Kabanata XXV: Arthur

234 14 2
                                    

Habang pinagmamasdan ko ang mga taong narito sa loob ng Bahay-Aliwan, hindi ko maitago ang lungkot na aking nararamdaman. Sa buong buhay ko, dito na ako nahubog bilang isang indibidwal. Dito rin ako nabuhay dahil sa trabaho na ang katawan at laman ang puhunan.

Sa Bahay-Aliwan na ito, dito ko natagpuan ang mga kaibigan na hindi ko kailanman inaasahang matatanggap ako. Dito rin sa lugar na ito, nagsimula ang yugto ng buhay ko. Sa pagkawala ng mga magulang ko, ito na ang naging pangalawang tirahan ko.

At sa tulad kong callboy—na ang puhunan ay katawan, hindi madali para sa tulad ko ang lunukin ang lahat-lahat para lamang mabuhay sa mundong puno ng hirap at pasakit. Minsan, naiisip kong tumigil na sa trabahong ito, pero agad ring sumasagi sa isip ko kung paano ako mabubuhay? Kung paano ako magkakaroon ng pera?

Kahit minsa ay hindi ko na masikmura ang mga ginagawa sa akin ng mga nagiging kliyente ko, pikit mata ko na lamang ginagawa an mga iyon, maibigay lamang ang satispaksyon sa kanilang tawag ng laman. Tama si Ryan, walang taong nakakaunawa sa trabaho namin.

May mga bagay silang hindi pinaniniwalaan, at may mga bagay o rason rin ang tulad ko sa likod ng pagtatrabaho ko sa lugar na ito. Ang mabuhay at makaraos. ‘Yong ang dahilan ko kung bakit ako nagpatuloy sa pagiging callboy. Marami akong pangarap sa buhay, ngunit paano ko maabot ang mga iyon kung hindi ako magsusumikap at magsasakripisyo?

Kahit na maraming tao ang humuhusga sa akin—sa amin. Pero, hindi ko na lamang sila pinapansin. Ang Bahay-Aliwan na ito ang siyang nagturo at nagbukas sa aking kamalayan, sa kung paano kauhaw ang mundo sa laman, sa kung paano itrato ng tao ang mga taong nasa kalagayan ko, at kung paano pinakikita ang kaibahan namin sa ibang tao.

Naputop lamang ang malalim kong pag-iisip ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ryan, “Arthur! May naghahanap sa ‘yo. Nakaupo na sila doon sa mesa malapit sa entablado.”

Tumango na lamang ako kay Ryan bioang sagot ko sa kaniya. Napahinga na lamang ako ng malalim bago ako nagpunta sa lugar na kaniyang sinabi. Habang naglalakad ako, dalawang pamilyar na imahe ng tao ang aking nakikita. Nang tuluyan na akong nakalapit sa kanila. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang aking mga kaibigan na sina Melody at Lewis na kausap sina Russell at Jeff.

“A-anong… g-ginagawa… n-ninyo… sa lugar na ‘to?” utal-utal kong pagtatanong sa kanilang dalawa.

Marahan naman akong hinili ni Melody patabi sa kaniyang tabi, “Arthur, nagpunta kami rito, just to surprise you,” tumingin naman siya kay Lewis bago muling magsalita sa akin, “gusto lang rin naming maglibang. Kaya kaysa sa ibang bar na kami nagpunta, dito na lamang kami tumuloy ni Lewis.”

“Tama ‘yon, Arthur,” tumingin naman ito kay Russell at laking gulat ko nang kinindatan niya ito, “Arthur, ‘di mo sinabi sa akin na marami pa lang guwapo rito. Edi sana, nakipag-ano na rin ako.”

“Gaga! Walang papatol sa ‘yo kahit magbayad ka pa ng malaki,” muli akong nilingon ni Melody at nagulat ako nang lumingon rin siya kay Jeff, “Arthur, puwede mo ba akong kuhaan ng kuwarto para sa aming dalawa nitomg guwapong lalaking ito?”

Nakita ko namang tumaas ang kilay ni Lewis kau Melody at sabay sabing, “Ano? Porque may kipay ka, gogora ka na agad? Hindi siya masasarapan sa ‘yo, Melody! Luwag-luwag mo na.”

Bago pa man makaganti ng salita si Melody, agad akong tumayo at pumagitna sa kanilang dalawa. “Sandali lamang, huminahon kayong dalawa,” muli akong umupo at lumingo ako sa aking likuran upang palapitin sina Ryan at Mikaela, “siya nga pala, mga kaibigan ko sila rito, Lewis at Melody.”

Nang naramdaman ko na nasa likod ko na ang dalawa, muli akong nagpatuloy sa aking pagsasalita, “Ryan, Russell, Jeff at Mikaela, sila pala iyong mga kaibigan ko sa Unibersidad na sina Melody at Lewis,” muli akong humugot ng isang malalim na paghinga at saka ako nagpatuloy sa aking sasabihin, “gusto ko na magkasundo tayong lahat kahit na iba-iba ang komunidad na kinabibilangan natin.” 

Naramdaman ko namang hinawakan ni Russell ang aking kamay. At sa tingin niyang iyon, tila may ipinapahiwatig siya sa akin. “Arthur, ang kaibigan mo ay kaibigan na rin namin. Natutuwa ako kasi bukod sa amin, may mga tao pa rin pa lang handang tanggapin ang tulad natin.”

“Oo nga, Arthur, tama ang mahal ko. Masaya kami dahil natanggap ninyo ang kaibigan namin, Lewis at Melody. Masaya kaming bukod sa amin, may bago na rin kaming mga kaibigan.” Tugon ni Ryan sa amin.

Matapos magsalita ni Ryan, nagkaroon ng isang kasiyahan sa pagitan ng mga kaibigan ko. Habang pinagmamasdan ko silang ganito, hindi ko maiwasang matuwa at tabaan ng puso. Para bang ito na ang huling kita ko sa kanila na nagkakasiyahan.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin, Russell? Na may boyfriend na kana pala. Paano mo nagawa iyon? Parehas kayong guwapo?” sabay-sabay naman kaming natawa sa sinabing iyon ni Lewis.

Naputol ang aming tawanan ng may isang boses ang sumingit sa aming usapan, “Hindi ko alam na narito rin pala ang taong iyan,” sabay-sabay naman kaming napalingon sa babaeng nagsalita, “glad to see you here, Arthur, Melody at Lewis.”

Agad namang napatayo si Melody sa kaniyang kinauupuan nang si Tyra ang nagsalita. “What brought you here? Hanggang dito ba naman susundan mo kami? Kami ang napapagod sa ‘yo, Tyra. Sana ikaw rin.”

Hindi ko alam pero bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba at takot nang makita ko si Tyra na kasama si Hanz. Sabay pa silang tumingin sa akin nang makita nila akong nakatingin sa kanila.

“’Di ba siya ‘yong babaeng nakabanggaan natin noong enrollment mo? Siya rin ‘yong namahiya sa atin noon sa harap ng maraming estudyante.” Bulong sa akin ni Ryan.

“Teka? Bakit magkasama kayo ng lalaking iyan? Hindi ba ikaw ‘yong sinuntok noon ni Archie dahil sa pinaggagagawa mo kay Arthur?” Tanong ni Lewis.

Napayuko na lamang ako sa aking mga kaibigan. Halos sumabog na ang dibdib ko dahil sa kakaibang pakiramdam, lalo pa’t magkasama na ngayon sina Tyra at Hanz.

“Don’t tell me… siya na ngayon ang boyfriend mo? Paano naman ‘yong Sam? Tulad ni Archie, pinalitan mo na rin.” Natatawang pagsasalita ni Melody kay Tyra.

Nakita ko namang naglakad palapit sa amin sina Tyra at Hanz. Ngunit, nang matingin ako sa mga mata nila. Kakaibang takot ang nabakas ko sa mga iyon. “Who knows ‘di ba? Tutal maganda naman ako, at sa tingin ko, puwede pa naman ang lalakin ito. Pero…” huminto si Tyra sa kaniyang pagsasalita at mariin akong tinignan, “…Arthur, isa sa mga araw na ito sasabog ang dapat na sumabog. At sisiguraduhin kong, babalik ka rito sa madilim, patay sinding ilaw at sa mababang bahay na ito.”

“Sorry, Miss,” sabay-sabay kaming napatingin sa taong nagsalita, naglakad naman siya at humarap kay Tyra at Hanz si Boss Adam, “tama ba ang narinig ko? Masyado mong minamaliit ang Bahay-Aliwan at trabaho ng mga narito?”

“Sino ka ba?” mataray na tanong nito kay Boss Adam. “At bakit hindi? Nagbebenta sila ng laman kapalit ang mababang halaga ng pera. Hindi ba nakakawa ang tulad nila? Nakakadiri, dahil kung sinu-sinong tao ang nakakasex nila kada gabi.”

“Alam mo, kung sino ka man. Wala pa akong nasusuntok na kapwa ko babae. Baka ngayong, gabi pa lang.” Nagulat ako ng lalapit na si Mikaela kay Tyram agad naman akong lumapit sa kaniya para pigilan siya.

“Tama na ‘yan, Mikaela,” napahawak na lamang si Boss Adam sa kaniyang noo, “I am the owner of this old-and-yet traditional bar, just so you know. Anyways, umalis na kayo rito bago ako tumawag ng securities para ipakaladkad kayong dalawa.”

Tanging pagtaas na lamang ng kilay ang nagawa sa amin ni Tyra. Nang akmang maglalakad na sila, narinig kong muling nagsalita si Boss Adam, “Ikaw lalaki, you look so familiar. Kung may balak kang guluhin si Arthur, you’d better stop now. Hindi mo gugustuhing makalaban ang tulad ko.”

Matapos iyon, agad ring umalis ang dalawa palabas ng  Bahay-Aliwan. Napa-upo na lamang kami dahip sa ginawa nina Tyra at Hanz. “Arthur, sino ba ang mga iyon? Bakit galit na galit sila sa ‘yo?” Biglang pagtatanong sa akin ni Boss Adam.

Akmang magsasalita na ako nang biglang sumabat si Melody. “Pasensya na po kung sasabat ako ng kaunti,” nagpeace sign muna siya bago magpatuloy sa kaniyang pagsasalita si Melody, “nagagalit si Tyra kay Arthur dahil hiniwalayan na siya ng ex-boyfriend niya. Ngayon, mas naging close sina Arthur at Archie—na siyang naging dahilan para mas lalong magalit si Tyra sa kaniya.”

“Boss Adam, si Hanz po ang naging kliyente ko noon. Pinaasa niya ako sa pangakong akala ko ay mahal niya ako. Noong nalaman ko na ginagamit niya lamang ako, humiwalay ako sa kaniya. Ngayonng nalaman niya na nanliligaw sa akin si Archie, bumabalik siy at ginugulo ako.

“At sa pagkakataong ito, tingin ko mas lalong magagalit sa akin si Tyra dahil, kami na ni Archie.” Mahabang pagsasabi ko ng katotohanan sa kanila.

Naging tahimik ang lahat, tanging ang hiyawan lamang ng mga taong narito ang naririnig at mga musika na siyang nagpapa-indak sa mga tao.

“Arthur, narito lang kami. Wala akong masabi dahil wala ka namang ginagawa masama o mali. Sa nakikita ko, wala na silang karapatan pang bumalik sa mga taong niloko, ginamit at iniwan nila,” naramdaman kong hinawakan ako ni Boss Adam sa aking balikat saka ito nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Arthur, kung anuman ang mangyari dahil sa kagagawan nila, huwag lang matakot. Narito kami para tulungan at ipaglaban ka. Lagi lang kaming nasa likuran mo, anak.”

Napayakap na lamang ako kay Boss Adam, sa ginawa kong iyon, bahagyang kumalma ang aking kalooban, nabawasan rin ang kaba at takot na aking nararamdaman. “Maraming salamat po. Maraming salamat sa inyong lahat.”

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon