Chapter 20

2.7K 73 29
                                    

"Are you having a great night?"

The crowd cheered. Nahanap ko si Chlio sa table namin na malaki ang ngiti at pumapalakpak.

"Perhaps we can accept song requests from you now, can we?" Then I chuckled when the guys teased the crowd by plucking their guitars and banging the drums and cymbals.

Nasa bar kami ngayon para sa huling gig namin sa buwan na 'to. We're having a two-week break after this. Wala pang plano sila Justin, but Eros and I agreed to have a vacation in Southridge. Ewan ko lang kung sasama yung dalawa.

I went to Eros' platform to get my bottled water. Nakanguso niyang pinanood ang pag-inom ko ng tubig. I raised a brow at him.

"What?"

Justin's entertaining the crowd now. Naririnig kong marami nang nagrerequest ng kanta at tinutulungan siyang mamili ni Valentine.

"Let me sleep in your room later, Psyche." He argued. Napabuntong hininga ako. Kulit talaga nito!

"Babe, I told you I'll sleep with Chlio. Girls' night!"

But he just raised a brow. "So?"

"What 'so'? Girl ka ba?"

Tinapatan niya ang matalim kong titig bago umiwas at humalukipkip. "Let's all sleep in your room, then," tawad niya pa. Hindi ko alam kung matatawa ako sa pamimilit niya o ano.

Ngayon ko lang kasi nakasamang lumabas si Chlio. Thankfully, pinayagan siyang magsleep over sa bahay ko dahil gabing gabi na rin natatapos ang mga gig namin. She wanted to watch us perform so sinamantala na rin naming magkaroon ng girls' night. Kaso itong si Eros, mamamatay yata kapag 'di ako nakatabi ng isang gabi! Napakamapag-angkin! Nakatulog lang ng maraming beses sa kwarto ko ay ayaw nang bumalik sa rating tinutulugan.

"What, are you allergic to the guest room now?"

"Oo."

A laugh escaped my mouth and he immediately glared like he can't believe I'm not taking the matter seriously. I sighed, holding back the laugh that was escaping again.

"It's just one night, my love."

But he still didn't look convinced.

"I'll go to you in the morning."

Napanood ko ang mabilis na pagsulyap niya sa 'kin bago bumalik sa pagmamaktol. Parang hindi pa pabor sa kanya 'yon, ah!

"Morning lang?" Masungit niyang sabi na ikinatawa ko na talaga.

"Of course! Ano pa't meron kami ni Chlio ng girls' night kung nasa 'yo 'ko sa gabi!"

"Tagal pa 'yan?" Singit ni Valen nang lumapit sa 'min. Uminom din siya ng tubig at mukhang narinig pa ang huli kong sinabi. He grinned.

Nagulat na lang ako nang binuhat niya 'ko paakyat sa platform kaharap ang drums ni Eros. "Oh, kiss na. Tagal niyo."

"Gago ka talaga, Valentine!"

Tumatawa itong bumalik sa pwesto niya matapos kong hampasin sa braso. Nakisali siya agad sa pakikipagharutan ni Justin doon. Si Eros nama'y nangingiti na. Parang pabor pa sa kanya 'to, ah!

"You okay with the terms now?" Balik ko sa kaninang usapan.

"Tss," he surrendered. "Fine. Enjoy your girls' night and come back to me in the morning."

I chuckled and puckered my lips. "Oh, kiss na."

He glared, but he stood up anyway. We both bended over his drums to meet each other. Humawak pa siya sa high tom niya bago ako patakan ng tatlong mariing halik.

Goodbye Lullaby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon