I didn't know how I recovered from that. Ilang minuto akong natulala kung saan siya nawala sa paningin ko. My trembling knees gave up and I sat there for a while. My chest was heaving and my mind was about to blow with all the information I acquired.
I saw the texter from the CCTV footage. I figured she could be one of the media or fans. Then the things I received weren't actually from Eros. And he still hasn't moved on from me.
Pero paano iyon? May kausap siya sa telepono at sinabihan niya pa ng 'I love you'. Niloloko niya lang ba ako? Gumaganti ba siya? But Eros is too unbothered for revenge. Iyon ang personality niya.
Litong lito sa lahat ng nangyari ay nahanap ko ang sariling makikipagkita kay Chlio. Hindi na ako nag-abala pang inspeksyunin ang mga padala sa bahay na hindi pala galing kay Eros. Since hindi na ako nakatira ro'n, ang guard sa village ang tumatanggap ng mga padala at tatawagan lang ako para ipakuha. Ayoko nang pumunta para tanungin ang guard tungkol do'n dahil ang alam niya rin, galing kay Eros lahat ng 'yon.
Sayang oras.
"What happened?" Chlio stopped removing her coat when we entered her room. Hinintay ko siyang matapos sa trabaho at sabay kaming umuwi sa kanila. Nasundo ko na rin sila Bullet mula sa daycare at pansamantala niyang pinabantayan sa isa nilang kasambahay.
I sighed as I sat on the sofa. Tumabi naman siya sa 'kin matapos ilapag ang bag niya sa gilid. Hinintay ko munang matapos sa paglalapag ng inumin ang kasambahay nila bago ko pinagpatuloy ang kwento.
"Hindi ko naman sinasadyang makita siya ro'n. Nag-away kami tapos..." I bit my lower lip. I still couldn't believe it.
"Tapos?" Dugtong niya.
"He said he wishes he'd moved on..."
Chlio's jaw dropped. Sa ikli ng buhok at liit ng mukha niya ay mataba pa rin ang pisngi. "Really? Inamin niya?"
I nodded.
Napasinghap siya at tuluyan nang hinubad ang kulay beige na coat at tinabi. Binigay niya sa 'kin ang buong atensyon na para bang isang mahalagang anunsyo ang sinasabi ko.
Nagtampo si Chlio sa 'kin nung bigla akong lumipat ng bahay. Kinausap ko rin naman siya matapos kong magpahinga ng ilang araw. Hindi siya mahirap paliwanagan dahil maintindihin siya. She immediately understood that I needed to get away. Sinuportahan niya rin naman ako at tanging siya lang ang hinahayaan kong bumisita sa inuupahan kong bahay.
"What did you reply to that, then?" She asked.
Napabuntong hininga ako at nag-init ang dibdib nang maalala na naman ang nangyari.
"Wala."
"Huh?"
"Wala, kasi umalis agad siya."
"What..." napangiwi siya at kagaya ko ay bumagsak ang balikat.
I've never told her about my still perfectly intact love for Eros. But I know she knows it by now. Ni minsan hindi ako nagkwento o nanghingi ng balita tungkol sa ex ko. Siya itong nagkukusa ngunit lagi kong tinatanggihang marinig.
Kaya siguro nang mabanggit kong tungkol kay Eros ang problema ko, binitawan niya ang dapat na pagbisita kay Parker para lang marinig ako.
"Hindi mo ba sinubukang habulin?" Tanong niya matapos ang ilang sandali.
Napaiwas ako ng tingin. Paano ko gagawin 'yon kung naestatwa ako sa gulat? I chuckled as I shook my head. Kinuha ko ang bote ng beer sa center table at uminom do'n.
Chlio sighed. Kinuha niya rin ang juice para inumin. Ayaw niya pa rin sa lasa ng alak kaya iyon ang pinahanda niya para sa kanya.
"Then what's your plan? I mean... hindi pa pala siya nakakamove-on..."
BINABASA MO ANG
Goodbye Lullaby (COMPLETED)
RomanceAfter Euphoria Series #1: Goodbye Lullaby If we're gonna list down all the things that Dionne Villegas hates, broken promises would be on top of the list. She hates it when people disregard the value of their words that's why she always sticks to he...