Kabanata XXII: Arthur

223 13 1
                                    

“Seryoso?! Ginawa ni Tyra sa iyo ang bagay na ‘yon?! Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin, Arthur?! Hayup na babae ‘yon. Sinasamantala niya, porque wala ako sa tabi mo.” Galit na pagsasalita ni Melody sa akin.

Narinig ko namang napaubo si Lewis sa sinabing iyon ni Melody. Kapwa napatingin naman kami sa kaniya. “Chill, Melody. Narito tayo sa cafeteria. Tignan mo, pinagtitinginan na tayo ng ibang estudyanteng narito.” Tugon nito.

“Oo nga, Melody,” hinawakan ko ang kamay ni Melody upang mabawasan ang galit na kaniyang nararamdaman, “ayos lang ako, Melody. Ang totoo niyan, ako kasi ang may mali. Kinausap ko kasi ang boyfriend niya na si Archie.”

Awtomatikong napatingin sa akin sina Melody at Lewis. Napahinga na lamang ng malalim sa kanipang harapan. “Boyfriend? Wait! As far as I can remember, hiniwalayan na siya ni Archie dahil may iba na siyang lalaki, hindi ba?” Nagtatakang tanong ni Melody sa akin.

Nananatili lamang akong nakatingin sa kanilang dalawa. Habang patuloy sila sa pag-iisip sa posibleng rason kung bakit ganoon na lamang ang galit sa akin ni Tyra. “Sam. Sam ang pangalan ng bagong boyfriend niya. Base sa pagkakasabi sa atin noon ni Archie, nakita niyang may kasamang lalaki si Tyra. Bakit ayaw niyang may ibang taong kumakausap at sumasama sa ex-boyfriend niya?”

“Baliw ba siya? Hiwalayan na nga sila, tapos ayaw niyang may ibang taong kasama si Archie? Kakaiba talaga ang tigas ng mukha niya, no?” Galit na pagsasalita ni Melody sa aming dalawa ni Lewis.

Habang nasa cafeteria kami ng Unibersidad, patuloy lamang kami sa ginagawa naming pakikipagkuwentuhan sa bawat isa. Hindi rin nawala sa amin ang tawanan dahil sa pagpapatawa nina Melody at Lewis.

Hindi rin nakaligtas kay Melody ang magtaning tungkol sa mga personal naming mga buhay. Dahil doon, bahagya akong natakot na ipagtapat sa kanila ang buhay na mayroon ako. Kung sakaling sabihin ko man sa kanila, baka pandirihan nila ako, o kaya ay iwasan.

Sa mga oras na ito, pinagmamasdan ko ang aking mga kaibigan na nagtatawanan. Muli ko ba itong mararanasan kapag ipinagtapat ko sa kanipa ang totoo? Baka ito na ang huli kong makikita ang akin mga kaibigan na tumatawa at masaya kasama ako.

“Mahirap ang pamilya ko noon. Halos isang kahid, isang tuka ang naging sistema ng buhay ng pamilya ko. Syempre, dahil ayaw ng mga magulang ko na maranasan ko ang hirap ng dinanas nila. Nagtrabaho sila sa ibang bansa. Ang mga pawis nila ay nagmimistulang dugo sa hirap ng mga trabaho.

“Dahil sa tiyaga at pagpupursige ng mga magulang ko. Nagawa nilang iangat ang pamumuhay namin. Naibigay nila ang mga kailangan ko—napag-aral nila ako sa maganda at maayos na Unibersidad, tulad nito. Kung hindi siguro nagsumikap ang mga magulang, panigurado, sa kangkungan ang bagsak ko.” Mahabang pagkukuwento ni Lewis sa amin.

Nakita ko namang napahinga ng malalim si Melody sa pagkukuwentong iyon sa amin ni Lewis. Marahang hinawakan ni Melody ang kamay ni Lewis, na ngayon ay tila emosyonal sa mga sandaling ito.

“Ang tatag ng mga magulang mo, Lewis. Iba talaga kapag ang magulang laging anak ang iniisip. Mahalaga sa kanipa ang kapakanan ng mga anak, bago ang sarili nilang kapakanan. Ang sarap siguro na, mahirap ka dati, ngayon nakaka-angat na sa buhay. Ang sarap lang makita na nagbunga ang paghihirap nila.” Saad ni Melody.

“Ikaw, Melody? We haven’t heard any details of you. Matatapos na ang school year, but still, wala ka pang naibabahagi sa amin. Puwera lamang doon sa ex mo.” Napayuko na lamang si Melody ng siya naman ang tanungin ni Lewis tungkop sa personal na buhay nito.

“Honestly, I don’t even tell or talk about my life to anyone. Hindi ko kasi alam kung bakit naging ganun,” huminto sa kaniyang pagsasalita si Melody. Nakita ko itong marahan na hinihimas ang basong hawak niya, “I am a product of a broken family. Kaya wala akong lakas ng loob na ikuwento ito sa iba. Nahihiya ako na malaman ng iba ang tungkol sa pamilya.

“My father left us. Sumama siya sa ibang babae, habang ang mommy ko, nagdurusa ang kasalang ginawa ng ama ko. Sobra akong nagagalit sa kaniya. Sobra ko siyang kinamumuhian. Nang dahil sa kaniya, namatay ang mommy ko dahil sa sobrang sama ng loob. Kaya simula noong araw na nawala ang mommy, ayon rin ang araw na itinuring kong patay na siya sa buhay ko.”

Bakas sa mga salita ni Melody ang galit na nagmumula sa puso niya. Kahit naman siguro, ganun ang mararamdaman dahil nawalan siya ng ina. Ramdam ko ang galit niya at pangungulila sa ina. Tulad niya, nawala rin ako ng mga magulang.

“Sorry to hear that, Melody. Hindi ko alam na may ganito ka pa lang buhay. Sana pala, hindi na lamang ako nagtanong.” Nakayukong paghingi ng tawad ni Lewis.

“Ano ka ba? Ayos lang. Nakamove on na naman ako sa nangyari, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin kayang patawarin ang daddy ko.” Hindi ko napigilang yakapin si Melody dahil sa nangyari. Agad ko ring naramdaman ang pagyakap ni Lewis sa amin.

Ilang segundo ang lumipas, nang bumalik kami sa kaniya-kaniya naming upuan. “What about you, Arthur? Puwese mo bang ikuwento sa amin ang personal mong buhay?” Tanong ni Melody.

Agad na gumuhit sa aking dibdib ang matinding kaba sa pagnanais na malaman nilang dalawa ang buhay na mayroon ako. Kaya naman, binigyan ko sila ng isang tingin na nag-aalangan bago ako nagsalita. “Wala na akong mga magulang,” napayuko ako ng muling lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyon, “namatay sila ilang taon na ang nakakaraan. Nawala sila dahip sa isang aksidente.

“At dahil doon, ako na lamang ang naiwang mag-isa sa buhay. Ang hirap na mawalan ng magulang. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng matitirhan at ng pera para mabuhay. Kaya naman, alam ko na masama ang trabahong pinasok ko. Kahit pa, puro panghuhusga at pangmamaliit ng ibang tao ang aking naririnig. Tiniis ko iyon. Binaliwala ko ang lahat ng masasakita na salitang natatanggap ko.”

Napahinto ako sa aking pagsasalita, muli kong naramdaman ang aking mga luha na naglandas pababa sa aking pisngi. Agad ko namang naramdaman ang pagyakap sa akin ni Melody, habang hawak-hawak naman ni Lewis ang aking kamay. Sa ginawa nilang iyon, bahagya akong nakaramdam ng ginhawa sa aking dibdib.

“Arthur, anong trabaho ba ang mayroon ka?” Puno ng pagtataka ang tanong na iyon sa akin ni Melody.

Nag-angat ako ng aking ulo upang tingnan silang dalawa. Kaya naman, isinantabi ko na muna ang aking pag-aalinlangan at saka ako nagsalita sa kanilang dalawa, “huwag sana kayo magagalit sa akin, huwag rin ninyo sana akong pandirihan at kutyain kapag sinabi ko sa inyo ang trabahong bumubuhay sa akin…

“…isa akong callboy. Isang bayaran kapalit ang panandaliang sarap. Hindi ko kayo masisisi kung pandidirihan ninyo ako. Ito, ito ‘yong hanapbuhay na tumutustos sa akin para makaraos ako sa araw-araw. Ito rin iyong hanapbuhay na pinasok ko, dahil alam kong madaling kumita ng pera.”

Habang patulot sa paglandas ang aking luha, siya namang patuloy sa paghimas sa aking likod sa Melody. Lumipat naman ng upuan si Lewis papunta sa aking tabi. Habang hawak niya ang aking kamay, narinig ko itong nagsalita, “Arthur, we are not perfect to judge you, kahit iyong mga katulad mo. Dahil tulad ko, naranasan ko rin ang hagupit ng hirap ng buhay. Kung inaakala mo na, pandidirihan ka namin. No. You’re wrong.

“Dahil sa mga sinabi mo sa amin, mas lalo akong humanga sa tibay ng loob at determinasyon mo para magpatuloy. Arthur, hindi ka namin lalayuan ni Melody, lalo pa at ganito ang buhay na mayroon ka. Mahal na mahal ka namin. We’re best of friends, right?”

“Tama si Lewis, Arthur. Masama man o hindi ang trabaho mo. But still, wala kami sa lugar para husgahan ka. Lalo mo kaming pinahanga sa determinasyon mo. Hindi lahat ng tao ay kasing lakas mo, Arthur,” huminto si Melody sa kaniyang pagsasalita at muli naming inakap ang bawat isa, “may mga tao talaga na huhusgahan ka base sa trabahong mayroon ka. Pero, lingid sa kanilang mga kaalaman, na may malalim kang rason kung bakit dito ka dinala ng mga paa mo. Kaya, Arthur, lagi lang kaming nasa likod mo—nakaalalay sa kahit ano mang pagsubok na haharapin mo.”

Habang yakap namin ang isa’t isa, hindi ko maitago sa akin labi ang saya at tuwa na aking nararamdaman. Sina Lewis at Melody, totoo silang mga kaibigan. Tulad nina Ryan, Russell at Jefd. Iilan lang ang nakakatanggap sa tulad ko. At pasalamat ako dahip mayroon akong mga kaibigan na tulad nila.

Naputol ang saya sa mga labi namin ng may isang boses ang agad na nagsalita, “Ang sweet n’yo naman. Ikaw pala, Arthur. Nagustuhan mo ba ang ginawa ko sa ‘yo noong nakaraan? Ayan kasi ang napapala, kapag nakikipag-usapa ka sa boyfriend ko.”

Tumayo naman si Melody mula sa aking tabi. At sa awra niya ngayon, ramdam ko sa kaniya ang matinding galit na namumuo sa kaniyang dibdib. “Boyfriend? Have you forgotten? Remember, pinagpalit mo si Archie sa lalaking nagngangalang Sam. Reason? Hindi kayo nagkaintindihan. Alam mo, suwerte ka pa rin. Dahip kung nandoon lang ako noong araw na ‘yon, baka nabali na leeg mo sa samapl ko sa ‘yo.”

“Talaga? Natakot ako? Melody, hindi magandang ugali ang basta-basta na lamang sasabat sa usapan ng iba, lalo na kung wala ka namang kinalama roon.” Natatawang tugon ni Tyra kay Melody.

“Talaga rin ba? Alam mo, gahaman ka. Kulang ba ang hotdog ng lalaki mo, kaya binabalikan mo ang hotdog na iniluwa mo na? Kawawa ka naman. Naalala ko nga pala,” naglakad si Melody palapit kay Tyra, “ikaw nga pala ang rason kung bakit iniwan ako ng ex-boyfriend ko. Kasi nga, inakit mo. Desperate woman.” Pagpapatuloy ni Melody.

Nakita ko namang natawa si Tyra sa sinabing iyon ni Melody sa kaniya. “Akitin ko man siya o hindi, it’s up to him kung magpapadala siya sa tukso. It wasn’t my fault kung tanga si—” hindi na natapos pa ni Tyra ang kaniyang pagsasalita ng bigla na lamang siyang sampalin ni Melody.

“Ooops! Serves your right. Bukod sa makati ka at malandi. Bayad rin ‘yan sa pagsampal mo sa sa kaibigan ko. Kung tutuusin, kulang pa ‘yang sampal.” Saad ni Melody.

Agad namang napahawaao si Tyra sa pisngi kung saan siya sinampal ni Melody. At nagulat na lamang ako ng sa akin na siya nakatingin. “Tandaan mo ito, Arthur. Nagkamali la ng kinalaban mo. Sisiguraduhin ko sa ‘yo, sa susunod nating pagkikita, hinding-hindi mo kakayanin ang gagawin ko. Kaya maghanda-handa ka na.”

Bigla akong kinabahan sa sinabing iyon ni Tyra. Nang mag-angat ako ng aking tingin, nakita ko si Tyra na nasa malayo na. Ano kaya ang binabalak niya? Huwag naman sana ang bagay na iyon.

“Halika na, Arthur at Lewis,” pag-aya sa amin ni Melody, “lumabas na lamang tayo para matamggal amg stress natin sa katawan.” Pagpapatuloy niya. 

Wala naman kaming nagawang dalawa ni Lewis kundi ang sumunod kay Melody palabas ng Unibersidad. Habang naglalakad kami palabas, isang imahe naman ang humarang sa akin. Dahil sa ginawa ng taong iyon, napahinto kaming tatlo sa aming paglalakad.

“Arthur, ikaw pala. Ito na ang huli mong araw na magiging masaya ka. Nagkamali ka. Nagkamaali ka na hindi mo ako binalikan. Sisiguraduhin kong iiyak ng dugo para magmakaawa sa akin.”

“Hanz…”

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon