila ngayon.
"Sa palagay ko ay nais mong malaman kung bakit ako nandito," sabi ni Arc pagkatapos nitong malapatan ng lunas ang sarili. "Gayung nangako akong hindi kahit kailan bibisita hanggang sa makapanganak ka lang..." Napangiwi ito. Marahil ay masakit pa ang sugat.
"Huwag ka na munang masyadong magsalita." Malumanay ang boses ni Lass, ngunit may kalakip na tapang at tigas na hindi niya batid kung saan man galing.
Tumayo siya at niyuko ito. "Pag-aari mo ang bahay na 'to at may karapatan kang umuwi kung kailan mo man gustuhin. Siguro't galing ka sa mahabang biyahe kaya't magpahinga ka na muna. Sa susunod na lang tayo mag-usap."
Tumingala sa kanya ito. "K-Kumusta na ang pakiramdam mo? Hindi na ba bumalik pa ang pamumulikat?"
Umiling siya. "Maayos na 'ko. Salamat." Nabanggit ni Sancho nang mawalan si Lass ng malay kanina, ay nakasalubong daw nito si Mikel kasama si Arc. Although it's not Arc's specialty, he's still a doctor. So, Arc was able to tend her.
"Pagpasenyahan mo na rin pala ang kapitbahay natin sa kung anumang pinagtalunan niyo. Pakiusap ko'y hayaan mo na lang. Sancho still helped me and my child, so maybe you can excuse him for punching you."
Napakurap si Arc... at tumango. Sa mga mata nito'y malinaw na susunod ito sa lahat ng sasabihin niya.
Tumalikod na si Lass at pumasok ng kanyang silid. Tila may nagbago kay Arc, hindi niya mawari. Maliban sa mas nahulog ang timbang nito at humaba ang buhok na hanggang batok na, may kakaibang hatid ang presensiya nito ngayon.
Dr. Gottfried Archelaus Valleroso used to stand in might and confidence. His stance always tall and authoritative. Hindi ito madamot sa ngiti. But it was always reserved, calculated.
Arc always had the expression that his happy to serve his patients, yet he wouldn't bow down to anyone. His presence was always strong even if he's not doing anything before.
BINABASA MO ANG
Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)
RomanceAng mga babaeng Salamanca ay para lamang sa mga lalaking Valleroso. Sina Arc at Lass ay ikinasal dahil sa tradisyon ng kanilang mga pamilya. Sa una pa lamang ay minamahal na ni Lass ang binata. Subalit kabaliktaran ang damdamin ni Arc na naging pasa...