Hindi ko akalain na mahuhulog ang loob ko sa isang lalaki. Napakabago nito sa akin, lalo na sa nararamdaman ko. Alam ko na maraming mga babae ang nagkakagusto sa akin—ganun rin ang mga bakla sa aming kampus. Pero, itong nararamdaman ko kay Arthur, ibang-iba sa lahat—ganun rin sa naramdaman ko noon kay Tyra.
Habang pinapanood ko si Arthur na maingat na inaayos ang aming mini-research, hindi ko maikakaila sa aking isipan na sa mga simpleng galaw niya lamang ay nahuhulog ang loob ko. Alam ko na sobrang bilis ng panahon at sa loob ng napakaiksing oras, agad na nahulog ang loob ko sa kaniya.
Sa totoo lang, hindi mahirap pakisamahan si Arthur. Base sa pagkakakilala ko sa kaniya, tahimik siyang tao, lagi lamang nasa isang tabi. At mapag-unawa lalo na sa mga bagay na siya na ang nadedehado.
“Archie, ayos ka lamang ba?” Napabalik na lamang ako sa aking ulirat ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Arthur.
Agad naman akong napatingin sa kaniya at saka nagsalita, “oo, ayos lang ako. Ikaw? Kumusta na ‘yang inaayos mo?” Balik na tanong ko sa kaniya.
“Ayos na naman ito. Huwag kang mag-alala, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi ako mapahiya sa ‘yo.” Tugon niya.
Matapos iyon, sa tuwing tititigan ako sa mata ni Arthur, hindi ko maipaliwanag sa aking sarili kung ano ba itong nararamdaman kong kakaiba. Sa tuwing hindi ko siua nakikita, kakaibang inis ang aking nararamdaman. Gusto ko lagi lamang siyang nakikita ng aking mga mata.
“Kung ganun, sa loob ng maiksing panahon at oras. Nahulog na ng tuluyan ang loob mo kay Arthur? Tama ba?” Napalingon naman agad ako kay Miko ng bigla itong nagsalita.
Tanging pagtango lamang ang aking naisagot sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pagtapik ni Chester sa aking balikat at saka sabing, “Pre, kung ito ang magpapaligaya sa ‘yo, suportahan ka namin. Alam namin kung gaano ka naging sunod-sunuran kay Tyra. Kaya alam namin kung gaano mo pinahahalagahan ngayon si Arthur.”
“I told you, Pre. Alam ko na magiging ganito ka rin tulad ko,” natatawang tugon sa akin ni Miko, “alam mo? Hindi naman masamang subukan. Mukha namang mabait si Arthur, Archie. Kaso nga lang…” hindi na naituloy pa ni Miko ang kaniyang ng may isang bagay siyang naalala.
“Kaso nga lang, ano?” Simpleng tanong ko sa kaniya.
“Balita ko kasi, madalas binubully ni Tyra si Arthur. Buti na lamang, laging nasa tabi niya sina Lewis at Melody,” napa-iling na lamang si Miko at tumingin muna sa akin bago nagpatuloy sa kaniyang sasabihin, “makakawawa sa kaniya si Arthur, Archie. Alam natin na hindi ka pa pinapakawalan ni Tyra. Pero, paano naman si Arthur? Siya lagi ang sumasalo ng galit noong isa.”
“Ayon rin ang iniisip ko, Miko,” muli akong napa-iling, hindi ko alam kung paano pipigilan si Tyra sa ginagawa niya kay Arthur, “gagawin ko ang lahat, para maprotektahan si Arthur mula sa kaniya. Hindi pupuwedeng nasa kaniya ang pabor lagi.”
“Alam mo, kakaiba rin ‘yang ex-girlfriend mo, Archie. Siya na nga itong nagloko, siya pa itong may ganang magalit—dahil lamang may kasama kang iba?” Saad ni Miko.
Napatingin naman ako kay Chester nang magsalita ito, “Tyra is Tyra. Knowing her, masyado siyang destructible. She only wants your attention, Archie, kahit may ibang lalaki siyang nilalandi. But, still not fair. If she wants to break it up with you, dapat matagal niya nang ginawa. Remember the day when you saw her with her ‘boyfriend’ was... I can’t still manage my anger.”
“Let her be,” tugon ko sa kanila, “let her enjoys the game she started. Pero, ‘wag ko lang makikita na sinasaktan niya si Arthur.” Pagpapatuloy ko.
Napa-iling na lamang sina Miko at Chester sa mga ginagawa ni Tyra kay Arthur. Nagagalit ako. Nagagalit ako dahil hindi ko man lang magawang maipagtanggol si Arthur mula sa kaniya. If only I could protect him, gagawin ko talaga iyon. Ayokong nakikitang sinasaktan ng ibang tao ang taong mahal ko.
“Siya nga pala, ayos na ba kayo ni Tito Emmanuel? Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalasa ikinuwento mo sa amin ni Miko noong nakaraan.” Bakas sa mga mata ni Chester ang pag-aalala sa tanong niyang iyon sa akin.
Dahil doon, hindi ko maiwasang muling maalala ang pangyayari na kung saan nalaman ko ang katotohanan. Habang pabbaba ako ng hagdan, narinig kong nag-uusap ang aking mga magulang na kasalukuyang nakaupo sa sofa na narito sa aming sala.
“Emmanuel, hindi ba puwedeng maging mahinahon ka kay Archie? Masyado na siyang nasasakal sa mga pinagagawa mo sa kaniya. He can’t even enjoy his life because of your strict protocols. Minsan, maisip mo naman na bata pa si Archie, Emmanuel.”
Dinig kong pagsasalita ng aking Mommy Lucia. Dahil sa aking narinig, huminto ako sa aking pagbaba at tahimik ko silang pinakinggan.
Habang nagtatago ako sa isa sa mga poste ng aming hagdan, kitang-kita ko mula rito ang reaksyon ng aking ama. “Lucia, kung hindi ko gagawin ang bagay na ‘yon, baka mapariwara ang anak mo—ang anak natin, I mean. Ayoko lang na lumaki siyang walang alam sa buhay.” Tugon ng aking ama.
“Anak mo rin siya!” nakita kong napatayo ang aking ina mula sa kaniyang pagkakaupo at naglakad ng ilang hakbang, “Emmanuel, ilang beses kong pilit na kalimutan ang nangyari, pero pilit ring bumabalik ang lahat ng iyon. Gustong-gusto ko nang kalimutan, para naman magawa mo akong mapatawad.”
“Lucia, it wasn’t your fault at all. Hindi kita sinisisi sa nangyari sa ‘yo noon. Walang may gusto sa nangyari,” nakita kong tumayo ang aking ama at agad nitong inakap ang ina ko, “isa iyong pagkakamali, kahit kailan ay hindi natin mababago.
“Tinanggap ko ng maluwag si Archie, dahil anak mo siya, kahit hindi ako ang tunany niyang ama. What I did to him, is just for him—to make him better person. Para hindi siya magaya sa tatay niyang walang kuwenta.”
Sa mga narinig kong iyon, tila pinagsakluban ako ng langit at lupa. Tama ba ang mga narinig ko? Tama ba ang sinabi ni Daddy Emmanuel, na hindi niya ako tunay na anak? Pero, paano nangyari ang bagay na iyon.
Nang tatayo na ako, hindi ko alam na may base pa lang nakalagay sa aking likuran. Nabunggo ko iyon na siyang naging dahilan para makuha ko ang atensyon ng aking mga magulang. Habang nakatingin ako sa kanila, bigla ko na lamang naramdaman ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso.
“Daddy, Mom? Totoo po ba ang narinig ko? Hindi ako tunay na anak ni Daddy? Kaya pala…kaya pala ganun na lamang ang trato niya sa akin. Bakit itinago ninyo ang bagay na ito sa akin? I will be the one who should’ve know about this. But, you opt to kept from me?” Sunod-sunod na pagtatanong ko sa kanila.
“Anak—” hindi na nagawang magsalita ng aking ina, nang hinawakan siya ng ama ko sa balikat niya, “That’s the truth, Archie. You are not my biological son amd I am not your father,” umiiling lamang ako habang sinasabi niya ang mga bagay na ‘yon sa akin.
“Years ago, ang tatay mo ay laging pinagmamalupitan ang mommy mo. She experienced the life she doesn’t dreamt of. Hanggang sa dumating ‘yong punto na, sapilitang pinagsamantalahan ang mommy mo. Mahal na mahal ko si Lucia, kaya nang malaman ko ang tungkol sa bagay na ‘yon,
“Agad kong pinuntahan ang mommy mo. To get her and keep her away from your father. Kahit na nagbunga ang ginawa ng tatay mo. Tinanggap ko pa rin si Lucia, dahil mahal na mahal ko siya. Ngayon, kaya ganito ako kahigpit sa ‘yo, because I had have my reasons. Ayokong matulad ka sa totong tatay mo. Gusto kong lumaki ka ng desente at presentableng tao. Kaya sana, maunawaan mo ako, Archie. Lahat ng ginagawa ko, ay para sa ikabubuti mo.”
BINABASA MO ANG
Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]
RomanceTo be published under Chapters of Love Indie Publishing (CLP) soon. ..... Note: This story contains explicit content which means, this may not be suitable for the young readers. So, parental guidance is advise. And those who had their past related o...