KABANATA 12
MATULING binawi ni Lass ang kamay mula kay Sancho.
"Mawalang-galang na subalit hindi kita paniniwalaan." May kalakip na talim ang boses ni Lass. Kung saan iyon galing, hindi niya batid.
Ikiniling nito ang ulo sa kanan. "Magtatanong ka't hindi maniniwala sa kasagutan pagkatapos?" Ngumisi ito, puno ng kaaliwang nakatingin sa kanya.
Niyakap niya ang tiyan. "Lahat ng mga pagkain at prutas na iniiwan sa tapat ng bahay ay pulos mga paborito ko. Iyong mga pinaglilihian ko..."
"Oh? Ang mga ipinapadala kong pagkain ay iyong mga paborito ko rin. Kung ganoon ay parehas tayo ng panlasa."
Nanlaki ang kanyang mga mata. "Pinapaikot mo 'ko. Hindi kaya't isa kang huwad, Ginoong Delos Santos?"
"Ah, you have a face like an angel. You look like a very submissive kind of woman. Iyong bang sunod lang nang sunod sa asawa... At para sigurong isang aso na matiyagang naghihintay sa harap ng pinto para sa pagbalik ng kanyang amo."
"Anong ibig mong iparating?"
"But hearing you now say these words to a man you just met... aren't you a little... impolite and feisty, lovely Lass?" Subalit mas lumaki pa ang pagkakangisi nito na tila ba mas ikinaliligaya nito ang nakikita.
Napabuga siya ng hangin. Tila nga naging bastos ang pagtaas ng kanyang boses at pagtalas ng dila.
"Ipagpatawad mo," magpakumbaba niya namang wika. Nilambutan ang tinig. Hindi naman siya si Dalia, pero bakit nga para siyang tumapang kaysa sa normal niya?
"Pasensya na't mahirap lang paniwalaan na ikaw nga ang lihim na nagbibigay ng mga pagkain at prutas nitong nakalipas na buwan." Tinignan niya ito sa mga mata. "Ang itsura mo ay hindi iyong tipo na gagawa ng bagay na iyon para sa isang babaeng nagdadalang-tao na. Kung para sa dalaga mo ginagawa ay maniniwala pa 'ko."
Tumaas ang isang kilay nito. "Ang itsura ko...?"
"Sa palagay ko lamang ay hindi ikaw ang tipo ng lalaking... gagawa ng mga ganoong bagay dahil lamang nagagandahan ka sa isang babaeng may asawa na't magkaka-anak pa. Maliban na lang kung iyang paghanga mo ay inosente at hindi humihiling ng higit pa."
"Bakit sa pakiwari ko'y nahuhusgahan ako rito batay sa aking itsura?" Sancho quietly chuckled while brushing off his hair backwards.
"Hinusgahan mo rin ako kani-kanina lang. Palagay mo'y isa akong asawa na katulad sa isang aso dahil sa itsura ko."
"Wasn't that a compliment, though? Dogs are loyal. Aren't you loyal, Lass? Aren't you the type who will do everything just to please your man? Was that an insult to you?"
Sumagi sa isip niya ang imahe ni Arc. Bahagya siyang namula sa kaisipan na tama ang sapantaha ni Sancho patungkol sa kanya... She was a doormat wife.
Napapikit siya. Mukhang kanina niya pa napagsasalitaan ng hindi maganda ang lalaki. Siya yata ang mas nakakahiya sa ipinapakita niyang ugali.
"Patawad. Kalimutan mo ang mga sinabi ko, Ginoong Delos Santos--"
"Sancho."
"H-Huh?"
"Tawagin mo 'ko sa 'king pangalan. Sa tingin ko ay hindi nagkakalayo ang ating mga edad."
"S-Sancho..." Tumikhim siya. "Patawad muli. Hindi naging maganda ang asal ko sa bagong kakilala."
"Boring."
Napakunot ang kanyang noo. "Ano?"
"Now you sound boring. I like the way you talked earlier. You were more confident and stronger."
BINABASA MO ANG
Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)
RomanceAng mga babaeng Salamanca ay para lamang sa mga lalaking Valleroso. Sina Arc at Lass ay ikinasal dahil sa tradisyon ng kanilang mga pamilya. Sa una pa lamang ay minamahal na ni Lass ang binata. Subalit kabaliktaran ang damdamin ni Arc na naging pasa...