KABANATA 6
"ARC!" Humahangos na tumakbo si Lass upang salubungin ang asawa. Kanina niya pa inaabangan ang pag-uwi nito.
Hindi tuwid ang paglalakad nito at nakayuko. Hindi pa siya gaanong nakalapit nang maamoy ang alak...
Napahinto si Lass nang itinaas nito ang kamay. Isang senyales na ayaw nitong lumapit siya. "A-Arc..."
Nag-angat ito ng tingin at nakumpirma niyang kaagad na lasing nga ito.
"Arc, tutulungan kitang makaakyat sa silid..." Dahan-dahan siyang lumapit dito.
Arc stepped back and pointed at her. Ngumisi ito, matalim ang tingin nang pumupungay na mga mata. "Lahat ng tao ay iisa ang tingin sa'yo... Mabuti at mabait na asawa." He chuckled, sarcastically. "Little did they know that the sweet and kind Mrs. Lieselotte Alyx Valleroso is selfish... Selfish!"
Mabilis itong tumalikod at binasag ang plorera sa ibabaw ng mesa. Lumikha iyon nang napakalakas na ingay sa pagbagsak sa matigas na sahig.
Napatili si Lass at napatakip ng tainga. "A-Arc."
"Kahit ano pang bait ang ipakita mo... Kahit ako ang magmukhang masama sa pagsasamang ito, hinding-hindi mo maitatanggi ang pagiging makasarili mo, Lass!" duro sa kanya ni Arc.
Tears immediately flowed from her eyes. She cannot deny and defend herself. "I-I'm sorry, Arc..."
"Ilang beses akong nakiusap sa'yo noon na palayain mo ako sa tradisyon dahil si Victorina ang ibig kong pakasalan ngunit hindi ka kumibo! Ilang beses akong nakipag-usap sa mga magulang natin pero sa tuwing sa 'yo nila ibibigay ang huling desisyon, ayaw mo! Ayaw mo!" sigaw ni Arc. "Iniisip mo lang ang sarili mo! Kinulong mo ako sa napakawalang saysay na kasal na ito!"
"A-Arc, huminahon ka..." hikbi ni Lass. "Magigising sina Manang—"
"Ngayon nakatanaw lang ako sa malayo! Malayo kay Victorina!" Napahawak ito sa buhok at sinabunutan ang sarili. "Batid mo kung gaano kasakit na nasa kandungan siya ng ibang lalaki na dapat ay ako? Ha, Lass?! Naghihirap ang kalooban ko, nasasaktan ako... dahil sa 'yo! You are beyond selfish! Selfish!"
Kasabay nang pagdilat ni Lass ay ang pagbalikwas niya ng bangon. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Mabilis na mabilis ang pagtibok niyon bunga ng panaginip.
But that was not a dream. It was a memory from the past. Arc would always come home late in the first few months of their marriage. Subalit iyon ang unang beses na umuwi itong lasing. Hindi siya kinikibo ng asawa madalas. Kaya't nang pagsalitaan siya nito ay batid niyang matagal na nitong kinikimkim ang mga salitang iyon.
Speaking of Arc... wala ito sa kanyang tabi! Mabilis siyang bumangon. Bahagyang nataranta.
You're too paranoid, Lass. Iyan ang nangyayari sa asawang katulad mo...
Napabuga siya ng hangin at kinumutan ang sarili. Right, she's getting too paranoid! Hindi na maganda iyon. Siguradong nasa ibaba lang si Arc. Marahil ay nag-aagahan na kasabay ng kanyang mga magulang.
"Calm down, Lass. Calm down..." bulong niya sa sarili. "Batid mo ang mga puwedeng mangyari ngunit sumugal ka sa pagkakataong ito. Dapat ay masaya ka lamang, hindi ba? Hindi ka na malayo sa pag-ibig ni Arc..."
Huminga siya nang malalim at marahang pinakawalan iyon. Paulit-ulit.
Nang mas kalmado na ang puso't isipan ay tumuloy na siya sa palikuran para makaligo. After the bath, she wore a casual light green dress and went downstairs.
BINABASA MO ANG
Sa 'Yo Hanggang Huli (Valleroso #1)
RomanceAng mga babaeng Salamanca ay para lamang sa mga lalaking Valleroso. Sina Arc at Lass ay ikinasal dahil sa tradisyon ng kanilang mga pamilya. Sa una pa lamang ay minamahal na ni Lass ang binata. Subalit kabaliktaran ang damdamin ni Arc na naging pasa...