Kabanata 5

14.1K 668 52
                                    

KABANATA 5

"HUWAG ka nang magdamit. Tatanggalin ko lang rin iyan mamaya."

Natawa si Lass. Katatapos niya pa lamang magbanlaw at naghahanap na siya nang maisusuot. "Ngunit kailangan muna nating maghapunan, Arc. Hindi ako puwedeng kumain nang nakahubo't hubad." Kauuwi pa lang nila mula sa pagtatampisaw sa batis ng Nayon Saba.

"Pagkatapos maghapunan ay maaari na?"

Nilingon niya ang asawa at para itong batang nag-aabang ng magandang sagot. Nakangiti na tila inosente habang nangingislap ang mga mata. "Nabitin ako sa batis, giliw ko. Hindi naman sigurong umasam na 'ko ngayon..." Tumayo ito at pinalibot pa ang mga braso sa kanyang baywang.

"Mamaya na, Arc. Kumain muna tayo."

"Ikaw ang nagsabi niyan. Pagkatapos maghapunan!"

"Para kang bata. Magtigil ka muna." Nagsuot na si Lass ng bestida.

"You forgot to put some underwear," ani Arc nang sinuot niya lang ang bestida at nagsimula nang magsuklay ng buhok.

Kanyang tinapunan ito ng isang maalam na ngiti. "Ayaw mo ba niyon?"

Nagbago ang ekspresyon nito. "Mas pinanggigil mo 'ko. Ganito ba tayo noon pa?" napakalawak ng pagngisi nito.

There was no fun before. "Siguro..." misteryoso niyang sagot kunwari. "We're trying hard to have a child, so we follow some medical advises while making love..."

Napakunot ang noo nito. "That sounds boring. And loveless."

It was boring. And loveless.

Nagkibit-balikat siya. "But that was our focus. To have a child."

Nagimbal ito sa sinabi niya at tila hindi pa nais maniwala. "We can enjoy while making one!" sumbat pa nito.

Lumabi siya at tinapos ang pagsusuklay. "Well..."

"Tell me, Lass..." Hinawakan nito ang kamay niya.

"W-What s-should I tell you?"

"Do we really just have sex to have a child? And not because we both wanted it?" seryosong-seryoso ang tono nito

"H-Hindi naman masama ang hangarin nating magka-anak lalo na at tatlong taon na tayong mag-asawa." Hinaplos niya ang buhok nito. "Huwag ka nang mabahala."

"Hindi ko mabatid kung anong klaseng pag-iisip ang mayroon ako sa mga taong nagdaan." Tumitig ito sa kanya. "It was like... I was selfish. H-Hindi ko maintindihan, Lass. Anong klase akong asawa, kung ganoon? Hindi pa kita napaligaya?!"

Nais mapahalakhak ni Lass sapagkat mukhang napakalaking problema pala iyong matuturing kay Archelaus Valleroso. Nakanganga pa ito.

"Huwag mo nang isipin. Basta... uh... m-mahal natin ang isa't isa."

Napabuntonghininga si Arc. Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. "Lass, mula ngayon, hindi mo na mararanasan ang walang sayang pakikipagtalik. Magkakaanak tayo habang masaya at hindi lang basta sumusunod sa mga..." Napailing ito. "Damn, what happened to my brain?"

Pigil na pigil ni Lass ang dila. Hindi naman siya ang tunay nitong pag-ibig. Maybe, when he was with Victorina, Arc was free. With Lass, Arc was subject to comply with the tradition.

May kung anong pumisil sa puso niya.

"Lass."

Tiningala niya ito. "Hmm?"

Ngumiti ito at kinintilan siya ng halik sa mga labi. "Buti at hindi mo 'ko iniwan kahit ganoon ako noon sa'yo."

Umiling siya. "Hindi ko naman kakayanin iyon. Iniibig kita, Arc."

Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon