Kabanata 11

16.4K 810 365
                                    

KABANATA 11

MAGMULA nang lumisan si Lass ng Monte Amor ay mas nakasanayan niya na ang paggising bago pa sumikat ang araw. Sa kabila ng mas umuumbok pang tiyan, nagagawa niyang makabangon at makakilos ng maayos.

Lumabas siya ng silid pagkatapos makapaghilamos ng mukha at maitali ang buhok. Sa pagkaliwa niya ay kusina na ang bungad. Lumapit siya sa lababo, nagsalin ng tubig sa takuri, at saka iyon pinainitan sa kalan.

"Senyorita, ako na po!" prisinta ni Manang Rita na kapapasok pa lamang ng kusina mula sa likod ng bahay.

"Manang, araw-araw ko na itong ginagawa." Nakangiting paalala niya rito. "Madali lang naman pong mag-init ng tubig."

"Malaki na ang tiyan mo, Senyorita. Dapat ay hindi ka na masyado pang kumikilos."

"Ngunit, ayon sa mga doktor ay dapat nga pong gumagalaw ako para sa bata," sabay haplos niya sa anim na buwang tiyan.

Kaunti na lang at manganganak na siya. Bagaman matindi ang pangamba sa sakit ng panganganak, sabik na sabik din naman siyang makita, mayapos, at makasama ang magiging anak. Dahil sa kasabikang nararamdaman sa tuwing iniisip ang mga nalalapit na araw ng pagsilang ng sanggol ay kahit papaano, napawi ang tatlong buwang puno ng kalungkutan para kay Lass.

Tatlong buwan na wala sa Monte Amor, malayo mula sa mga magulang at kapatid... Ni hindi na siya nakadalo pa ng kasal ni Dalia.

Subalit ito na ang pinakatamang desisyon niya pagkatapos ng mga nangyari. Idagdag pang halos lahat ng malalapit sa kanya ay ito ang payo niyang gawin—ang lumayo at mamuhay muna sa ibang kapaligiran.

Malayo siya ngayon sa mga kontrobersya na kumalat sa buong Monte Amor matapos magkagulo sa ospital dahil kina Hakob, Roy, at... Arc.

Napakurap si Lass. Tatlong buwan na ang nakalipas nang dumating sila ni Manang Rita dito sa bayan ng Ubay sa Bohol. Ito ang naatasang sumama sa kanya at mag-alaga habang nagdadalang-tao siya. May dalawa pa silang nakasama ngayon doon—isang tagapagmaneho/taga-bantay at isa pang katulong sa bahay.

Tatlong buwan na silang naninirahan sa isang simpleng bahay na may malawak na hardin sa harapan. Pinuno iyon ni Lass ng mga inaalagaang bulaklak at iba pang halaman. Sapagkat wala naman siyang ibang pagkakaabalahan kundi iyon lang.

Tatlong buwang tahimik na pamumuhay. Other people could have trade everything just to get this peacefulness that Lass is having right now.

"Ako na lamang ang magsasalin nito pagkatapos uminit," sabi ni Manang Rita. Hinawakan siya sa magkabilang balikat nito at maingat na inilayo sa kalan. "Baka mabanlian ka pa at lagot ako sa senyorito."

Nanigas ang katawan ni Lass. Napalis ang munting ngiti na laging nasa mga labi.

Tatlong buwan... Tatlong buwan na wala si Arc. Malayo. Walang komunikasyon. Walang pagbisita.

Napasinghap si Manang Rita. "Patawad, senyorita! Hindi ko sinasadyang mabanggit..."

Mabilis siyang umiling at binalik ang munting ngiti. "Huwag kang mag-alala, Manang. Maayos kaming naghiwalay ni Archelaus, hindi po ba? Ibinigay ka pa nga niya sa'kin!" Nilakapan niya ng biro ang boses.

Manang Rita is the most trusted housekeeper in the Valleroso household. But after Lass decided to go away, Arc pleaded her to take the Valleroso's most loyal server with her.

Bahagyang napangiti ito. Ngunit kalakip sa mga mata ay panghihinayang. "Tunay at pinal na ba ang desisyon niyong mag-asawa? Hindi na magbabago pa bagama't may paparating na supling para sa inyong dalawa?"

Umupo si Lass nang mangalay na sa pagtayo. "I've been selfish and very desperate during our marriage, Manang. Saksi ka doon. At ayoko nang mas maging makasarili pa at gamitin ang bata para manatili lang sa asawa ko. Taasan man po kami ng kilay ng maraming tao, hindi ko na po iisipin. Lalo na at pumayag naman si Arc."

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon