Chapter 42

2.1K 52 21
                                    

Suppose you've gotta do what you've gotta do
We just weren't feeling how we wanted to
You sit and try sometimes
But you just can’t figure out what went wrong
-
Mad Sounds by Arctic Monkeys

***

That's how I ended up in the plane with Eros Oriordan the next day.

I had to rush and buy brand new swimsuits and beach clothes. While I was doing that, kinuha niya sila Gunther sa bahay at inuwi sa kanila. Hinayaan ko naman dahil gabi pa ang flight namin so I packed the whole afternoon.

I don't know what's happening but I really agreed to join the trip. It's like I stopped overthinking things. Ang alam ko lang, pumayag ako dahil sa totoo lang, gusto ko siyang makasama.

He fetched me in Abbey Road using his Audi again, then nagpadrive nalang kami papuntang airport para maiuwi ang sasakyan niya. He's wearing a dark green hoodie, black jeans, and sneakers. Ako naman ay nakaitim na T-shirt, medyo malaki iyon kaya pinasok ko ang unahan sa loob ng itim ding jeans. Nagsapatos lang ako at sumbrero. Pareho rin kaming nakamask.

Lumayo ako sa kanya nang makarating sa airport dahil kahit nakatago na ang mukha at nakasuot ang hood niya ay nakakaagaw pa rin siya ng atensyon. Wala naman siyang pake sa paglayo ko pero paminsan minsan akong nililingon na para bang naniniguradong nakasunod pa rin ako sa kanya.

Sa first class kami umupo nang makasakay na sa eroplano. Napanguso ako dahil pang-couple ang seat namin kasi nasa center aisle at may pintuan pa. Dito kami laging umuupo kapag nagtatravel noon.

There's a division between us, but he pushed it down kaya naging isa ang upuan namin. He closed the door and the window on his side before removing his mask. Sinara ko na rin tuloy ang pinto at bintana ko dahil binaba niya na ang hood ng jacket niya.

"Are you comfortable?" He asked after the plane took off.

I nodded. "Yes."

Mukhang tototohanin nga niya ang pahingang sinasabi dahil sa kabuuan ng byahe, may kanya kanya kaming mundo. He slept, while I just watched a movie. Gumising lang siya nung sinerve na ang pagkain namin.

"Aren't you sleepy?" He asked after seeing me watching my second movie. Nilipat niya ang broccoli sa plato ko at kinain ko naman.

"I'll sleep after this," sagot ko, napapangiti pa sa mukha ng gwapong actor.

"Kumain ka muna."

"Kumakain ako," sagot ko ulit nang 'di tinatanggal ang tingin sa screen.

I heard him sigh. Nauna siyang matapos kumain at maya't maya akong kinakalabit para sumubo sa food ko. I glared at him one time and he only raised a brow at me. Paano ba naman kasi, kinuha yung kamay ko't nilagay yung kutsara. Kakakain ko lang, gusto niya sumubo ulit ako!

In the end, I didn't finish my food because I was so focused at the movie. Mabilis lang naman akong mabusog kaya hindi ko rin mauubos yung pagkain kahit pa hindi ako distracted. Nang matapos yung movie ay natulog na ako. Eros was playing something in his phone when I drifted off.

But I woke up huddled in his arms an hour later. Nagcecellphone pa rin siya habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya't nakaikot ang isa niyang braso sa beywang ko. He was gently caressing my waist using his thumb. Hindi ko alam kung pa'no kami napunta sa pwestong iyon, pero parang ayaw kong kumawala.

For the first time, I felt secured again. Doon lang nagsink-in sa 'kin kung gaano ko namiss ang init ng mga yakap niya. It still feels comforting... he still feels like home.

Goodbye Lullaby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon