Kabanata XXI: Ryan

205 13 2
                                    

Dalawang buwan ang lumipas noong umuwi ako sa amin. Noon, hindi maging maganda ang huli naming pag-uusap sa pagitan namin ng nanay at kuya ko. Dahil sa sobrang kabastusan at kawalang-galang niya sa nanay namin, hindi ko naatim na hindi siya sagutin, kahit siya pa ang panganay na anak.

Ang ayoko kasi sa lahat ay iyong sinasagot ang magulang namin ng pabalang. Ayoko ring nakikita ang nanay namin na umiiyak at nalulungkot na kamin mga anak niya ang dahilan ng pagtangis ng kaniyang luha. “Ryan, ayos ka lang ba? Narito na tayo sa inyo.”

Bahagya ko namang inilibot ang aking tingin at nakumpirma ko nga na narito na kami sa aming lugar. “Ito ho ang bayad,” abot ko sa Mamang driver ng aming bayad, “tara, Russell. Ipapakilala kita sa nanay ko.”

Ito ang unang pagkakataon na isinama ko sa aming bahay si Russell. Kung noon, palagi ko lamang siyang nakukuwentuhan tungkol sa pamilya ko, dahil wala akong lakas ng loob na ipakilala at isama siya rito. Dahil nga sa trabaho naming dalawa ni Russell, hindi rin puwedeng malaman ng iba ang tungkol sa sikretong relasyon namin, ganun rin sa aming mga kaibigan.

“Mahal, sigurado ka ba sa gagawin mo? Maiintindihan ko naman kung hindi ka pa handa na sabihin sa pamilya mo ang tungkol sa relasyon natin. Inaalala ko rin kasi ang mga kaibigan natin, kung sakaling ipagtapat natin sa kanila ito,” mahabang pagsasalita ni Russell sa akin habang naglalakad kami papasok sa aming iskinita.

Napahinto naman kami sa aming paglalakad, hinawakan ko ang kaniyang kamay at tinitigan ko ang kaniyang mga mata, “Russell, nakapagdesisyon na ko. Wala rin mangyayari kung patatagalin natin na isekreto ang relasyon natin. Ganun rin ang magiging reaksyon nila. Kaya, magtiwala ka lamang sa akin. Matatanggap rin nila tayo.”

Bago kami nagpatuloy sa aming paglalakad, binigyan ko ng isang banayad na halik sa kaniyang labi si Russell. Hindi pa man humihiwalay ang aking labi sa kaniya, naramdaman kong napangiti siya sa ginawa kong iyon. Matapos iyon, muli naming ipinagpatuloy ang aming paglalakad papunta sa aming bahay.

“Ryan, ikaw pala ‘yan. Buti naman umuwi ka dito. Ilang buwan kitang hindi nakita, anak. Galit ka ba sa nanay?” Tanong nito sa akin. Umiling naman ako sa kaniya.

Tumingin muna ako kay Russell bago ako lumapit sa aking ina. Nakita ko namang itong tumango sa akin, “Nay, kahit kailan, hindi ako nagalit sa ‘yo. Kayo na lamang ng mga kapatid ko ay mayroon ako, magagalit pa ba ako? Mahalaga kayo sa akin, kaya nga kahit pagbebenta ng katawan ang trabaho ko. Magawan ko lang ng paraan para hindi ko kayo makitang nagugutom.”

Pumasok naman ang aking ina sa aming bahay, na siya namang sunundan namin ni Russell. “Anak, hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin ko sa ‘yo. Halos buong buhay mo, kami na lamang ng kapatid mo ang inuuna mo. Hindi mo na nagagawa ang mga bagay na magpapasaya sa ‘yo.” Tugon niya sa akin.

Hinawakan ko naman ang dalawang kamay ng aking ina. Habang hawak ko ang mga iyon, ramdam ko sa mga kamay niyang iyon ang hirap na ginawa niya para sa aming magkakapatid. “Mali ka, nay. Ito ang kasiyahan ko, ang suklian ang lahat mg nagawa mo para sa amin. Kahit kailan, hindi ako napagod na magtrabaho—dahil kayo lagi ang nasa isip ko.

“Kayo lagi iyong nagiging inspirasyon ko. At wala rin akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao na; callboy ako, marumi ako at kung anu-ano pa. Dahip ang mahalaga, ay kayo. Ikaw, nanay at ang mga kapatid ko. Wala akong ikinahihiya sa trabaho ko, dahil kahit kapalit noon ang dignidad at pagkatao ko—basta matugunan ko ang lahat ng pangangailangan ninyo. Mayroon pa rin naman po akong prinsipyo.” Mahaba kong pagsasalita sa aking ina.

Naramdaman ko namang hinawakan ako ni Russell sa aking balikat. Sa ginawa niyang iyon, bahagyang gumaan ang pakiradam ko, hinawakan ko ang kamay niyang iyon at saka ako ngumiti sa kaniya.

“Maraming salamat, anak. Napakabuti mo sa amin ng mga kapatid mo. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala akong katuwang sa hirap ng buhay. Maraming salamat, Ryan, anak ko,” umiiyak na tugon sa akin ng aking ina.

Agad ko naman siyang inakap, ayokong nakikita ang aking ina na lumuluha. Ngunit sa pagkakataon ito, lumuluha siya dahil sa sayang nararamdaman niya. “Nay, hindi mo kailangan magpasalamat sa akin. Obligasyon ko na tulungan ka—at sa pagkakatong ito, ako naman ang magsasakripisyo para sa ‘yo.” Saad ko.

Ilang segundo pa ang lumipas, nang bahagyang kumalma ang aking ina mula sa kaniyang pag-iyak. Lumingon ako kay Russell na kasalukuyang kausap ang dalawang nakababata kong kapatid. “Siya nga po pala, nay,” pagtawag ko sa kaniyang atensyon, “nay, ayos lang naman ho siguro kung magkaroon ako ng karelasyon, hindi po ba?”

Nakita ko namang marahang hinawakan ng akin ina ang kamay ko, “anak, hindi mo naman dapat ipaalam sa akin ang ganitong bagay. Desisyon mo na iyon at labas na ako roon. Kung ano man ang magpapasaya sa iyo, susuportahan kita,” mahabang tugon ng aking ina sa akin.

Sa sinabing iyon ng Nanay Thelma ko sa akin, agad akong nakaramdam ng ginhawa. Sa wakas, mapapakilala ko na rin ang taong pinakamamahal ko sa aking ina. “Nay, ang totoo po niyan, kasama ko po siya,” agad akong sumenyas kay Russell at pinalapit ito sa akin, “nay, si Russell po. Siya po iyong taong sinasabi ko sa inyo.”

“Magandang araw po, Nay Thelma,” lumakad ito palapit sa aking ina at kinuha niya ang kamay ni nanay upang magmano, “pasensya na po kayo sa akin.”

Tumayo naman ang nanay ko mula sa kaniyang pagkakaupo. Kinuha niya ang kamay ni Russell at idinikit iyon sa akin, “Ryan, hindi ako hadlang kung lalaki ang iyong minamahal. Kung ito ang magpapasaya sa ‘yo, bakit hindi? Ikaw naman, Russell, suportado ko kayo ng anak ko.

“Mahalin ninyo ang isa’t isa. Gusto kong maging matatag kayo sa gitna ng bagyo na daraan sa relasyon ninyo. Narito lamang ako sa inyong likod, nakaalalay.”

Matapos magsalita ng aking ina, hindi ko napigilan ang aking sarili na yakapin silang dalawa. Isang banayad na halik ang aking ibinigay sa aking ina, at sa taong mahal ko na si Russell. Ngunit, ang tuwa at saya sa aming mga labi ay agad ring nawala, nang may isang boses ang nagsalita.

“Nawala lang ako, naging bakla ka na at isang bayaran? Ganito ka ba pinalaki ng nanay mo, Ryan?” Sabay-sabay kaming napatinging tatlo sa taong nagsalita. Bumungad sa amin ang imahe ng aking ama na ilang taong nawala dahil sumama siya sa kaniyang kabit.

“Anong ginagawa mo rito, Emilio? At sino ka para pagbawalan ang anak ko sa kagustuhan niyang mahalin? Wala kang karapatan na pangunahan ang anak ko sa magiging desisyon niya. Wala kang karapatan.”

“Kaya siguro naging ganiyan ang batang iyan, dahil sa pagiging konsintedora mo.” Tumingin ng mariin sa aking ang aking ama at dinuro-duro ako, “Ryan, umayos ka. Hindi lalaki ang pinangarap ko sa ‘yo, maraming babarng nagkakandarap sa ‘yo, bakit sa lalaki pa?” Natatawang sabi nito.

Sa sinabi niyang iyon, hindi ko napigilan ang sarili ko na maikuyom ang aking kamao. Kaya naman, inilabas ko na ang galit na inipon ko simula noong iniwan niya kami nila nanay, “Sino ka ba sa inaakala mo? Wala kang karapatan na diktahan ang gusto at ayaw ko. Dahil simula noong iniwan mo kami, kinalimutan kong may ama pa ako.

“Wala kang kuwentang tatay. Nakayanan mong tiisin ang pamilya mong nagugutom at naghihirap, habang ikaw, nakikipaglampungan sa kabit mo. Para lamang maibsan ang kating nararamdaman mo. Kaya, umalis ka na rito. Dahil wala na kaming tatay na Emilio ang pangalan.”

Nagulat na lamang ako ng matagpuan ko ang aking sarili na nakahiga na sa lapag. Napahawak na lamang ako sa kanang labi ko at nang tignan ko ang aking palad, nakita kong may iilang bakas ng dugo roon.

“Wala kang kuwentang anak! Matapos kitang palakihin, bihisan, at palamunin. Ganito lang ang igaganti mo sa akin?”

“Sinusumbat mo ba ang lahat ng ginawa mo? Kulang na kulang pa ang mga iyan, kumpara sa hirap na ginawa ni tatay para sa amin. Wala kang karapatan na sumbatan ako, kami ni nanay. Dahil umpisa pa lang, ‘yong kabit mo na ang mahalaga sa ‘yo!”

Akmang susuntukin ako ng aking ama, nang agad na pumagitna ang aking ina. “Subukan mo, Emilio! Subukan mong makatanti muli ang anak ko, hindi ako magdadalawang-isip na itusok sa ‘yo ang kutsilyong ito!” Nakita kong itinutok ni nanay ang kutsilyo sa aking ama, “umalis ka na!”

Wala nang nagawa pa ang aking ama kundi ang umalis at dalhin ang kaniyang mga gamit. Marahan naman akong inalalayan ni Russell na makatayo at iginayak ako nito sa bangko. “Mahal, ayos ka lamang ba? Masakit pa ba ang parteng sinuntok ng tatay mo?” Nag-aalalang tanong nito.

Umiling naman ako sa kaniya upang maibsan ang pangamba sa kaniyang dibdib, “Hindi na gaano. Ayos lang ako, mawawala rin naman ito.” Nang tignan ko siya, isang ngiti ang aking nakita sa kaniyang labi. Marahan kong pinisip ang kaniyan kamay na siyang nagpapagaang sa aking loob.

Lumipas pa ang ilang oras na pananatili namin sa bahay, napagdesisyunan namin ni Russell na bigyan na lamang ng pera ang aking nanay. At bago naman kami tuluyang umalia sa aming bahay, nagpunta muna kaming dalawa sa grocery, para ipamili ang mga pangangailangan ng aking nanay at dalawang kapatid.

Nang maihatid na namin ang lahat ng iyon sa kanila, ay agad rin kaming nagpaalam sa kanila, at nangako ako sa aking mga kapatid na babalik kaming muli ni Kuya Russell niya.

Nasa loob na kami ng amin kuwarto sa Bahay-Aliwan. Napahinto naman ako sa aking pag-aayos ng marinig kong nagtanong sa akin si Russell. “Mahal, sigurado ka ba na ipagtatapat na natin sa kanila ang totoo? Pati kay Boss Adam? Paano kung magalit sila? Lalo na si boss?” Sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Russell.

Lumapit ako sa kaniya, hinawakan ko ang dalawang kamay nito at marahan kong minasahe. “Sa tingin mo ba, magagalit sila kapag ipinagtapat natin sa kanila ang relasyon natin? Lalo na kay Boss Adam? Pakiramdam ko ay tatanggapin nila tayo. Kilala ko sila, magiging maayos rin ang lahat.” Tugon ko sa kaniya.

Akmang magsasalita pa sana si Russell nang biglang nagpasukan ang aming mga kaibigan, kasama si Boss Adam. Nang lingunin ko si Russell, nakita ko itong nakayuko. At ang kamay nito ay mahigpit na nakahawal sa akin.

“Anong ibig sabihin nito, Ryan at Russell? ‘Wag ninyong sabihin na may relasyon kayong dalawa? Alam naman ninyo ang patakaran ko rito sa loob ng Bahay-Aliwan? Walang lugar ang emosyon rito.”

“Alam po namin iyon, Boss Adam,” itinaas ko ang magkawak naming kamay ni Russell at ipinakita iyon sa kanila, “Mikaela, Jeff, Arthur at Boss Adam, sa totoo lamang po. Hindi na po naming kayang itago pa sa inyo ni Russell ang relasyon namin. Dahil alam ko na malalaman din ninyo ang tungkol sa bagay na ito.”

“Bakit ngayon n’yo lamang sinabi sa amin ang tungkol sa bagay na ito? Hindi ninyo dapat itinago sa amin ito. Kaibigan n’yo kami, natural lang na matanggap at suportahan namin kayo.” Bakas sa boses ni Mikaela ang pagtatampo habang sinasabi niya iyon sa amin.

“Ryan, Russell, alam ko kung bakit ninyo nagawang itago sa amin ang tungkol sa relasyon ninyo. Bukod sa hindi pa kayo handa, alam kong natatakot rin kayo sa maaaring kalabasan ng pag-amin n’yo.” Saad ni Jeff sa akin.

Nang magsasalita na ako, agad namang nagsalita si Arthur, dahilan para mapahinto ako sa aking gagawin. “Ryan, masaya ako na may tao nang magpapasaya sa ‘yo. Sobrang saya ko na naging kayo ni Russell. Natutuwa ako at lagi ninyong aasahan ang suporta ko.” Agad na bumitaw sa aking pagkakahawak si Russell at nakita ko itong agad na yumakap kay Arthur.

“Kung ganun, ayos naman pala sa mga kaibigan ninyo ang relasyon na mayroon kayo,” sabay-sabay naman kaming napatingin kay Boss Adam ng magsalita ito, “ano pa ba ang magagawa ko, hindi ba? Basta, lagi ninyong tatandaan ang mga bilin at paalala ko. Naiintindihan ninyo bang lahat iyon?”

Napatango naman kaming lahat sa huling sinabi sa amin ni Boss Adam. “Boss, maraming salamat po sa pagtanggap sa relasyon naming ni Russell. Salamat po ng marami,” tugon ko sa kaniya.

“Ayos lang. Wala akong magagawa kung ayan na ang mga nararamdaman ninyo ng taong mahal mo. Wala rin akong karapatan para maging sagabal sa pagmamahal ninyo ni Russell. Nasa likod n’yo lang ako at tulad ng mga kaibigan mo—naka suporta rin ako.”

Wala na akong nasabi pa kay Boss Adam. Napayakap na lamang ako sa kaniya dahil sa pagkakataon na ibinigay niya sa amin. Habang nakayakap ako kay Boss Adam, naramdaman ko rin ang pagyakap sa amin ng aking mga kaibigan.

Mali pala ako. ‘Yong inaakala kong taong magpapahirap sa akin—sa amin, ay siya rin pa lang tutulong sa amin. ‘Yong inakala kong Bahay-Aliwan na puro tawag lamang ng laman, ‘yong Bahay-Aliwan rin pala ang magsisilbi naming pangalawang tahanan—takbuhan sa oras na may problema kami—sa oras na nahihirapan kami sa buhay. Ito pala ang nais na ituro at ipaalam sa amin ni Boss Adam.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon