Kabanata VI: Archie

581 30 0
                                    

Hindi ko alam na ganito pala kasakit sa ulo ang magkaroon ng isang relasyon na puno ng selos at inggit. Hindi naman ito ang pinangarap ko na relasyon. Kung alam ko lamang, sana ay hindi ako pumayag sa kaniya na maging kami. Sana ay masaya ako sa buhay, nagagawa ko ang mga bagay na walang naglilimita sa akin.

Napahawak na lamang ako sa aking ulo, dahil bahagya akong nakaramdam ng pananakit sa parteng iyon. Marahil ay dala na rin siguro ng walang kuwentang diskusyon namin ni Tyra. “Sino ang babaeng iyon? Ano mo ba siya? Kabit mo? Bakit ayaw mo akong sagutin, Archie?!” Sunod-sunod na pagtatanong nito sa akin habang patuloy siya sa pagtaas ng kaniyang boses sa akin.

Sinong mag-aakala, na sa sarili kong pamamahay ay sisigawan ako ng isang babaeng galit na galit, dahil sa nakita niya lamang akong may kausap na babae. Kung tutuusin, wala siyang karapatan na gawin ang mga iyon sa akin. Wala siyang karapatan na pagbawalan ako sa mga gusto kong gawin para sa sarili ko.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Marahil ay dala na rin ng aking init ng ulo. “Alam mo, walang ka talagang kuwentang babae. Pati ba naman ‘yon, pagse-selosan mo? Nagtanong lang sa akin ‘yong babae. Nagtanong lang.” Hindi ko na rin napigilan pa ang aking sarili na magtaas ng boses sa kaniya.

Nakakasawa na. Nakakasawa na sa tuwing may taong lalapit sa akin, palagi niyang pinagse-selosan, palagi siyang nagagalit sa mga taong nakapaligid sa akin. Na parang gusto niya lamang, ay sa kaniya iikot ang mundo at oras ko. Na tila ayaw niya ng may sinong kahati siya sa akin.

“Ako walang kuwenta? Bakit, Archie? Hindi pa ba sapat ang bawat gabing humahalinghing ka sa akin dahil sa sarap? Hindi pa ba sapat ang gabi mo sa bawat paninigas ng iyong mga binti sa tuwing ginagalingan ko? Tapos, sasabihan mo ako ng walang kuwentang babae?” Sa sinabi niyang iyon, tila isang sampal ang mga iyon sa akin.

Napayuko ako sa kaniyang harapan. Hindi ko naman ginusto na masabi ang mga iyon sa kaniya. Kung hindi lamang niya ako sinigawan kanina, hindi ko sana masasabi ang mga masasakit na salita sa kaniya. “P-pasensya n-na. H-hindi ko s-sinasadya,” paghingi ko na paumanhin sa kaniya.

Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kaniya. Nang mag-angat ako ng aking tingin, tumambad sa akin ang lumuluhang si Tyra. Nang makita ko siya sa ganung estado, nakaramdam ako ng awa at galit sa aking sarili. Hindi ko rin talaga kaya na makiya siyang nagkakaganito ng dahil sa  akin. Nasaktan ko siya sa mga sinabi ko. Hindi ko iyon sinasadya na masabi sa kaniya.

“Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga bagay na iyon sa lalaking mahal ko. Ikaw pa talaga, Archie? Ikaw pa talaga ang magsasabi nu’ng mga iyon sa akin? Hindi pa ba ako sapat sa ‘yo? Hindi pa sapat ‘yong mga ginagawa at pinapakita ko, para lamang maging kuntento at masaya ka sa akin.”

“Sapat ka sa akin. Ikaw lang, Tyra. Hindi ko naman sinasadya na sabihin ang mga iyon sa ‘yo. Napuno lamang ako dahil sa mga binibintang mo sa akin na hindi naman totoo. Minsan, makikinig ka naman sa mga sinasabi ko. Hindi kita ipagpapalit, hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba.” Saad ko sa kaniya.

Matapos kong sabihin iyon, ay agad ko siyang inakap ng mahigpit. Binigyan ko rin ito ng isang banayad na halik sa kaniyang noo. Naramdaman kong napangiti ito sa aking ginawa. “Sa susunod, ‘wag mo nang ulitin iyon, ha? Hindi naman kita ipagpapalit sa iba. Ikaw lang ang tanging babae na mahal ko at mamahalin ko,” Saad ko rito.

Muli itong napangiti sa aking sinabi. Nakita ko kung paano ito napabuntong-hininga bago siya nagsalita sa akin, “Mahal na mahal rin kita, Archie. Ikaw lang rin ang lalaking mamahalin ko. Walang ibang makakapantay sa ‘yo.” Matapos magsalita ni Tyra, agad kong naramdaman ang kaniyang labi sa aking labi.

Hindi ako agad nakagalaw sa kaniyang ginawang paghalik sa aking labi. Madyado siyang naging mabilis sa kaniyang paggalaw na ginawa. Napapikit na ako habang patuloy sa paghalik sa akin si Tyra. Ang halik na iyon ay unti-unting naging agresibo. Ramdan ko rin ang dalawang kamay niya na naglalakbay sa aking katawan.

Nahagip ko ang aking paghinga ng bigla nitong pinasok ang kaniyang kamay sa loob ng aking salawal. Dahil sa ginawa niyang iyon, unti-unting nabuhay ang matigas na laman sa pagitan ng aking mga binti. “I just wanna have have sex with you, Archie. Gusto kong iparamdam sa ‘yo muli na mahal na mahal talaga kita.” Hingal nitong pagsasalita sa akin.

Marahan ko namang hinaplos ang kaniyang buhok papunta sa kaniyang magandang mukha. “Gusto mo bang gawin natin ang bagay na ito? Baka masaktan ka lamang. Ayokong makita kang nasasaktan.” Hindi ko hinintay na magsalita ito, nang aga kong siniil ang kaniyang labi ng matinding paghalik.

Rinig ng dalawang taenga ko ang impit na pag-ungol niya sa aking bibig. Dahil roon, lalo ko pang pinagbuti ang paghalik ko sa kaniya. “Please? Just let me do it with you. This is the only way I know to make it up to you, Archie.” Please…” Wala na akong nagawa, kundi ang tumango at pumayag sa gusto nitong mangyari.

Ngunit, bago ako tuluyan magpadala sa tukso ni Tyra, agad kong kinuha ang condom at lubricant sa aking kabinet. “We gonna use it as proctection. Kailangan pa rin nating mag-ingat na dalawa, Tyra.” Saad ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa akin.

Isang marahas at agresibong halik ang aking natikman mula sa bibig ni Tyra. Ang kaniyang mga labi ay kasalukuyang nagliliyab sa matinding pagnanasa na bumabalot sa aming mga katawan sa mga sandaling ito. Marahas akong itinulak ni Tyra sa aking hingaan na siya namang pagpatong nito sa aking ibabaw.

Habang patuloy kami sa aming halikan na dalawa. Naramdaman ko ang dahan-dahan na paghuhubad ni Tyra sa kaniyang damit. Nang matapos siya sa kaniya, agad naman nitong isinunod ang akin. “Archie, let’s called it as lovemaking. Huwag kang magdalawang-isip na pagsawaan ang aking katawan – because it all yours, I’m all yours.”

Matapos niyang sabihin sa akin iyon, nakita kong pumuwesto si Tyra sa pagitan ng aking binti. At doon sa parteng iyon, nagsimula itong gawin ang nais niya sa nagagalit kong pagkalalaki. Hindi ko alam kung paano ko ia-arko ang aking katawan, dahil ramdam na ramdam ng buo kong katawan ang mainit na bibig na Tyra – na siyang lumulukob sa aking sandata.

“Arrrrgghh!” Wala sa loob kong napalakas ang aking pagsigaw, nang naramdaman ko ang biglang pagsagad ni Tyra sa parte kong iyon. Para akong lumulutang sa langit dala ng kakaibang sarap na aking nararamdaman mula sa paglalaro ni Tyra sa  aking sandalata.

Hindi ko rin magawang makabuo ng mga salita na nais kong masabi kay Tyra. Marahil ay nadadala niya ako sa kaniyang mainit na pagtatalik. Hindi ko rin maiwasan na patigasin ang aking dalawang binti dahil sa kakaibang sarap na ginagawang paglalaro ni Tyra sa aking pagkalalaki.

Nang magsawa siya sa parte kong iyon, agad itong tumaas upang magpantay ang aming mga tingin. “Nagustuhan mo ba ang ginawa ko, Archie? Nasarapan ka ba sa pagpapaligayang ginawa ko sa ‘yo?” Sunod-sunod na pagtatanong nito sa akin. Isamg nginti at pagtango lamang ang aking isinagot sa kaniyang tanong at muli ko itong hinalikan sa kaniyang labi.

Marahan akong tumayo mula sa aking pagkakahiga at maingat kong iginayak ang katawan ni Tyra na mahigaw sa aking puwesto. Muling nagtama ang aming mga labi at naging mapusok muli ang aming naging halikan. Habang ginagawa namin iyon, pinaglakbay ko ang aking mga kamay sa kaniyang katawan upang romansahin ito.

Hindi pa rin napuputol ang aming halikan habanh patuloy ako sa ginagawa kong pagromansa sa kaniyang dibdib at sa ibabang parte nito. Nang madapo ang aking kamay sa kaniyang pagkababae. Maingat kong nilalaro ang parte niyang iyon, marahan kong ikiniskis ang dalawang daliri ko sa gitna niya, upang maramdaman niya ang kakaibang kiliti na dulot ko.

Humiwalay ako sa aming halikan na dalawa ni Tyra, nang napagdesisyunan kong bumaba sa gitna niyang parte. Nang makita iyon ng aking dalawang mata, hindi ko napigilan ang aking sarili na dilaan ang parte niyang iyon. At maingat kong ipinasok ang dalawang daliri ko at pinaikot sa parteng iyon ni Tyra.

Halos mamilipit na si Tyra sa aking ginagawang pagpapa-ikot ng dalawang daliri ko sa kaniyang kaselanan. Hindi niya na rin napigilan pa ang kaniyang sarili na sumigaw dala ng kakaibang kiliti na aking ginagawa. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagbukas at pag-ipit nito sa kaniyang mga binti, kaya naman, maingay kong pinigil iyon.

“Archie, please? Angkinin mo na ako. Baka hindi ko na kayanin pa…” Pagmamaka-awa nito sa akin. Hindi ko sinunod ang kaniyang sinabi. Bagkus, patuloy lamang ako sa ginagawa kong paglalaro sa kaniyang kaselanan. Lumipas pa ang ilang segundo, naramdaman kong medyo mamasa-masa ang aking kamay. Kaya naman, maingat kong pinadampi ang aking dila sa kaniyang pagkababae.

Nang maramdaman ni Tyra ang init ng aking dila, muli itong napasigaw sa sarap na kaniyang nararamdaman. Hindi niya rin napigil ang sarili na mangatog habang ginagawa ko ang bagay na ‘yon. “Nagmamaka-awa ako, Archie. Please…? Angkinin mo na ako at baka hindi ko na kayanin pa,” Saad nito sa akin.

Napatigil naman ako sa aking ginagawa. Nang tignan ko ang itsura ni Tyra, lalo akong nakaramdam ng matinding pag-iinit at nagliliyab na pagnanasa. Sa nakikita kong puwesto ng kaniyang katawan, masasabi kong; ang katawan niya ang isa sa pinakaperpektong hubog ng isang babae na tipo ko.

Bago ko tuluyang pasukin si Tyra, kinuha ko muna ang condom at lubricant sa bandang uluhan niya. Nang maisuot ko na ang condom sa aking sandata, sunod ko naman binuksan ang bote ng lubricant – upang mapadagdag ng dulas habang gagawin ko ang pagpasok kay Tyra. Nang matapos na ako sa bagay na ‘yon. Muli kong itinuon sa kaniya ang aking atensyon.

Napahinga muna ako ng malalim at muli ko itong tinignan. “Tyra, magiging masakit at mahapdi ang gagawin kong pag-angkin sa ‘yo. Pasensya na kung masasaktan kita sa gagawin ko.” Pagbibigay abiso ko sa kaniya. Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Ngunit, nakita ko namang itong tumango sa akin.

Agad akong pumuwesto sa pagitan ng dalawa niyang binti. Maingat kong itinaas ang mga iyon at inilagay sa aking balikat. “Tyra, magsisimula na ako, ha? Pasensya ulit.” Dahan-dahan kong ipinasok ang aking sandata sa kaniyang kaselanan.

Lumipas ang ilang segundo, naging matagumpay ako sa aking pagpasok sa kaniya. Hindi muna ako nagsimulang gumalaw, hangga’t hindi nagiging komportable si Tyra sa posisyon namin. Ilang segundo pa ulit ang lumipas, nagsimula na akong umindayog sa kaniyang ibabaw. Hindi ko alam ang eksaktong depinisyon sa nakikiya kong galaw mula kay Tyra.

Para itong isang bulate na animo’y binuhusan ng asin sa pagiging magaslaw habang nakahiga. Dahil sa aking nasaksihan, mas lalong tumaas ang lebel ng aking pagnanasa na angkinin ang kaniyang katawan. “Sige pa, huwag kang titigil. Arrghhh!” Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili ng bigla na lamang bumulwak sa kaniyang loob ang aking putting likido.

Sigurado naman ako na hindi iyon makakalabas dahil may suot naman akong condom na siyang po-proteka sa amin. Nakadapa akong bumagsak sa ibabaw ni Tyra. Habang hingal naman itong nakatabi sa akin. Walang salita ang namumutawi sa aming dalawa. Tanging paghabol lamang sa aming mga hininga ang siyang maririnig sa buong silid ko.

Hindi ko namalayan na unti-unting pumipikit ang aking mga mata. Marahil ay dala ng pagod dahil sa pagtatalik naming dalawa ni Tyra. Hinayaan ko na lamang ang aking sarili na magpalukob sa antok na aking nararamdaman, habang si Tyra ay mahimbing nang natutulog sa aking tabi.

Habang kumakain kami ng hapunan kasama ang aking mga magulang. Hindi ko makuhang magtaas ng aking tingin sa kanila. Nananatili lamang ako sa pagyuko ko habang kinakain ang pagkaing nakahain sa aking harapan. “Son, may problema ka ba? Bakit ka nakayuko sa amin ni papa mo?” Biglang pagtatanong sa akin ng aking mama.

Napabuntong-hininga naman ako bago ako nag-angat ng aking tingin sa kanila. “Pasensya na po, mama.” Simpleng sagot ko rito. Napatango naman siya sa akin, senyales na sumasang-ayon ito sa naging sagot ko sa kaniya.

“Malaki ka na, pero hindi pa rin husto ang isipan mo. Para ka pa ring bata kung gumaslaw at mag-isip,” napatingin naman ako agad sa aking ama, nang bigla itong nagsalita. Nang magtama ang mga tingin naming dalawa, nakita ko siyang napa-iling sa akin. “Kailan ko kaya makikita ang isang Archie, na husto ang pag-iisip. ‘Yong Archie na hindi nakadepende sa iba at sa kaniyang mga magulang. ‘Yong kaya nang tumayo sa sarili niyang mga mata. Mangyayari kaya ang mga iyon sa ‘yo?”

Naramdaman ko namang hinawakan ni Tyra ang aking kamay at marahan niya itong hinaplos – upang pagaangin ang aking loob. “Tito, maayos naman po si Archie. Sa makatuwid nga po, sa aming dalawa, siya ang mas husto ang pag-iisip. Kaya, sana po—” Hindi na natapos pa ni Tyra ang kaniyang sasabihin ng biglang putulin iyon ng aking Papa.

“Kilala ba kita, Hija? Ano ka ba ng aking anak? Asawa? O, Nobya?” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita at marahas na inilapag ang kubyertos sa mesa – na siyang naging dahilan upan mapayuko si Tyra sa kahihiyan na ginawa ng aking papa sa kaniya. “Wala kang karapatan na kuwestyunin ako, lalong-lalo na pagdating kay Archie. Lalong hindi ko kailangan ng opinyon mo tungkol sa bagay na ito.” Pagpapatuloy ng aking papa.

Agad namang pumagitna ang aking mama sa kabastusan na ginagawa ng aking papa sa aking nobya. Hindi ko maiwasan ang mapayukom ng kamao dahil sa mga sinasabi niyang iyon kay Tyra. “Emmanuel, ano ba? Mga bata ang kausap natin. Hindi mo sila dapat gina-ganito.” Pagpapaliwanag ng aking mama sa kaniya.

“At, ano ang tama? Kausapin sila na parang bata? Lucia, sa panahon ngayon, kailangan ng mga kabataang tulad nila, ang isang istriktong patnubay ng mga magulang. Dahil ang tulad nila ay mapupusok. Kaya, sa palagay ko, ay tama lamang ang ginagawa ko.”

“Pero, kahit na. Mga bata pa rin sila. Kailangan nating ipaunawa sa kanila ang mga dapat nilang malaman sa maayos na paraan. Kung kina-kailangan nating maging mahinahon sa kanila, ay dapat gawin natin.”

Nakita kong muling napa-iling ang aking ama sa sinabing iyon ng aking ina. “Kaya lumalaking walang utak ang anak natin, dahil diyan! Diyan sa pagkukunsinte mo, Lucia. Magiging maayos talaga ‘yang si Archie, kung patuloy mong kukunsintihin ang mga kagaguhan niyang batang iyan.” Matapos magsalita ng aking ama, agad itong umalis sa aming harapan.

Tanging pagtititigan lamang ang aming nagawa. Walang naglakas loob sa amin ang nagsalita. Napayuko na lamang ako sa naging pangyayari. Ganito na ba kalala ang aking pag-uugali? O, sadyang mainit lamang ang dugo sa akin ng sarili kong ama?

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon