Kabanata VIII: Archie

305 13 0
                                    

Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpapa-unawa kay Tyra tungkol sa bagay na nakaraan na sa aming dalawa ni Kayleigh. Ilang araw na ang nakalipas, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Tyra. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita na dalawa.

Mali ba talaga na hindi ko iyon sinabi kay Tyra kahit matagal na kaming tapos ni Kayleigh? Kahit matagal ng wala ang aming relasyon na dalawa? Pero, ano namang mangyayari kung sasabihin ko kay Tyra ang nakalipas na? May mababago ba? May mangyayari ba?

Napukaw na lamang ang aking pag-iisip ng biglang magsalita si Miko sa aking tabi. Napatingin naman ako sa kaniya at napa-inom sa alak na aking hawak. “Mukhang malalim ang iniisp mo, Archie, ha? Doon pa rin ba iyon?” Tanong nito sa akin.

Napatango naman ako rito bilang pagsang-ayon sa naging tanong niya sa akin. “ Oo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Tyra. Hindi ko nga alam kung bakit ganun na lamang ang galit niya sa akin,” Ani ko sa kaniya.

Bigla namang sumingit sa usapan ang isa ko pang kaibigan na si Chester. Tumigil ito sa pakikipaghalikan sa babaeng katabi bago ito nagsalita. “Pare, hayaan mo muna si Tyra. Let her realize na mali ang ginawa niyang iyon sa ‘yo. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, tayong mga lalaki ang susuyo sa kanila. Kapag inaatake na sila ng mga toyo nila.”

Sa sinabing iyon sa akin ni Chester, napayuko ako at kinuha ko ang basong hawak ko kanina na inilapag ko sa mesa. Habang nag-iisip ako, hindi ko maiwasan na paikutin ang baso sa aking kamay. Paano ko ba susuyuin si Tyra? Paano ko ba ipaliliwanag at ipaiintindi na matagal na kaming wala ni Kayleigh.

“Par, Archie, tama si Chester. Siguro, bigyan ninyo muna ang isa’t isa ng espasyo. Nang sa ganun, ay parehas ninyong maisip ang mali ng bawat isa. Tsaka, masyado kayong mainit, palamigin mo muna ang ulo ng nobya mo, bago kayo mag-usap na dalawa.” Saad nito sa akin.

“Ngunit, ilang araw na kaming hindi nagkikita na dalawa. Ilang araw na rin kaming hindi nagkaka-usap. Para na akong napa-praning sa kakaisip sa kaniya, kung ayos lang ba siya? Kung kumain na ba siya? Ni kahit isang message or call man lang, wala akong natatanggap mula sa kaniya.”

“Kaya nga. Palamigin ninyo nga muna ang bawat isa. Masyado kayong nagpapadala sa mga emosyon ninyo. Kung puro ganito ang patatakbuhin ninyong dalawa sa relasyon ninyo. Sa palagay mo ba, magtatagal kayo? Magtatagal ang relasyon ninyo?” Sa sinabing iyon sa akin ni Miko, para akong sinampal dahil nagising ako sa reyalidad na hindi ko nakikita.

“I’m agree with him, Archie. Give her some space. You also give yourself a break. Huwag ninyong gawing komplikado ang mga bagay-bagay. Huwag ninyong gawing toxic ang relasyong binubuo ninyo. Learn how to lower down each other’s pride and ego as well.” Saad sa akin ni Chester.

Napatango na lamang ako sa mga paalalang ibinigay sa akin nina Miko at Chester. Muli kong itinuon ang aking sarili sa paglagok ng alak. Gusto kong maglasing. Gusto kong makalimutan ng panandalian si Tyra. Gusto kong kalimutan muna kung ano ang nangyayari sa aming dalawa. Gusto kong magpalukob sa alak ngayong gabi.

Nang madapo ang aking tingin sa kaibigan kong si Chester, masaya itong nakikipagkuwentuhan sa babaeng nagtatrabaho rito sa Bahay-Aliwan. Hindi rin nakaligtas sa akin ang paminsang paghalos ni Chester sa katawan ng babaeng katabi nito. Sa ginagawang iyon ni Chester, nakikita ko na nagugustuhan naman iyon ng babae.

Habang ang isang kaibigan ko naman na si Miko, tahimik itong nakikipag-usap sa lalaking katabi niya. Alam ko kung ano ang pagkataong mayroon ang kaibigan kong ito. Isa siyang silahis, ngunit bilang kaibigan niya. Maluwag ko siyang tinanggap dahil parang kapatid na ang aming turingan na tatlo.

Habang ang aking mga kaibigan ay nagkakasiyahan sa kanilang mga kausap. Samantalang ako, ay iniisip kung paano makikipag-ayos kay Tyra. Muli akong napahinga ng malalim. Tila, nauubusan na ako ng paraan upang maayos ko pa itong problema kong ito.

Napa-iling na lamang ako sa mga naiisip kong bagay. Nang mainip ako, inilibot ko ang aking tingin sa mga taong narito. Ang Bahay-Aliwan na ito, ay isang tradisyonal na bar. Ngunit, mayroon pa rin silang mga kliyente. Nadapo naman ang aking tingin sa mga kalalakihang nagsasayawan sa entablado.

Habang pinagmamasdan ko ang mga iyon, hindi ko maiwasang mapahanga sa ganda at halos perpektong hugis ng kanilang mga katawan. Hindi ko rin naiwasan na pagkumparahin ko ang aking katawan sa kanilang mga katawan. Walang duda kung bakit tinitilian sila ng mga kababaihan at kabaklaan sa lugar na ito. Marahil, ay bukod sa magaling silang magsayaw. Magaling rin siguro sila sa pag-indayog sa ibabaw ng papag, kaya ganun na lamang ang hiyaw na kanilang nakukuha sa mga taong naririto.

Napahinto naman kami sa aming mga ginagawa ng may isang tao ang biglang nagsalita sa aming harapan. Marahan ko itong tinignan. Marahil ang taong ito ang siyang may-ari sa Bahay-Aliwan na ito. “Magandang gabi sa inyo. Nagustuhan po ba ninyo ang aming mga alak at mga callboys/girls?” Tanong nito sa amin.

Nagulat naman ako ng biglang magtaas ng kamay si Chester upang sagutin ang tanong ng lalaking nakatayo sa aming harapan. “So far, maayos naman sila. Nakakatuwa nga, dahil ang ganda ng lumapit sa akin. May magandang hubog rin ng pangangatawan at may makinis na balat.” Narinig ko namang napatawa ang lalaking iyon sa naging sagot sa kaniya ni Chester.

“He’s right. Kahit na tradisyunal ang aliwan na ito. Hindi rin maipagkakaila na nahuhuli pa rin ninyo ng lasa ng masa. Naroon pa rin ang kiliti na siyang magpapabalik sa mga taong naririto,” napatango naman ang lalaking iyon sa naging tinuran ng kaibigan kong si Miko.

Nanlaki ang aking mga mata ng sa akin naman ito tumingin. Dahil sa pagkabigla ko, hindi ko alam kung paano ako gagawa ng salita upang makapagbigay ng magandang kumento ukol sa serbisyo ng mga tauhan niya. “Yeah. I’m agree with them. Nakakatuwa dahil maraming tao ang naririto. Ito ang unang beses naming magpunta sa lugar na ito…” huminto ako sa aking pagsasalita. Hindi ko alam, ngunit may nakita akong isang lalaki na hindi pamilyar sa akin. Ngunit, nakuha nito ang aking atensyon. “…bihira na lamang ang makakapagpanatili sa ganitong klase ng lugar. Kaya naman, thumbs up ito sa akin.” Pagpapatuloy ko.

“Kung ganun, maraming salamat sa mga positibong komento ninyo tungkol sa aming serbisyo sa Bahay-Aliwan,” nakangiti nitong pagsasalita sa amin. “Kung gusto ninyo, maroon kaming mga rental na kuwarto. Nais ninyo bang magkaroon ng mga sariling pribadong pag-uusap?” Bigla nitong pag-aalok sa amin.

Hindi ko naisip na may ganito rin silang inaalok bukod sa serbisyong alam namin. Sabay namang pumayag sina Chester at Miko sa alok na ‘yon ng may-ari. “Ikaw, Mister? Ayaw mo ba? Maraming mga babae rito ang naghahanap ng kanilang mga kliyente?” Ani nito sa akin.

“Par, sunod ka na lamang sa amin, kung payag ka na at kung may nakuha ka na. ‘Wag kang mag-alala, hindi namin ito sasabihin kay Tyra. Magiging sikreto natin ito.” Matapos magsalita ni Chester, sabay na tumayo silang dalawa kasama ang kanilang mga kausap kanina. Sumunod naman sila sa may-ari nitong Bahay-Aliwan upang dalhin sila sa mga silid na kaniyang sinasabi sa amin.

Tuluyan ng nawala sina Miko at Chester sa aking paningin. Kaya naman, inabala ko na lamang ang aking sarili sa pag-inom ng alak. Habang inililibot ko ang aking paningin, muli kong nakita ang lalaking kanina ko pa hinahanap. Nang makita ko ulit ito, magmadali akong tumayo upang puntahan ito sa kaniyang puwesto.

Agad akong naglakad upang puntahan ang taong iyon. Ngunit, kung mamalasin ka nga naman. Dahil sa pagmamadali ko, hindi ko alam na may nabangga na pala ako babae. “What the heck?! Tumitingin ka ba sa dinaraanan mo?!” Galit nitong pagsasalita.

Napayuko naman ako dahil sa nangyari. Wala namang may gusto sa nangyaring iyon. Sadyang hindi lang talaga siya tumitingin sa dinaraanan niya. “Pasensya na, Ms. Hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi—” Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng muli kong nakita ang taong naging dahilan ng pag-aaway namin ni Tyra.

At, sa dami ng lugar na magkikita pa kami, ay dito pa talaga sa lugar na ito. “Archie? Is that really you? Oh? Shit! Am so sorry for shouting you. Hindi ko alam na ikaw pala iyan.” Natataranta nitong pagsasalita sa akin. Agad kong kinuha ang panyong hawak niya at pinagpatuloy ko ang pagpunas sa basa niyang damit.

Medyo malakas rin ang bungguan naming dalawa na siyang naging dahilan upang tumapon sa kaniyang damit ang hawak-hawak niyang baso na may lamang alak. “Anong ginagawa mo rito? Tsaka sino ang kasama mong nagpunta rito?” Sunod-sunod nitong pagtatanong sa akin.

“Wala ako lamang. Gusto ko lang na magpalamig, dahil sobra na akong naiinitan.” Maikling kong sagot rito habang patuloy ako sa ginagawa kong pagpunan sa basa niyang damit.

“Alam ba ng nobya mo na narito ka sa ganitong klase ng lugar?” Umiling ako rito bilang pagsagot ko sa kaniya. Napahinto naman ako sa ginagawa kong pagpunas ng bigla nitong hawakan ang aking kamay. “Archie, can we still be together once again?” Pagsasalita nito.

Napakunot-noo naman ako sa pagtatanong niyang iyon sa akin. “What do you mean? May girlfriend na ako. Hindi na puwede, matagal na rin tayong tapos na dalawa.” Matapos kong magsalita ay inilapag ko na ang panyo niya sa mesang nasa aming tabi.

Nagsimula na akong maglakad palayo sa kaniya. Nang bigla kong narinig itong nagsalita. At sa mga sinabi niyang iyon, tila ginawa niya iyong panakot sa akin. “Sasabihin ko kay Tyra, na narito ka sa Bahay-Aliwan. Nagpapakasaya, nagpapakalunod sa mga babae. Habang siya, nagmumukmok dahil sa away ninyo.” Nanunuya nitong pagsasalita.

Napatigil naman ako sa ginagawa kong paglalakad. “Ano bang gusto mo, Kayleigh? Ang pumayag sa gusto mong mangyari? Hindi na! Matagal na tayong wala.” Hindi ako nakagalaw ng bigla akong siilin nito ng halik. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa bilis nitong paghalik sa aking labi.

Nang matapos ito sa kaniyang ginawa, agad akong hinila nito. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Kaya naman, nagpaubaya na lamang ako. Marahil ay dala na rin ng tama ng alak sa aking katawan kaya pumayag na lamang ako sa gusto niyang mangyari.

Tumigil kaming dalawa sa isang kuwarto at agad akong ipinasok roon ni Kayleigh. Nang tuluyan kaming nakapasok na dalawa, agad niyang isinarado ang pinto. Matapos iyon, ay muli ako nitong siniil ng agresibong halik na siya namang sinagot ko. “Please, Archie? Kahit ngayon lamang. Sobra akong nananabik sa ‘yong mga bisig, ganun rin sa ‘yong mga yakap at maiinit mong mga halik.”

Hindi na ako nagsalita pa. Marahas akong itinulak ni Kayleigh sa papag na naririto.  Isa-isa niyang inaalis ang aking saplot at nang matapos siya sa akin, ay isinunod niya naman ang kaniya. Matapos ang ilang minuto, muli naming pinagsaluhan ang labi ng bawat isa.

Muli ko rin naramdaman ang nagsisimulang pagkabuhay ng aking alaga na ngayon ay pinaglalaruan na ni Kayleigh. Hindi na ako nagpumiglas o nanlaban sa kaniya. Ibinigay ko sa kaniya ang buo kong katawan sa gabing ito. “Gawin mo ang gusto mong gawin sa katawan ko. Nais ko rin matikman ang unang putaheng nakain ko noon.”

Matapos kong magsalita, marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Sa mga sandaling ito, hinayaan ko na lamang si Kayleigh na pagsawaan ang aking katawan. Hindi ko rin maitatanggi na nagugustuhan ko ang bawat halpos at halik na ginagawa sa akin ni Kayleigh, na hindi ko nararamdaman kay Tyra sa tuwing nagtatalik kami.

Dala na rin siguro ng alak, hindi ko namalayan na nagsisimula na pala akong angkinin ang katawan ni Kayleigh. At habang nakahiga ako, tanging siya na lamang ang nagtatrabaho sa aming dalawa. Nananatili pa rin akong nakapikit at nilalasap ang mala-langit na pagpapaligaya sa akin ni Kayleigh. Hinayaan ko na lamang si Kayleigh sa gusto niyang gawin sa akin. Hanggang sa hindi ko namalayan na tuluyan na akong nalukob ni Kayleigh.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon