Epilogue: Part 3

2.1K 53 38
                                    

Suck it and see, you never know
Sit next to me before I go
Jigsaw women with horror movie shoes
Be cruel to me 'cause I am a fool for you
-
Suck It and See by Arctic Monkeys

***

The coffee ended there. Hindi ko alam pero pakiramdam ko iyon lang din ang sadya ni Chlio. Ang sabihan ako sa mga kailangan kong malaman.

Kaya naman nang magkita ulit kami ni Dionne, panatag na ako.

"Still not using the elevator, I see." I was smirking inside when we met at the fire exit in Dekada again. Last time, she asked me to stop smoking. I finally did. Like her words are the only fucking command that I needed.

Habang nakikita siyang iritadong humahalukipkip sa harap ko, alam ko na agad ang takbo ng isip niya. I don't know, but something changed between us. Kalmado na ako. Nababasa ko na ulit siya at dahil do'n, unti unti ko nang naaaral ulit ang mga pagbabago sa buhay niya.

"What are you doing here? You're smoking again?" She asked, her voice laced with warning. Dalawang beses niya na akong nahuling naninigarilyo rito sa fire exit. Paniguradong nakatatak na iyon sa isip niya sa tuwing nandito ako.

I bit my lower lip and showed her my hands. It amuses me that she's still serious.

"Where are you hiding the pack?"

What now, my love? You care about me again?

I chuckled. "Chill. I'm not smoking anymore."

"You're just saying that." Iritado pa rin. "Kapag umalis ako, do'n ka na maglalabas."

"Edi 'wag mo 'kong iwan," hamon ko.

Masyado yata akong masaya na hindi ko na ininda pa ang pagbaliwala niya ro'n.

Sinundan ko siya nang bumaba siya sa hagdanan ngunit biglang nagbago ang isip. I let her. I'm very much aware of the attention we're getting from the public and it would only cause a controversy if they see us together now. I've already figured out that she wants a private life. Kung ano na ang mga bagong gusto niya, iyon ang ibibigay ko.

"Do you still have a prior commitment somewhere this week?" I asked when I saw her still standing at the stairs to the second floor.

Her forehead creased. "No, I don't."

"Good."

Iniwan ko na.

I know she's confused, but through that, she'll think more about me. Sinadya ko rin na isang beses lang magpakita sa isang buwan. Well, I was busy with After Euphoria. Nagsimula na rin akong magtrabaho sa business ng pamilya. Bukod do'n ay nasanay na rin akong hindi siya nakikita nang matagal.

Pero hindi ibig sabihin no'n na 'di na ako tinatablan ng selos.

"Binati mo na ba?"

Umiling ako habang inaabala ang sarili sa pagbubuhat ng bass drum. Katatapos lang ng concert namin sa Cebu at saktong birthday ni Dionne. Sakto ring may show sila at sakto ring hinalikan siya ni Dezera ro'n.

Tangina talaga. Namumuro na 'yon, ah? Alam ko namang walang namamagitan sa kanila pero selos na selos pa rin ako.

Wala naman akong pakialam sa Dezera na 'yon. Bata. Hindi 'yon magugustuhan ni Dionne. Hindi 'yon pumapatol sa mas bata. Ako ang pinakamatagal na naging boyfriend no'n kaya ako lang ang tipo no'n.

"Tagal naming nag-usap kanina, dude. Why don't you message her now? Nagrereply naman." Valen bobbed his eyebrows up and down at me.

Tss. Wala nga akong number no'n! At hindi ko talaga babatiin 'yon sa text lang.

Goodbye Lullaby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon