“Sinabi niya ang bagay na iyon sa ‘yo, Archie? Seriously?!” Inis na tanong sa akin ni Miko. Tanging pagtango lamang ang naging sagot ko sa kaniyang tanong sa akin. Hindi ko maiwasang maikuyom ang aking kamao dahil sa ginawang iyon sa akin ni Tyra.
Ilang araw pa lamang kaming hindi nagkausap na dalawa, nakahanap agad siya ng kapalit ko. Ganun na lamang ba ako kadaling palitan? Minahal ba ako talaga ni Tyra? Bakit parang ganun na lamang kadali para sa kaniya na hindi ayusin ang aming relasyon at mas piliin na lamang ang tapusin ito.
Habang malalim ang aking iniisip. Agad ko na lamang naramdaman ang marahan na paghagod sa aking likod ni Chester. “Archie, kung ganun ang gusto ni Tyra. Let her be. Kung saan siya masaya, give it to her what she wanted. At least, you did your part and best as her boyfriend.” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita at muli kong naramdaman ang kaniyang paghagod sa aking likod. “Wala kang dapat na pagsisihan sa napiling desisyon na iyon ni Tyra.” Pagpapatuloy nito.
“Ano ba kasing nagyari? I mean, ‘yong napag-usapan ninyong dalawa. Ikuwento mo naman kasi sa amin, Archie.” Napatingin naman ako kay Miko at isang tango na lamang ang aking ginawa bilang sagot sa kaniya.Sa mga sandaling ito, kakaibang kabog ng dibdib ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat na maramdaman ko. Hindi ko ring maiwasang mainis at magselos dahil sa ginawang ito sa akin ni Tyra.
“Tyra, bakit? Bakit mo ito ginawa sa akin? ‘Di ba sabi ko, pag-usapan natin ito? Hindi ko sinabing tapusin natin ang relasyon natin. Tyra, mahal na mahal kita.” Hindi ko na naiwasang pigilan pa ang aking mga luha sa pagtulo ng mga iyon.
Wala sa aking loob na napaluhod ako sa lapag at marahan kong inakap ang tuhod ni Tyra. “Mahal? Nagawa mong magsinungaling sa akin, Archie. Tapos sasabihin mo, mahal mo ako? Ano ito? Gaguhan?” Nanuniyang balik na tanong sa akin ni Tyra.
Habang yakap ko ang kaniyang binti. Nagsimula na ring siyang alisin ang aking mga brasong nakayakap sa kaniyang binti. Sinubukan kong huwag magpatalo sa kaniya. Ngunit ang lalaking kasama niya ang siyang nag-alis sa akin kay Tyra.
“Hindi ka ba marunong umintindi? Ang sabi niya, ayaw niya na sa ‘yo. Bingi ka ba? O, baka hindi mo lang matanggap na may mahal na siyang iba?” Agad na nag-init ang aking ulo ng marinig kong magsalita ang lalaking kasama ngayon ni Tyra.
At dahil sa aking narinig, nagmadali akong tumayo at agad na sinapak ang mukha ng lalaki. Nang akmang gaganti ang lalaki sa akin, agad na humarang sa aming gitna si Tyra upang pigilan kaming dalawa. “Sam, huwag mo nang patulan pa si Archie. Unti-unti rin niyang matatanggap na wala na kami.” Habang sinasabi iyon sa akin ni Tyra. Ay maingat niyang tinulungan ang lalaki na tumayo at wala man lang pasabi na siniil niya ito ng halik sa aking harapan.
“Bakit mo ginagawa ito sa akin, Tyra?” Wala sa aking loob na muli kong itanong ang bagay na ito sa kaniya. “Simple lang. Dahil nagawa mong lokohin ang tulad ko. Ayoko na, Archie. Pumayag ka na lamang na maghiwalay tayong dalawa. Narito na si Sam sa buhay ko at hindi ko na kailangan pa ang tulad mo sa buhay ko.” Sagot niya.
Habang patuloy sa pagdaloy ang aking luha mula sa aking mga mata. Tanging pag-iling lamang ang aking ginagawa, pinapaniwala ko ang sarili ko na hindi ito totoo. Na hindi ito magagawa sa akin ni Tyra. Ngunit, mas lalo akong nanlumo ng sabihin ni Tyra ang bagay na iyon sa akin. Sa sinabi niyang iyon, napaluhod na lamang ako dahil pakiramdam ko ay parang minaliit niya ang aking pagkalalaki.
“Archie, accept it. Wala na tayong pag-asang maging tayong muli. Isa pa, sobra akong napapaligay ni Sam na hindi mo kayang gawin sa akin. Pakiramdam ko nga, sa bawat haplos na ginagawa niya sa akin. Lagpas langit pa ang nararating ko. Ngunit, sa ‘yo, walang-wala ka kay Sam.”
“Ano, Archie? Si Tyra na ang nagsabi na mas magaling at mas masarap ako sa ‘yo, hindi lang sa pagmamahal—kundi sa pagpapaligaya rin. Ngayon, mas magagawa ko nang alisin at burahin ka sa isipan ni Tyra dahil ako na ngayon ang mahal niya. Ako na ngayon ang nagpapaligaya sa kaniya.”
Napayuko na lamang ako habang patuloy silang dalawa sa pagsasabi ng mga bagay na hindi ko man lang nagawa kay Tyra noon. At sa bawat salitang kanilang binabanggit, tila pakiramdam ko ay unti-unting bumababa ang aking pagkalalaki sa kanilang harapan. Pakiramdam ko ay nanliit ako sa kanilang dalawa.
“Pare, dapat tinawag mo kami. Para man lang mabugbog namin ang Sam na ‘yon. Gago ‘yon, ikaw pa ang binangga. Hanep!” Ramdam ko ang inis at galit ni Miko sa mga salitang kaniyang binitawan sa akin. At base sa mga galaw niya ngayon sa aking harapan, alam ko na hindi siya kakalma hangga’t hindi niya ako naigaganti aa taong iyon.
Nakita ko namang nilapitan ni Chester si Miko. “Miko, calm down. Hindi tayo nakakatulong sa problema ni Archie, kung pati tayo ay nadadala rin ng emosyon. Please, huminahon ka, okay?” Pakiusap ni Chester sa aming kaibigan na si Miko. Tanging pagtango na lamang ang kaniyang isinagot sa amin bilang tugon. “Tara na nga. At baka mahuli pa tayo sa klase natin.”
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kina Miko at Chester. Habang tinutunton namin ang aming klase, iniisip ko pa rin kung ano itong nangyari sa aming dalawa ni Tyra. At kung bakit kami humantong sa ganitong estado ng aming relasyon. Ni hindi ko naisip na mararanasan ko itong muli.
Matapos ang ilang minutong paglalakad, narating na namin ang aming klase. Habang papalapit kami sa aming silid-aralan, dalawang imahe ng tao ang siyang bumungad sa aming tatlo. Agad naman kaming napahinto sa aming paglalakad at nagkatinginan kaming dalawa.
Dahil sa aming ginawa, bahagya naming nakuha ang atensyon ni Tyra at Sam. Agad naman kaming tinignan ng dalawa. “Hi, Chester and Miko!” Bati nito sa aking mga kaibigan sa sinamahan niya ng may pekeng ngiti.
Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang naglakad si Miko papunta sa lugar kung saan nakatayo sina Sam at Tyra. At nang magkatapat na silang tatlo, agad naming narinig ang sinabing iyon ni Miko sa kaniya, “’Huwag ka nang ngumiti. Nakikita namin ang nakakasuka mong ugali. Oo nga pala, maganda ka. Pero para sa akin, isa kang malanding babae.”
Matapos sabihin iyon ni Miko kay Tyra. Ay agad na rin itong nagpatuloy sa kaniyang paglalakad. Nagtanguan na lamang kaming dalawa ni Chester upang sundan si Miko sa loob. Ngunit, noong hahakbang pa lamang kami. Ay agad naming narinig na nagsalita si Tyra. “Pagsabihan ninyo si Miko. Baka kasi nakakalimutan niya na babae ako.”
“Hindi namin hawal ang bibig ng aming kaibigan. Miko has the right to say anything without our permission. But then, I think it suits you well.” Prangkang sagot ni Chester kay Tyra. Nang magtama ang aming mga mata ni Tyra, tanging pagtaas lamang ng kilay ang kaniyang ginawa sa akin.
Habang ako, ay tanging pagtitig lamang ang aking ginawa. Matapos ang tagpong iyon, ay nagpatuloy na lamang kami sa aming pagpasok sa silid ni Chester. Lumipas pa ang ilang oras ng aming klase. At ngayon ay natapos na ang aming unang subject. Habang inaayos ko ang aking gamit, isang ballpen naman ang nahulog mula sa aking harapan. Agad ko namang iyong kukunin at ibibigay sa may ari ng bigla na lamang may isang kamay ang kumuha.
Dahil doon, nagtama ang aming mga kamay. At nang magtama ang aming mga mata, pakiramdam ko ay parang pamilyar ang naging tagpo naming dalawa. Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang bakita at nakausap, ngunit hindi ko lamang alam kung saan at kailan.
Agad kong kinuha ang ballpen mula sa lapag at marahang inabot iyon sa lalaking nasa aking harapan. “Pasensya ka na. Naistorbo pa kita.” Nahihiya nitong pagsasalita sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang pagsasalita sa akin.
“Wala iyon. Parang pinulot ko lamang ang ballpen mo. Pasensya ka na rin.” Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaabot sa kaniya ang nahulog niyang ballpen. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Pero, sobrang gaan ng loob ko sa kaniya. “Archie nga pala.” Pagsasalita ko.
At inilagad ko ang aking kamay sa kaniya upang makipagkilala sa kaniya. “Arthur naman ang pangalan ko.” Sabay abot nito sa kaniyang palad sa akin. Habang magkahawak kami ng kamay, tila may naramdaman akong kakaibang kuryenteng dumaloy sa aking kamay.
Habang patuloy kaming magkahawak-kamay ni Arthur, ramdam ko sa kaniyang kamay ang isang masipag at pursigidong tao siya. “Sige, mauuna na ako. May gagawin pa kasi ako sa trabaho ko. Kaya mauna na ako, ha? Salamat ulit.” Hindi na niya hinintay pa ang aking sasabihin ng agad itong umalis kasama ang mga kaibigan niyang sina Melody at Lewis.
Nang hindi ko na matanaw sina Arthur at ang kaniyang mga kaibigan. Agad kong isinukbit ang aking bag sa balikat ko. At akmang maglalakad na sana ako ng may isang boses akong naring na nagmula sa aking likuran. Hindi ko na nilingon ang taong iyon dahil sa kaniyang boses, alam at kilalang-kilala ko na siya.
“So, kahit alam mo nang naiinis ako sa taong ‘yon. Nagawa mo pa ring makipag-usap sa kaniya? And to my surprised, nagkamayan pa kayong dalawa.” Humarap ako sa kaniya at kasama niyang muli ang lalaking ipinalit niya sa akin, si Sam.
Napahinga na lamang ako ng malalim. At bago ako nagsalita, tinignan ko muna si Tyra mula ulo hanggang paa. “Wala naman sigurong masama kung makipag-usap ako sa kahit na sino. Since, we’re both fine now. I think, oras na para gumawa ako ng mga bagong kaibigan.” Saad ko.
“Hindi mo puwedeng gawin ang bagay na iyon, Archie? Bakit? Dahil hindi ka marunong makipagkapwa tao. Ni hindi mo nga alam kung ano ang pangalan ng mga kakl—” Agad kong pinutol ang kaniyang pagsasalita ng bigla akong nagsalita.
“Dahil sa ‘yo kung bakit ako naging ganun. Ang tanga ko nga, e. Kasi hinayaan ko ang tulad mo na kontrolin ako at ang buhay ko. Pero, ngayong tapos na tayo. Puwede ko nang gawin ang lahat ng naisin ko.” Saad ko.
Sa mga tinging iyon ni Tyra sa akin, alam ko na ayaw niyang alisin ang mga bagay na ginawa niya sa akin. Pero, tama ang mga kaibigan ko. Naging sunod-sunuran ako sa kaniya. Naging tau-tauhan ng isang babae. Kaya ngayon, wala na siyang pakialam sa akin at ganun rin ako sa kaniya.
“Kapag ba binalikan kita, hindi ka na ba muli makikipag-usap sa iba?”
“Balikan mo man ako. Hinding-hindi mo na mababago pa ang isipan ko. Tsaka, sa ‘yo na rin nanggaling na tapos na tayo. Na mas maligaya ka d’yan kay Sam. Kaya, magpakasaya ka hangga’t gusto mo,” naglakad na ako at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin sa akin ni Tyra.
Ngunit bago ako tuluyang lumabas ng silid na ito, isang lingon ang aking ginawa at sinabi ang bagay na ito sa kaniya, “Mahal kita, Tyra. Ngunit sinayang mo ang pagmamahal ko. Simula sa araw na ito, ituturing na lang kitang isang normal na babae na mula sa aking nakaraan.”
BINABASA MO ANG
Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]
RomanceTo be published under Chapters of Love Indie Publishing (CLP) soon. ..... Note: This story contains explicit content which means, this may not be suitable for the young readers. So, parental guidance is advise. And those who had their past related o...