Kabanata II: Arthur

989 51 6
                                    

Habang abala ang mga kasamahan kong nagkukuwentuhan tungkol sa aming trabaho. Hindi ko naman maiwasan ang mapatingin sa mga lalaking kasalukuyan nagsasayawan sa ibabaw ng emtablado - na sila namang tinitilian ng mga kababaihan at mga kabaklaang narito sa Bahay-Aliwan. Sa aking pagtingin sa kanila, masasabi kong may mga itsura ang mga lalaking iyon, may mga magagandang hubog ng katawan.



Napukaw na lamang ang aking pagtingin sa kanila, nang bigla kong naramdaman ang pagtapik sa akin ni Ryan sa balikat ko, "Arthur, ayos ka lamang ba?" Tanong nito sa akin. Isang tango naman ang aking isinagot sa kaniya. Inilibot ko ang aking tingin sa mga kasamahan kong abala pa rin sa kanilang pagkukuwentuhan.



Ilang malalakas na halakhak ang aking narinig mula sa mga kasamahan ko, nang tignan ko ang mga ito. Ang kanilang mga tingin ay nakasentro sa mga kalalakihang nagsasayawan sa emtablado. "Ano kaya kapag may naging kliyente tayo isa sa kanila? Pakiramdam ko ay mukhang masasarap ang mga lalaking iyon," Natatawang pagsasalita ni Rusell.



Matapos magsalita ni Rusell. Agad na may itinuro si Mikaela na lalaking naroon rin sa lugar na 'yon. "Alam ninyo ba ang kanilang mga pangalan...?" Pauna nitong pagtatanong sa amin. Dahil sa pare-parehas naming gusto na malaman ang mga pangalan na kaniyang itinuro, sabay-sabay kaming napatango sa kaniya. "...ang lalaking nasa bandang kaliwa, ang pangalan niya ay Ron. Guwapo at masasabi nating masarap - kita naman sa kaniyang paggiling." Paliwanag nito sa amin.



Napatango namin kaming lahat sa kaniyang sinabi. Muling nagpatuloy si Mikaela sa kaniyang pagsasalita sa amin, "'Yong nasa gitna naman, ang pangalan nu'n ay Walter. Ang nasa kanang bahagi naman ay si Orlando. Ngayon, we have to choice our fighter for bed." Matapos nitong magsalita - pati ako ay napatawa na rin sa kaniyang sinabi. Napuno ng tawanan ang aming pag-uusap habang ina-abala namin ang aming sarili sa pagpapahinga.



Habang patuloy kami sa aming tawanan, bigla na lamang nagsalita si Jeff na siyang ikinatahimik naming lahat. "Kumusta naman ang ating mga kaniya-kaniyang trabaho? Nagbibigay ba kayo ng extra service sa mga kliyente ninyo?" Tanong naman ni sa amin.



Dahil sa tanong niyang iyon, agad kaming napa-isip kung ano nga bang klase ng extra service ang ibinibigay namin sa mga nagiging kliyente namin. Akmang magsasalita na sana ako, nang bigla sumagot agad si Rusell sa tanong ni Jeff, "Ako? Bukod kasi sa mga tip na ibinibigay nila, nag-aalok rin ako ng kakaibang aliw - nang sa ganun, kikita na ako, masasarapan pa ako."



Bahagya naman akong natawa sa sinabing iyon ni Rusell. Hindi ko akalain na may pilyo pala itong pag-uugali na itinatago. "Sa akin naman, syempre, ayoko rin naman na walang kuwenta ang gagawin. Kaya naman, nag-isip ako ng bagay na puwedeng magpasiklab sa akin at sa kliyente ko. At siyempre, alam ninyo na 'yon." Saad ni Mikaela.



Napalingon naman ako kay Ryan, nang siya naman ang nagsalita matapos nina Rusell at Mikaela. Nagulat ako sa naging sagot niya. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. Ang buong akala ko lamang ay simpleng usapan ang kaniyang ibinibigay sa mga nagiging kliyente niya. "Oo, naman. Bakit hindi? Sayang rin naman ang kita kung hindi ko pa iyon papatusin. Tsaka, ang nakakatuwa pa, ang tataas nilang magbigay ng tip - dahil sa nagagalingan raw sila sa akin."



Nagulat naman ako, nang ako na ang tinanong ni Jeff ukol sa extra service na kaniyang sinasabi. "Ikaw, Arthur? Ginagawa mo rin ba ang mga ginagawa namin? Kasi, kung aasa tayo sa kita natin rito. Kulang na kulang pa iyon para sa pangtustos natin araw-araw." Napabuntong-hininga na lamang ako sa sinabing iyon ni Jeff.



Tama naman siya. Hindi naman kalakihan ang kinikita namin rito sa Bahay-Aliwan. Kung walang mga kliyenteng papasok, wala rin kaming kitang mahahawakan. Isa pa, kung hindi ako gagawa ng ibang paraan, hindi ko alam kung paano ko maisasalba ang sarili ko sa pang-araw-araw na gastusin.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon