Kabanata III: Arthur

847 49 6
                                    

Ano ba itong nagawa ko sa sarili ko? Pakiramdam ko, ang rumi-rumi ko nang tao. Ang rumi na ng pagkatao at kaluluwa ko. Ako pa ba ito? Ako pa ba ang dating Arthur? 'Yong dating hangad lamang ay kumita, kahit na maliit. Ako pa ba iyon? Hindi ko na nakikilala pa ang aking sarili.

Pakiramdam ko, ay wala na akong karapatan sa sarili kong katawan. Ni hindi ko na magawang tumanggi sa mga taong patuloy na gumagamit sa akin. Sa mga taong laging sinasamantala ang kahinaan at kahirapan ko. Ngunit, kung gagawin ko naman ang tumanggi, paano ako mabubuhay? Paano na ang pangarap ko na muling makapag-aral sa kolehiyo?

Napukaw na lamang ang aking pag-iisip ng bigla kong narinig na nagsalita si Ryan sa aking tabi. Napalingon naman ako sa kaniyang gawi, kasama niya pala si Rusell. "Arthur, wala ka pala kahapon? Ayos ka lamang ba?" Tanong nito sa akin.

Maingat kong inilapag ang mga kurtina na aking hawak - na siyang dapat ilalagay ko sa mga mesang narito sa loob ng Bahay-Aliwan. Umupo ako sa bangkuang nasa aking harapan at tsaka ko sinagot ang tanong sa akin ni Ryan, "Oo, wala ako kahapon," simpleng sagot ko rito. Napahinga naman ako ng malalim bago ko ipinagpatuloy ang aking pagsasalita. "'Yong totoo? Hindi ako ayos, Ryan. Ewan ko ba, kung tama pa ba itong ginagawa ko."

Naramdaman ko namang umupo sina Rusell at Ryan sa magkabilang gilid ko. Agad kong naramdaman ang paghaplos ng kamay ni Ryan sa aking likuran. Sa ginawa niyang iyon, nakaramdam ako ng kaunting ginhawa kahit pa-paano. "Bakit, Arthur? Ano bang nangyari sa 'yo kahapon? Bakit hindi ka nakapasok? Ano bang pinagawa sa 'yo ni boss Adam?" Sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Rusell.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Agad akong napayakap kay Ryan. Alam ko sa mga sandaling ito, na kapwa sila naguguluhan sa mga ikinikilos ko ngayon. Alam ko, na parehas nipang gustong malaman kung ano nga ba ang totoong nangyari sa akin.

"Hindi ko naman ginusto ang ganitong buhay. Hindo ko pinangarap kahit minsan ang maging callboy. Hindi ko minsan ninais na gamitin ng kahit na sinung tao ang katawan ko. Pero, ano ito? Ang rumi-rumi ko," habang nakayakap ako kay Ryan, naramdaman ko ang marahang paghaplos sa aking likod ni Rusell.

"Bakit ganiyang ba ang mga sinasabi mo, Arthur? Ano ba talagang nangyari sa 'yo?" Bakas sa boses ni Ryan ang matinding pag-aalala niya sa akin. Nang kumalma na ako sa aking pag-iyak. Pinunasan ko na ang aking mga luha, umupo ako ng maayos upang ikuwento sa kanila ang nangyari sa akin nu'ng gabing iyon.

"Binaboy nila ang pagkatao ko. Salitan nilang pinagsawaan ang katawan ko, habang patuloy ako sa pagmamaka-awa na itigil nila ang ginagawa nila sa akin. Ngunit, kapwa sila binggi sa akin. Tila, wala silang mga naririnig. Hindi ko maatim na mararanasan ko ang ganung klaseng pamba-baboy sa aking katawan."

Habang ikinukuwento ko sa kanila ang mga naranasan ko nang gabing iyon. Muli na namang naglandas ang aking mga luha. "Salitan nilang ginamit ang katawan ko. At, hindi pa sila nakuntento roon, nagawa nilang itali ang aking mga paa at kamay sa apat na sulok ng kama. Hindi ko alam kung anong mga bagay ang ginamit nila sa akin - para maramdaman ko 'yong kakaibang sakit at hapdi, na pakiramdam ko, pinupunit ang pagkatao ko..."

"...hindi ko alam kung makakayanan ko pa ba iyon? O, hahayaan na lamang na bumigay ang aking katawang lupa, marahil sa hirap na dinanas ko nu'ng gabing iyon. Halos, manliit ako sa ginawa nila. Kung anu-anong pamba-baboy ang kanilang ginawa sa aking kaselanan."

Habang ikinukuwento ko sa kanilang dalawa ang nangyari sa akin, ramdam ko sa kanila ang pagka-awa sa akin. Sa totoo lang, pati ako ay naaawa na rin sa sarili ko. Kung may iba lamang akong alam na trabaho na puwedeng pagkakitaan. Hindi ako magdadalawang-isip na manatili pa sa lugar na ito.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon