Kabanata V: Arthur

611 36 1
                                    

Sa ikalawang pagkakataon, muli ko na namang naranasan ang maagawan ng pagkatao at dignidad. Sa ikalawang pagkakataon, muli ko na namang naramdaman na, ang katawan ko at kung bakit ako nabubuhay – ay  para lamang gamiting ng mga tulad nilang mapagsamantala. Halos wala na akong mukhang naihaharap sa aking mga kaibigan. Nakakahiya na nakikita nila akong ganito, kinaawaan nila.

Ganito na lamang ba ang papel ko sa mundong ito? Ang magpagamit sa mga taong nangangailangan at uhaw sa tawag ng kanilang mga laman. Kung alam ko lamang na magiging ganito ang takbo ng aking buhay, sana lamang, ay nawala na rin ako. Sana, ako na lamang ang namatay at hindi na ang aking mga magulang.

Sa tuwing kailangan ko ng masasandalan, makakausap at malalabasan ng mga problema ko. Wala akong ibang masabihan. Wala akong ibang mapaglabasan, kundi ang kimkimin at sarilihin ang lahat ng ito. Wala rin akong magulang na pupuwedeng mapagsabihan ng mga nararamdaman ko.

Ang hirap ng isang tulad ko na callboy at ulila na sa mga magulang. Hindi ko alam kung paano ko nakakayanan ang araw-araw na hamon ng buhay sa akin. Hindi ko lubos maisip kung paano ko nakakayan ang mga problemang ibinabato sa akin ng mundo. At, hindi ko alam kung paano ko pa nakakayanan ang lahat ng iyon.

Sa trabahong pinili ko, hindi ko alam kung anong bukas pa ang naghihintay sa akin. Hindi ko alam kung may maganda ba akong kinabukasan na matatamo, sa kabila ng mga paghihirap ko sa pagiging isang callboy. O, kung may maganda nga bang kinabukasan ang tulad ko sa trabahong ganito.

Napukaw na lamang ang aking pag-iisip ng bigla kong narinig ang boses ni boss Adam. Ang bakas ng mga luha sa aking magkabilang pisngi ay agad kong pinunasan upang hindi niya makita na umiiyak ako. “Bakit po?” Maikli kong tanong rito.

Napahinto ako sa aking ginagawang paglalagay ng mantel sa mga mesa ng muli ko itong narinig na nagsalita. “Ayos ka lamang ba, Arthur? Bakit parang umiiyak ka ata? May problema ka ba? Puwede mong sabihin sa akin iyan, baka makatulong ako.” Saad nito sa akin.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa ng inalok ako nito na magsabi sa kaniya kung ano ang nasa loob ko. Napa-upo naman ako bangko na nasa aking tabi at tsaka ako nagwika rito, “Boss, pasensya na po kung nitong nakakaraan, wala po ako. Minsan kasi, hindi nakakayanan ng katawan ko ‘yong sobrang pagod sa mga kliyente ko. Pasensya na po.” Napayuko na lamang ako habang humihingi ako sa kaniya ng paumanhin sa ilang araw kong pagliban sa trabaho.

Nabigla ako ng bigla niyang hinaplos ang aking likod. Sa ginawang iyon ni boss Adam, pakiramdam ko ay muli kong naramdaman ang haplos ng aking Ina. “Arthur, wala iyon. ‘Wag kang humingi ng paumanhin sa akin kung minsan ay lumiliban ka sa trabaho mo rito. Basta, ipapaalam mo lamang sa akin,” umupo ito sa aking tabi. Maingat niyang pinagmasdan ang aking mukha at marahan na hinaplos ang aking buhok. “Alam mo, hindi kita masisisi kung ito ang trabahong pinasok mo. Alam ko, na kahit kailan hindi naging madali ang trabahong ito para sa ‘yo.”

“Bakit po ninyo sinasabi sa akin ang bagay na ito? Kayo po ang may-ari ng lugar na ito. Ikaw rin po ang nagpapasahod sa amin, sa akin.” Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

“Tulad mo, ito rin ang naging trabaho ko nu’ng kabataan ko. Naging isang callboy rin ako na nagbibigay serbisyo sa iba’t ibang tao. Kaya ko itinayo itong negosyo kong ito, ay para matulunga kayo, ikaw sa pangarap mo. Kaso, naging masama ako mata ng mga kaibigan mo, dahil sa nangyari na, kahit ako, ay hindi ko inakala na ganun ang mangyayari.”

“Pasensya na po ulit, boss Adam. Nag-aalala lamang po sila sa akin nu’ng mga sandaling iyon. Ako na po ang humihingi ng despensa sa mga nagawa at nasabi nila sa ‘yo.” Saad ko rito.

Nakita ko naman itong ngumit matapos kong sabihin iyon. “Hindi, ayos lamang. Wala namang may gusto sa nangyari. At hindi naman talaga iyon maiiwasan sa ganitong klase ng trabaho natin,” narinig ko itong napahinga ng malalim. Muli akong napayuko dahil nahihiya ako sa nagawa ng aking mga kaibigan kay boss Adam. “Alam mo, tama ang mga kaibigan mo. Hindi ko man lang naisip na posible na mangyari sa ‘yo ang bagay na ‘yon. Hindi ko rin akalain na, ako pala ang maglalagay sa ‘yo sa alanganin. Arthur, alam ko na nais mong makabalik sa kolehiyo. Kaya nga, ‘di ba? Gusto kitang tulungan sa pangarap mo.”

Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi sa akin. Ang akala ko talaga ay mainit ang dugo niya sa akin, dahil nu’ng unang araw ko rito ay mainit at masungit siya sa akin. Ngunit, nagkamali ako sa aking pagkakakilala sa kaniya. “ Kaya ko po na gustong makabalik ulit sa kolehiyo – dahil iyon po ang pangarap sa akin ng mga magulang ko. Ang makapagtapos ng pag-aaral.” Saad ko kay boss Adam.

“’Wag mo sa nang mamasamain ang itatanong ko sa ‘yo, Arthur, ha? Nasaan na ba ang mga magulang mo? Alam ba nila na ganitong klase ng trabaho na mayroon ka? Kasi, simula nang pumasok ka rito, hindi mo nabanggit ang tungkol sa mga magulang mo.”

“Ang totoo po niyan, wala na po akong magulang. Ulilang lubos na po ako sa aking Nanay at Tatay. Namatay sila dahil sa isang aksidenteng nangyari sa amin, ilang taon na ang nakakaraan. Kahit pa-paano, masuwerte pa rin ako, sila ang nagsakripisyo sa akin para maligtas. Kaya, bilang ganti ko sa kanila, nais kong makapagtapos ng pag-aaral. Gusto kong abutin lahat ng pangrap nila sa akin – kahit hindi nila nakikita, at least, natupad ko ang mga iyon.”

Sa naging katanungang iyon sa akin ni boss Adam, hindi ko naiwasan ang maging emosyonal. Naramdaman ko ang muling pagpatak ng aking mga luha pababa sa akin magkabilang pisngi. Sa tuwing nagiging sentro ng usapan ang pamilya, hindi ko alam kung bakit kusa na lamang tumutulo ang aking luha. Marahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tuluyang natatanggap ang pagkawala ng aking mga magulang.

“Pasensya na, Hijo. Hindi ko sinasadya na tanungin ang bagay na iyon sa ‘yo. Nagkaroon lamang ako ng pagtataka, sana ay huwag kang magalit sa akin,” imbes na sagutin ko ang kaniyang sinabi sa akin, isang pag-iling na lamang ang aking sinagot sa kaniya. “Wala ka na pa lang magulang. Ngayon, mas nauunawaan ko na ang sitwasyon mo. Naiintindihan ko na rin, kung bakit na mas pinili mo ang ganitong trabaho. Arthur…”

Napatingin naman ako kay boss Adam ng tawagin niya ang aking pangalan. Base sa mga tinging ibinibigay niya sa akin, mababakas roon ang pag-aalala at pagka-awasa kaniyang mga mata. “Bakit po, boss Adam?” Tanong na balik ko sa kaniya.

“…simula sa mga oras na ito, ituring mo na ako bilang iyong kaibigan. O, kaya ay kuya kung gusto mo. Hayaan mo na tulungan kita sa mga pangarap mo. Ayokong may makita akong isang kabataan na unti-unting nawawalan ng pag-asa dahilan lamang sa mundo na kaniyang ginagalawan. Arthur, hayaan mo na gabayan kita sa mga pangarap mo – bilang pag-abot sa mga pangarap ng mga magulang mo.”

Nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Awtomatiko akong napatayo mula sa aking kinauupuan at mabilis na napayakap kay boss Adam. Hindi ko inaasahan na may isang taong tulad niya ang maglalakas loob na tulungan ako sa aking mga pangarap. Hindi ko akalain na ang tulad ni boss Adam ang siyang magiging susi upang maabot ko ang mga pinapangarap sa akin ng aking mga magulang.

Walang mga salita ang lumalabas sa akin – marahil ay resulta iyon ng sobrang sayang balita na ibinigay sa akin ni boss Adam. “O, siya sige na. Babalik na ako sa kuwarto ko. Tapusin mo na rin ang ginagawa mo at magpahinga ka ulit. Alam ko na, medyo hindi pa ayos ang katawan mo.”

“Salamat po, boss Adam. Maraming-maraming salamat po.” Muli itong ngumiti sa akin bago siya tuluyang umalis sa aking harapan. Nang tuluyan ng mawala sa aking paningin si boss Adam. Muli kong itinuon ang aking sarili sa paglalagay ng mga mantel sa mesa.

Matapos kong gawin lahat ng iyon, ay bumalik ako sa aking silid upang umidlit ng ilang oras, para magkaroon ang katawan ko ng sapat na tulog at pahinga. Nagising na lamang ako ng naramdaman kong namamanhid ang aking paa. Dahil dun, ay hindi na muli akong bumalik sa aking pagtulog.

Kahit namamanhid pa ang aking kaliwang paa, pinilit ko pa ring tumayo ng dahan-dahan at mabilis na inayos ang aking sarili. Matapos kong ayusin ang aking sarili, agad kong tinungo ang pintuan palabas ng Bahay-Aliwan. Nang tuluyan na akong makalabas, isang boses ang agad na bumungo sa akin na nagmula sa kaliwang bahagi ko.

“Arthur…” Napalingon ako sa taong nagbanggit ng aking pangalan. Nang makita ko kung sino ang taong iyon, bumungad sa aking mga mata ang rebulto ni Hanz. “Hinihintay talaga kitang lumabas rito. At, hindi ko inaasahan na muli kitang makikita rito sa lugar na ito.” Saad nito sa akin.

Nagulat ako ng makita siyang nakatayo at naghihintay sa labas ng Bahay-Aliwan. Hindi ko inaasahan na muli naming makikita ang isa’t isa. “Ikaw pala, Hanz. Anong ginagawa mo rito sa lugar na ito?” Maang-maangan kon tanong sa kaniya.

Nakita ko namang itong lumapit sa akin habang napapakamot sa kaniyang ulo. “Ikaw talaga ang sinadya ko rito, Arthur. Totoo nga niyan, papasok na sana ako sa loob para ipagtanong ka. Kaso, lumabas ka na, kaya hindi ko na kailangan pang gawin iyon.” Nakangiti naman nitong pagtatapat sa akin. Napangiti na rin ako dahil sa kakaibang ngiting hatid niya sa akin.

“Bakit mo naman ako pinuntahan rito? Wala ka man lang pasabi na magagawai ka sa lugar ko.” Natatawa kong saad sa kaniya. Sa lahat ng naging kliyente ko, kay Hanz lamang ako naging malapit ng husto. Sa kaniyang lamang ako naging komportableng magsalita at kumilos ng normal.

“Gusto sana kitang yayain sa apartment ko, kung ayos lamang sa ‘yo. Gusto ko kasing makipagkuwentuhan at magkipag-kaibigan sa ‘yo.” Saad nito sa akin. Hindi ko na ito sinagot pa. Isang tango na lamang ang aking ginawa, senyales ng aking pagpayag sa kaniya.

Ilang minuto lamang tinagal ng aming biyahe ng marating namin ang kaniyang lugar. Habang pinagmamasdan ko ang loob ng apartment, kung saan siya tumutuloy. Hindi ko maiwasan ang humanga sa ganda at linis ng loob. Para siyang babae dahil sa ayos ng kaniyang apartment.

“Nagustuhan mo ba ang lugar ko?” Simple nitong tanong sa akin. Nagulat ako ng maramdaman ko ang kaniyang kamay na marahang hinahaplos ang aking braso.

Napatango naman ako sa kaniyang tanong sa akin bilang pagsang-ayon ko sa kaniya. “Oo, naman. Para ka ngang babae sa ayos at ganda nitong loob ng apartment mo. Dinaig mo pa ako sa masyadong pagkapresentable nito.” Natatawa kong saad sa kaniya.

Hindi ko siya narinig na nagsalita, ngunit ramdam na ramdam ko ang paglalakbay ng kaniyang mga kamay palibot sa aking katawan. Dahil sa kaniyang ginagawa, hindi ko napigilan ang aking sarili na halikan siya bigla sa kaniyang labi. At sa ginawa kong iyon, ramdam ko ang kaniyang pagkabigla sa aking ginawa.

“Hindi ko akalain na hahalikan mo ako ng ganun,” hindi ko pinatapos ang kaniyang pagsasalita, nang siilin ko ulit ito ng halik. Naging mapusok ang aming mga labi sa bawat pagsagot ng mga halik ng bawat isa. “Tara, dahil sa ginawa mo, Arthur, hinahanap-hanap ko ang katawan mo. Ang paghaplos na hindi ko maramdaman sa iba. Tanging ikaw lamang ang siyang nakakapagbigay noon sa akin.”

Napangiti naman ako sa aking narinig. Hindi ko alam na may isang taong tulad niya ang nananabik sa akin. “Hindi ko rin inaasahan na may isang tulad mo ang magsasabi sa akin ng ganito. Na, sabik sila sa mga haplos ko. Tanging ikaw lamang ang unang taong nagsabi sa akin ng bagay na iyon.” Saad ko sa kaniya.

Matapos kong sabihin iyon, agad kong naramdaman ang kaniyang labi na nakadikit na sa akin. Nu’ng una, banayad ang bawat paghaplos ng kaniyang labi sa akin. Ngunit, habang tumatagal, nagiging agresibo ang bawat paghalik niya sa akin – na siyang nagbibigay ng kakaibang init sa aking katawan.

Habang patuloy kami sa aming paghahalikan, hindi ko naramdaman na nabuhat na niya pala ako. Narating namin ang kaniyang kuwarto ng hindi man lang napuputol ang aming halikan. Maingat akong ibinaba ni Hanz sa kaniyang papag na malambot at unti-unti niyang itinulak ang aking katawan pahiga sa papag na iyon.

“Sobra akong nananabik sa ‘yo, Arthur. Hindi ko alam kung ano ba itong ginawa mo sa akin. Simula nu’ng gabing iyon, palagi ka nang hinahanap ng isip ko. Sa tuwing naaalala ko ang pagsasalong ginawa natin, hindi ko alam, pero napapa-ngiti ako. Ano ba itong ginawa mo sa akin, Arthur?”

“Bakit? Ano bang ginawa ko na nagpabago sa ‘yo? Bakit mo sinasabi sa akin ang mga bagay na ito, Hanz? Ito ang trabaho ko ‘di ba? Kaya dapat lamang na husayan ko, para balik-balikan ako ng nagiging kliyente ko.” Saad ko sa kaniya.

Wala akong nakuhang sagot mula kay Hanz. Matapos kong magsalita, agad akong siniil ng halik ni Hanz. Ngunit, sa kaniyang halik na ito, hindi ko alam – pero parang iba ang halik niyang ito kumpara sa mga unang pagtatalik namin. Isa-isang inalis ni Hanz ang aking damit at ng matapos siya sa akin, inalis niya na rin ang kaniya.

Parehas na naglalakabay ang aming mga kamay sa katawan ng bawat isa. Unti-unting naging agresibo ang pagdidikit ng aming mga labi. Naramdaman ko naman na pumuwesto ito sa pagitan ng aking mga binti. Marahan niyang itinaas ang aking dalawang hita at ipinuwesto niya iyon sa kaniyang dalawang balikat.

Bahagya kong naramdaman ang kaniyang galit na pagkalalaki sa aking bukana. Napahinga naman ako ng malalim ng sinisimulan niya nang iyon ipasok. Nahagip ko naman ang aking paghinga ng bigla niyang ipinasok ang kaniyang pagkalalaki sa aking likuran. Napasigaw naman ako ng impit – marahil sa sakit at hapdi na aking naramdaman.

Lumipas ang ilang minuto, ang kaninag hapdi at sakit na aking nararamdaman, ngayon ay napalitan iyon ng kakaibang sarap. Tila parang may tinatamaan siya sa aking loob na siyang nakakapagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Sa buong silid na ito ni Hanz, tanging pagsasalpukan lamang ng aming mga katawan ang maririnig at ang salitan ng aming mga halinghingan.

Naging mabilis ang pag-indayog na ginagawa ni Hanz sa aking ibabaw. At dahil doon, hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Sadyang nilulukob na ako ng matinding init na ibinibigay sa akin ngayon ni Hanz. Makalipas pa ang ilang minuto, sabay naming naabot ni Hanz ang rurok ng aming ginawa. Agad na napabagsak si Hanz sa aking ibabaw na hininhingal.

“Arthur, puwede ba na samahan mo muna ako rito sa apartment ko? Kahit ngayon lang? Gusto ko kasi na makasama ka ngayon araw.” Saad niya. Bakas sa kaniyang pagsasalita ang pagod na resulta ng aming ginawang pag-iisa.

“Oo, naman. Bakit hindi? Tutal medyo masakit rin ang likuran ko, dahil ramdam na ramdam ko roon ang gigil mo kanina,” humarap ako sa kaniya upang makita ang guwapo nitong mukha. “Tsaka, ramdam ko rin naman ang pagod ko.” Bahagya akong umusod sa kaniyang tabi at humiga ako sa kaniyang braso.

Nakita ko naman itong napangiti sa naging sagot ko sa kaniyang tanong sa akin. “Arthur, papayag ka ba na maging tayo? Ayos lamang sa akin kung hindi ka papayag. O, ‘di kaya ay pag-isipan mo muna. Ewan ko, pero iba talaga ang nararamdaman ko sa ‘yo.” Nagulat ako sa naging pagtatapat ni Hanz sa akin. Hindi ko alam na sasabihin niya ito sa akin.

“Hanz…” Tanging pangalan niya na lamang ang aking nasabi ng agad niyang pinutol ang aking pagsasalita.

Humarap naman ito sa akin at marahan niyang hinaplos ang aking buhok. “Oo, Arthur. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko – ay, may espesyal kang parte sa akin. Pakiramdam ko nga, ay mahal na kita.” Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng sabihin niya iyon sa akin. Paano nangyari na naramdaman niyang mahal niya ako? Saan ba iyon nagmula?

Naramdaman niya ba iyon dahil sa trabaho kong pagbibigay aliw sa kaniya? Kung ayun man ang rason at dahilan niya, mas mabuti na huwag niya na lamang ituloy kung ano man ang nararamdaman niya para sa akin. Nang wala siyang narinig na salita mula sa akin, kinuha niya na ang pagkakataong iyon upang muling makapagsalita.

“Naiintindihan ko kung may pag-aalinlangan ka. Hindi naman kita pinipilit na gustuhin rin ang tulad ko. Sinabi ko lamang ito sa ‘yo, dahil ito ang nararamdaman ko. Ito ‘yong nais kong iparating sa ‘yo, kung bakit kita inaya rito sa apartment ko.”

“Pero, may pamilya ka, ‘di ba? May anak ka. Mas mainam siguro kung sakanila mo na lamang ituon kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin. Hindi ka nababagay sa isang callboy na tulad ko. Ayoko rin na mahusgahan ka ng ibang tao dahil lamang sa akin.” Saad ko sa kaniya.

“Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba sa atin, sa ‘yo. Ang mahalaga, nagmamahalan tayong dalawa…” tumayo si Hanz mula sa kaniyang pagkakatayo at maingat ako nitong iginaya sa kaniya. “…matagal na akong walang asawa. Matagal na niya akong iniwan – sumama na siya sa kabit niya. Ang anak ko naman, kasaama niyang lumipat sa kaniyang kabit. Tanging ako na lamang ang nag-iisa rito.”

Sa ginawang pagtatapat na iyon ni Hanz sa akin, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kaniya. Nalulungkot ako sa naging buhay niya sa pakikisama niya sa kaniyang asawa at anak. Hindi ko alam na ganito pala ang naging karanasan niya sa dati niyang asawa.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paaano ko siya sasagutin sa inaalok niya sa akin. Kung handa na nga ba akong pumasok sa isang seryosong relasyon, at kung may nararamdaman rin ba ako, tulad ng nararamdaman niya sa akin. Ayokong gumawa ng isang desisyon, na kung saan ako ang madedehado.

Kahit wala akong pinag-aralan, sapat na ang aking mga natutunan at naranasan sa buhay ko ito. “Hanz, hindi ko muna masasagot ang inaalok mo sa akin. Sana ay maunawaan mo ako. Hayaan mo, pag-iisipan kong mabuti ang tungkol sa bagay na ito.” Saad ko sa kaniya.

Nakita ko naman itong ngumiti ng malaki. Agad niya akong niyakap ng mahigpit at binigyan niya ako ng isang halik sa aking noo at labi. “Salamat. Salamat. Hindi naman ako nagmamadali, hindi rin naman kita minamadali. Ayos lamang sa akin na pag-isipan mo. Maghihintay ako.”

Napangiti na lamang ako sa kaniyang naging sagot sa akin. Matapos iyon, sabay naming ibinagsak sa kaniyang papag ang aming katawan. At muli naming pinagsaluhan ang bawat minutong nagdaraan. At sa pagkakataong ito, hindi ko alam, ngunit may epekto na rin sa akin si Hanz.

Para bang may parte sa akin na, nagsasabing tanggapin ko na siya sa buhay ko. Na tila, huwag ko nang alalahanin ang mga bagay na hindi naman makakatulong sa akin. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakayakap sa nahihimbing na si Hanz. Bago ko tuluyang ipinikit ang aking mga mata. Maingat ko itong pinagmasdan. Matapos iyon, isang desisyon ang aking nabuo.


Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon